Si Mia na matapang at palaban ay mapapasabak sa isang misyon. Ang misyon na ito ay ang magpapanggap na may relasyon sila sa apo ng Donya, na walang iba kundi ang aroganteng binata na si Matthew Delos Reyes. Napagkasunduan nilang dalawa na gumawa ng kontrata kapalit nito umano ay babayaran siya ng masungit na binata ng limang milyon. At ang pagpapanggap na ito ay magtatagal hanggang sa tatlong buwan lamang. Ngunit ay may lihim na nararamdaman ang dalaga para sa binata. Ang binata na walang tiwala sa katagang "Pag- ibig". Ang tanong, magbabago ba ang lahat sa loob ng tatlong buwan na ito? Paano kung, alipin parin ito sa isang masamang kasaranan? Matatanggap parin ba niya o tuluyang wakasan ang totoong nararamdaman?
View MoreMuling sumilip si Mia sa loob ng opisina ng kanyang asawa pero wala parin siyang nakikitang tao roon. Kaya naisip niyang bumalik na lang sa condo.
Mabigat ang kanyang mga hakbang na tinungo ang pasilyo ngunit bigla siyang napatigil nang may naulinigang tinig. Medyo may distansiya ang boses na iyon mula sa kinaroroonan niya, kaya pilit niyang hinagilap kung saan ba ang pinanggalingan non. Saka niya napansin na parang naroon sa loob ng conference room. Kaya agad siyang pumaparoon at marahang binuksan ang pintuan upang silipin kung sino ang nasa loob. Ngunit bigla siyang natigilan sa nakita. Ang kaisa- isang taong hinintay at hinanap niya kanina ay nandito lang pala sa loob ng conference room, at ang pinakamasaklap ay may kahalikan itong babae. Hindi siya agad makakakilos, Para siyang naninigas sa kanyang kinatatayuan habang pinanood ang mala- romantikong eksena. "Yes, babe, I know you can't resist me. And I know you'll still love me. So, I'm here now, coming back just for you, Matthew." wika ng babaeng kahalikan ng kanyang asawa. Bawat salitang binibigkas ng babae ay parang isang matutulis na punyal na tumutusok sa kanyang dibdib. Parang unti unting pinatay nito ang kanyang pagkatao. Wala siyang narinig na salita mula sa kanyang asawa bagkus ay nakita niya ang unti- unting paghawak nito sa balikat ng babae na parang mas lalo lang nitong hapitin pa ang katawan ng kahalikan. Hindi niya nakayanan pang panoorin ang susunod na gagawin ng mga ito. Dahil sa estado ng dalawa ngayon ay parang may ideya na siya kung anu ang maging kasunod na eksena. Pumihit siya upang umalis roon ngunit hindi niya napansin ang pagkasanggi ng isa niyang kamay sa doorknob ng pintuan kaya nagbigay ito ng kaunting ingay na sakto lang din na marinig ng dalawang nilalang na nasa loob. Mabilis siyang tumakbo sa pasilyo at tinungo ang elevator. Nagmamadaling pinindot niya iyon, dahil may narinig siyang mga yapak na sumusunod sa kanya. Pindot siya ng pindot hanggang sa bumukas iyon at dali- dali siyang pumasok. "Mia, wait!" sigaw ni Matthew na sumunod sa kanya. Agad niyang sinara ang elevator. Kailangan niyang makaalis sa lugar na yon sa lalong madaling panahon. Hindi pa siya handang makinig sa mga paliwanag ng asawa. Ayaw niyang marinig pa ang mga kasinungalingang sasabihin nito. Marahas na pinahid niya ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi. Ramdam niya kung gaano kasakit ang kanyang nararamdaman ngayon, parang hindi niya kayang tanggapin ang lahat. Ang katotohanang niloloko siya ng asawa. "I hate you, Matthew! I hate you!" bulalas niya na tanging sarili lamang ang nakakarinig. Ang tanga ko, ang tanga- tanga ko!" *---*----*----*------*-----*-----*-----*-----*-----* Chapter 1 Araw ng linggo, nagmamadaling umalis si Matthew nang mabasa ang ibinigay na mensahe ng kapatid na si Merna. Siya ay pupuntang ospital na kung saan naka admit ang kanyang lola. "How's Lola?" puno ng pag alalang tanong niya sa kapatid na si Merna. Kadarating lamang niya sa ospital. Huli na nang matanggap niya ang mensahe sa kanya ng kapatid. Agad na nabaling ang tingin niya sa abuela na nakahiga sa hospital bed. Maputlang- maputla ang mukha nito, mababakas doon ang pinagdaanan nitong hirap. "Lola had a heart attack again, Kuya Matthew, " tugon ni Merna. Namumugto ang mga mata nito. "Nang pumasok si Manang Adelfa sa room niya kanina, nakahandusay na si Lola sa sahig. Kung nahuli pa ng ilang minuto bago siya nadala sa hospital, malamang.... malamang wala na siya..." Umiiyak ito habang nagsasalita. Nilapitan niya ito upang yakapin at aluin. "Kumusta na siya ngayon?" tanong niya na nakatingin pa rin sa abuela. Ang kanilang abuela na si Doña Tranquelina Delos Reyes ang solong nagpalaki sa kanila ni Merna mula nang maulila silang magkapatid. Bata pa ang papa nila nang mabiyuda ang kanilang lola. Ito ang tumayong ama at ina ng papa nila at nagpatuloy sa pamamalakad ng kompanya ng pamilya. Noong seventeen years old siya at twelve years old si Merna, sabay na namatay ang kanilang mga magulang sa isang plane crash. Muli ay tumayong solong magulang para sa kanila ang kanyang abuela. Muli nitong tinanggap at kinaya ang ikalawang trahedya sa buhay nito. Sa negosyo at sa kanila ni Merna nito itinuon ang buong panahon at atensiyon nito. Malaki ang paggalang, pagmamahal at utang na loob nila ni Merna rito. Kaya naman ginagantihan nila ang lahat na ibinigay at sakripisyo nito para sa kanila sa pinakamabuting paraang alam nila. Noong una itong atakihin sa puso ay ipinasya niyang pagpahingahin na ito at siya na lamang ang mamahala sa kanilang kompanya. Naging napakasaya niya nang mapagtagumpayan niya ang obigasyong naatang sa mga balikat niya. Naging napakasaya niya nang sabihin sa kanya ng abuela kung gaano ito ka proud sa lahat ng accomplishments niya. Ginawa niya iyon dahil gusto niya itong mapapasaya. Gusto niyang patunayan dito na hindi ito nagkamali sa pagtitiwala sa kanya. Lahat ng mga bagay na gusto nito para sa kanya ay gusto niyang sundin. Kaligayahan na niyang makitang maligaya ito. Sa dami ng hirap at sakripisyo nito,gusto niyang suklian ito ng pagmamahal at ipakita o iparamdam dito ang pagiging ulirang apo. Sa buong buhay niya ay isang bagay lamang pinagtatalunan nilang maglola. Iyon ay nang sa kauna- unahang pagkakataon ay nagmahal siya. Sa kanyang dating sekretarya na si Jenny. Nagmula si Jenny sa isang mahirap na pamilya. Buo sa isip niya na ang pagiging mahirap ng babae ang dahilan ng pagtutol ng kanyang abuela kahit pa paulit- ulit nitong sinasabi sa kanya na hindi mahalaga ang estado sa buhay ni Jenny. Iba lamang daw talaga ang kutob niya sa babae. Kahit nang paimbestigahan ng abuela niya si Jenny at natuklasan ng matanda na nakatapos ito ng kolehiyo dahil sa pakikipagrelasyon sa mayayamang lalaki, hindi niya pinakinggan ang abuela. Dahil umamin naman sa kanya si Jenny. Iyon daw ang nakaraan nitong takot na takot na ipagtapat sa kanya. Ngunit nakaraan na raw iyon at pinagsisihan na nito ang lahat. Pinaniwalaan niya ito. Pinanindigan niya ang kanilang relasyon at minahal niya ito ng lubos. Para lamang matuklasan na totoong pagkatao nito na isa palang doble-kara. Nalaman niya sa bandang huli na kalaguyo pala ito ng mataas na opisyal ng advertising company na pangunahing kalaban ng kanilang kompanya. Kaya pala nananakaw ng kalabang kompanya ang mga ideyang ipiprisinta sana nila sa malalaki nilang kliyente ay dahil sinasabi iyon ni Jenny sa kalaguyo nito. Hanggang sa unti- unting na pull- out sa kanila ang malalaking account na muntik nang ikabagsak ng Delos Reyes Advertising Company. Kung hindi pa kinutubang muli ang kanyang abuela ,hindi pa nila malalaman na si Jenny pala ang nasa likod ng lahat na pananabotaheng iyon. Nang iprisinta sa kanya ng abuela ang lahat nga ebidensiya ay nanlulumo siya. Hindi siya makapaniwala na nagagawa ito ng kanyang pinakamamahal na nobya. Muntik nang bumagsak ang kompanyang pinaghihirapan nito at ng kanyang abuelo dahil sa katangahan niya. Ang pinakamasakit sa lahat ay hinayaan niyang mapaikot siya ng dating nobya sa mga palad nito. Bago pa niya makompronta ang babae ay nawala na ito na parang bulang biglang naglaho. Nakatunog marahil ito sa pag iimbestiga ng kanyang abuela. Iyon ang pagkakamaling hanggang ngayon ay dala- dala niya pa sa kanyang dibdib. At labis na pinagsisihan kung bakit ay hindi siya nakinig sa lahat ng mga sinasabi ng kanyang abuela noon na di sana mangyayari ito sa kanilang kompanya. Ginawa niya lamang ang lahat sa abot ng kanyang makakaya na muling maibangon ang kompanya at sa awa ng panginoon ay napagtagumpayan niya itong muli. And he had learned his lesson very well. Mula noon ay nag- iba na siya. Naging mahirap na para sa kanya ang magtiwala muli sa ibang tao. Inalis na rin niya sa kanyang puso ang paniniwala sa salitang pag- ibig. Kahit anong sabi ng abuela niya na kalimutan na niya ang nakaraan at muling magmahal ay hindi na niya magawa. Pakiramdam niya ay masyado niyang pinapairal sa damdamin kaya hindi niya nakikita ang tunay na ugali ng isang babae. Na kahit kinukumbinsi siay ng abuela na muling magmahal ay hindi siya sumang- ayon. Sinabi niya ritong hayaan na lamang siya ang importante ay hindi niya pinapabayaan ang kanilang kompanya. Alam niyang nasaktan niya ang abuela sa lahat ng mga sinasabi niya dito. Alam niyang wala itong ibang hangad kundi ang mapabuti siya. Ngunit ano ang magagawa niya? Tapos na ang panahon na minsan ay naging tanga siya sa larangan ng pag-ibig. "She's stable now, Kuya," narinig niyang sabi ni Merna pagkatapos niya itong aluin. "According to the doctors, the third time could be very fatal. Kuya, these past few weeks, Lola seemes mesirable. Palaging parang malalim ang iniisip niya. Parang may problema siyang inaalagaan sa kanyang dibdib at sinasarili lang. And last night, I saw her cyring..." umiiyak na sumbong ng kapatid sa kanya. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito. "Naabutan ko siyang binubuklat ang family albums natin sa library. I joined her in reminiscing the past. Hanggang sa mapunta kami sa mga pictures mo noong college ka, lalo na noong graduation mo, doon siya lumuha nang lumuha. And I couldn't do anything to stop her tears. Hanggang sa maihatid ko siya sa kuwarto niya, ang lungkut- lungkot pa rin ng mukha nito. Tapos sabi niya bago niya ipikit ang mga mata niya, Merna, wouldn't it be nice to have our old Matthew back again? Don't you miss him? Muli niya itong niyakap at hinagud -hagod ang likod nito. "I think Lola is so worried about you, Kuya... Para pa ngang sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa 'yo... sa naging pagbabago mo. Nahihirapan siyang makitang parang may galit ka sa mundo." "Sshhh.. tahan na. Huwag ka ng umiyak. Baka biglang magising si Lola at makita ka niyang umiiyak," aniya sa kapatid. Nag - alala ako sa kanya, Kuya. " anito. " I've never seen her so sad.... so lonely. I don't like to see her that way, Kuya. She had always been our strength. Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko siyang pasayahin pero... pero hindi ko naman alam kung pa paano." "Sshhh, everything will be all right, bunso," pag- aalo niya muli rito. Please do something, Kuya. Do something to make Lola happy. Please! I don't want to lose her, Kuya." Napapaisip si Matthew sa sinabi ng kanyang kapatid, maging siya man ay ayaw niyang mawala sa kanila ang abuela, ito na lang ang meron sa buhay nila. At hindi niya hahayaang mangyayari itong muli. Napabuntung- hininga na tiningnan niya ang matanda. Kinailangan niyang gumawa ng paraan upang maibalik ang dating sigla ng abuela.Dear friends and readers, Ngayong tapos na ang aking nobela, gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa inyo. Salamat sa paglaan ng oras para samahan ako sa paglalakbay na ito. Napakahalaga ng inyong suporta at pagtangkilik. Sana nagustuhan ninyo ang kwento tulad ng pagkagusto ko sa pagsusulat nito. Kung may mga bahagi na nagustuhan ninyo o hindi gaanong nagustuhan, malugod kong tinatanggap ang inyong mga feedback at suhestiyon. Ang inyong mga puna ay mahalaga at makakatulong sa akin upang mas mag-improve pa bilang manunulat. Muli, maraming salamat sa pagiging bahagi ng kakaibang paglalakbay sa kuwento ng pagmamahalan nina Mia and Matthew. Warm regards, Funbun
"Honey! help! m-manganak na yata ako!" sigaw ni Mia sa asawa. Nasa beach resort sila ngayon kasama ang kanilang pamilya. Siya ang pumili nitong lugar na kanilang pagbabakasyonan ng isang linggo. Pag- aari ito ng kaibigan ni Danny na matalik na kaibigan ng asawang si Matthew. At nandito rin ang mga ito kasama ang asawa at ang dalawang anak. "Mia, honey! What happened?" tila natataranta nitong tanong at napatakbo sa kinaroroonan niya. "Hon, ang sakit ng tiyan ko! manganganak na yata ako, Matthew!" nahihirapang wika niya sa asawa. Na ngayo'y sa sobrang pagkakataranta ay hindi na nito alam ang gagawin nais niyang matawa sa hitsura nito na pabalik- balik ang pagtakbo na hindi alam kung ano ang uunahin. "Ang kotse, ang kotse ihanda ko muna, hon!" sabi nitong aktong muling umalis. "No, hon... aahhh...!" sigaw niya sa hindi napigilang sakit. Patakbo naman itong bumalik sa kanya. "Masakit na ba talaga, hon? teka t-tawagin ko muna sila n-nanay Maria." taranta pa ring sabi nito na nag
A SMILE APPEARED on his lips as he watched his wife, Mia, who was very busy taking photos everywhere." Halos ay wala itong kapaguran sa buong araw nilang pamamasyal. Nalibot na yata nila ang buong syudad dito sa Maldives pero kitang- kita parin ang pagiging energetic nito. "Smile, honey! Say cheese!" sigaw nito sa kanya habang kinunan siya nito ng litrato mula sa kinaroroonan nito. Napangiti naman siyang sumunod dito. Ewan ba niya kung bakit lahat ng gusto nito ay nahirapan siyang tanggihan kaya mas pinili na lang niyang sunud- sunuran sa mga kagustuhan nito lalo na at nakikita niya kung gaano ito kasaya. They're having their dinner inside a floating restaurant. Nakuha pa niyang maging romantic sa tulong ng waitress na uma- assist sa kanya upang lagyan ng candlelight ang mesa na kung saan naroroon ang kanilang pagkain. After the dinner nagpaalam ang asawang pumunta muna restroom at agad naman siyang pumayag. Naisipan niyang kumuha ng litrato gamit ang sariling phone ngunit b
Mia, the radiant bride, gracefully walked down the aisle, her beauty captivating everyone present. With the backdrop of Boracay's pristine beach, her appearance was nothing short of breathtaking. Her flowing gown gently swayed with the ocean breeze, making her look like a vision of elegance and grace. As Mia walked down the aisle, Matthew couldn't take his eyes off her. His heart swelled with emotion, and a radiant smile spread across his face. Standing at the altar, with the stunning Boracay beach as the backdrop. Matthew's love and admiration for Mia were evident in his gaze, capturing the essence of their unforgettable day. Though, this was the second time for them to get married pero iba parin sa pakiramdam ang makita ang asawang si Mia na naglalakad sa gitna. All eyes set on her. Parang gustong kumawala ang luha ni Matthew sa kanyang mata dahil sa natatamong kagalakan. Pero pinigilan niya. "Huwag kang magkamaling umiyak dito Matthew baka isipin ng mga tao inaaway kita,"
MATULIN na mga araw ang lumipas dumating na ang pinakahihintay ng mag-asawa. Lumipad patungong Boracay ang kanilang pamilya dahil doon gaganapin ang kanilang kasal. Sa mismong beach house na pinagawa ng asawa ang napili nilang venue. The wedding of Mia and Matthew will be a beautiful celebration set in the stunning beach house of Matthew, located on the picturesque island of Boracay. The couple has chosen this idyllic location to share their special day with loved ones, surrounded by the soothing sounds of the ocean and breathtaking views of the beach. All special guests will arrive two days before the wedding, allowing ample time to settle in, relax, and enjoy the serene beauty of Boracay. The pre-wedding days will be filled with joyous activities, giving everyone a chance to create lasting memories before the main event. Ini- enjoy muna ng lahat bago ang kanilang kasal. They even engage any various activities na mayroon sa Boracay. Maituturing na isang bakasyon ang kanilang p
Dear readers, Malapit na pong matapos ang aking kwento, at nais kong humingi ng inyong suporta sa pamamagitan ng inyong mga komento at suhestiyon. Ito po ay nagbibigay inspirasyon sa akin upang magpatuloy sa pagsusulat. Ito po ang unang beses kong magsulat ng nobela, at umaasa akong magugustuhan ninyo ang aking isinulat na kuwento. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta! Funbun
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments