Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

"Boss! Nasa panganib pong muli ang buhay ng asawa mo!" wika ng kanang-kamay ni Kaizer. "Ihanda mo ang mga tauhan at ililigtas natin siya!" malakas na sigaw ng mafia boss. Mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Devil's Angel Mafia Organization. Lahat sila ay handang ialay ang buhay para sa kanilang reyna. Buong tapang na sumakay si Kaizer sa sasakyang naghihintay sa kan'ya. Ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng lungkot. Tumatagos doon ang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso. Siya ang asawa ngunit ang puso ng babaeng mahal niya ay nahahati sa dalawa. Hindi siya pwedeng gumamit ng dahas dahil baka tuluyang mawala sa kan'ya si Kryzell. Ang babaeng una at pinangakuan niyang huling iibigin. Sa pag-ibig kung saan ay nakikihati lamang siya, hanggang kailan ni Kaizer kayang maging biktima? May halaga ba ang pagiging mafia boss kung ang mafia's hidden angel ay magdesisyon na muling mabuhay ng payapa at malayo sa magulong mundo na meron siya?
9.8243.0K viewsCompletedAdded to Library 8.7K Times as heroína
Read
+Library
Contracted To My Boss

Contracted To My Boss

Si Diana ay lumaki sa hirap, ngunit lalong naging mabigat ang buhay nang magkasakit nang malubha ang kanyang kapatid na si Lyka. Sa desperasyon, lumapit siya sa nobyo niya para humingi ng tulong, ngunit imbes na damayan siya, inakusahan siya nitong pabigat at inamin na may iba na ito. Durog ang puso, tumakbo siya palayo at sa gitna ng kanyang pag-iyak, aksidente siyang nabangga ng isang matangkad at gwapong lalaki—si Adrian, ang misteryosong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Narinig pala ni Adrian ang buong usapan, at sa isang hindi inaasahang alok ay sinabi niyang, “Kailangan ko ng kontratang asawa, at kailangan mo ng pera. Pwede tayong magtulungan.” Sa kawalan ng ibang mapagpipilian, pumayag si Diana. Isang simpleng kasunduan lamang daw: walang emosyon, walang komplikasyon—pawang negosyo lang. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, napapansin nilang hindi ganoon kadaling iwasan ang damdamin. Ang mga halik na dapat ay peke, tila tunay. Ang mga haplos na dapat ay scripted, nagiging totoo. Unti-unti, naguguluhan sila sa kung ano ang totoo at ano ang bahagi lang ng kontrata. At nang magsimulang pumasok ang pamilya ni Adrian sa eksena, naramdaman ni Diana na baka hindi talaga siya nababagay sa mundo nito. Kaya iminungkahi niyang lumayo na lang. Pero bakit gano’n na lang ang sakit sa dibdib ni Adrian? Kung peke ang lahat, bakit parang ayaw na niyang lumayo na lang.
10764 viewsOngoingAdded to Library 28 Times as heroína
Read
+Library
Matchmade  by His Heir

Matchmade by His Heir

Anim na taon na ang nakalipas nang takasan ni Celestine Valderama ang Maynila matapos ang isang mapusok at hindi makalimutang gabi sa isang VIP lounge. Ngayon, namumuhay siya nang tahimik sa probinsya ng Quezon bilang isang matagumpay na Head of Operations. Ginawa niya ang lahat para ibaon sa limot ang nakaraan at protektahan ang kaisa-isang bunga ng gabing iyon—ang matalino niyang limang taong gulang na anak na si Zion. Ngunit ang tahimik nilang buhay sa Villa Amante ay masisira nang bilhin ng Valmonte Empire ang kumpanyang pinapasukan niya. Ang bago niyang boss? Si Zeno Valmonte. Isang malamig, kinatatakutan, at dominanteng bilyonaryo na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Hindi nakilala ni Zeno si Celestine, ngunit hindi maikakaila ang nag-aapoy na tensyon at mapanganib na pagnanasa sa pagitan nila sa loob ng opisina. Habang sinusubukan ni Celestine na iwasan ang patuloy na pang-aakit at pag-angkin ng kanyang boss, isang munting tulay ang patuloy na naglalapit sa kanila. Walang kaalam-alam ang bilyonaryo na ang bibong batang tumatawag sa kanya ng "Boss Daddy" sa opisina ay ang sarili niyang dugo at laman. At gagamitin ni Zion ang lahat ng kanyang inosenteng diskarte upang turuan ang walang-pusong bilyonaryo kung paano magmahal. Hanggang kailan maitatago ni Celestine ang lihim kung mismong ang anak niya na ang naglalapit sa kanila? At ano ang gagawin ng isang Valmonte kapag natuklasan niyang ang empleyadang inaangkin niya gabi-gabi ay ang ina ng kanyang tagapagmana?
183 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as heroína
Read
+Library
Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)

Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)

Perpekto na sana ang buhay ni Aria bilang tagapagmana ng isang mayamang angkan at mapapangasawa bilyonaryong at future Mayor na si Paulo Santillanes. Ngunit sumabog ang isang madilim na lihim: hindi siya ang tunay na anak. Pinalayas, inalisan ng yaman, at pilit inilalayo kay Paulo. Ipinaglaban nila ang isa't isa, ngunit isang sinadyang aksidente ang tuluyang naghiwalay sa kanila. Inakala ng lahat na patay na si Aria. Makalipas ang tatlong taon, muling nagkrus ang landas nila. Si Paulo ay isa nang malamig, walang-awa, at kinatatakutang Alkalde. Samantala, si Aria ay nabubuhay na bilang si "Melissa"—isang mahirap na dalagang walang alaala sa nakaraan at may ibang lalaking nagpoprotekta. Hindi man siya makilala ni Melissa, hinding-hindi makakalimutan ng katawan ni Paulo ang nag-iisang babaeng pag-aari niya. Dahil sa matinding selos at obsesyon, gagamitin ng Alkalde ang lahat ng kanyang kapangyarihan at yaman para ibaon sa utang ang pamilya ni Melissa at ikulong ang dalaga sa kanyang mansyon. Wala siyang pakialam kung limot na nito ang nakaraan. Aariin niya ito gabi-gabi, hanggang sa ang mismong katawan ni Melissa ang makaalala kung sino ang nag-iisang lalaking nagmamay-ari sa kanya. Hanggang langit.
105.5K viewsOngoingAdded to Library 127 Times as heroína
Read
+Library
Here's Your Perfect

Here's Your Perfect

Hinahabol ng isang loan shark company si Naila dahil nagkaroon ng malaking utang ang mama niya na naging obligasyon na din niya. Sino pa bang pwedeng tumulong sa kanyang ina kundi siya lang? Wala silang alam na mabilis na solusyon dahil nawawalan na sila ng panahon. Kaya ang naisip niya ay gumamit ng lalaki. Hahanap siya ng mayaman na lalaki, kukunin ang loob nito at saka siya hihingi ng pera o uutang ng pera. Marami siyang kakilala na umaangat ang buhay dahil sa mga lalaking napangasawa o naging kasintahan nila. Naisip niya na pwede ring mangyari iyon sa kanya. But then she met Ashton. He was rich, yes, but his life was just as tangled. His parents had cut him off, forcing him to prove his worth or face an unwanted marriage. She likes Ashton but she won’t be able to get anything from him and she thought that she doesn’t want to just use him. Until Ivan, her boss, confessed to her. He was rich and a business owner. It will be easy for her to ask money from him, but the problem is Ashton is getting in the way. And now, she needs to choose between money and love. What would she choose? Her family’s sake is on the verge.
680 viewsCompletedAdded to Library 27 Times as heroína
Read
+Library
The Forgotten Wife

The Forgotten Wife

Can the Heart remember what the Mind can't? Si Emily, gagawin ang lahat para mabuo ang pamilyang matagal na nyang pangarap. Hindi lang para sa kanya kundi para din sa anak nya. Kahit magmukha syang tanga at desperada sa lalaking ama ng kanyang anak. Kahit alam nyang hindi siya nito maalala at tila parang bulang nawala ang pagmamahal na dati ay umaapaw para sa kanya. Kahit harap harapang pinapakita nito na wala siyang halaga at may iba itong mahal. Basta alam nya na may karapatan sya at ang anak nya. Lalaban sya... pero hanggang kailan? The Forgotten Wife 2016 by Yancii27
411 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as heroína
Read
+Library
Wala Kasing KATULAD

Wala Kasing KATULAD

Si James Alvarez ay galit na galit dahil may nagtangkang manligaw sa kanyang kasintahan. Sa huli, siya ay napadpad sa likod ng mga rehas matapos ang kanyang pagtatangkang protektahan siya. Tatlong taon ang lumipas, siya ay isang malayang tao ngunit nalaman niyang ikinasal ang kanyang kasintahan sa lalaking nanligaw sa kanya noon. Hindi papayag si James na basta na lang mawala ito. Sa kabutihang palad, natutunan niya ang Focus Technique habang siya ay nasa bilangguan. Sa puntong iyon, siya ay nagsimula sa paglalakbay ng pagsasanay at sinamahan ng isang napakagandang si Jasmine. Sino ang mag-aakalang ito ay magpapagalit sa kanyang ex-girlfriend?
1039.2K viewsOngoingAdded to Library 1.2K Times as heroína
Read
+Library
AKIN ANG HULING KONTRATA

AKIN ANG HULING KONTRATA

   Si Sabrina ay isang anak isang napakayamang ankan ng mga Isidro. Ngunit sa kasawiang palad nalulong ang kanyang ama sa sugal,at ibininta nito ang lahat ng  kanilang ari-arian hanngang sa wala ng natira sa kanila ng kanyang ina kundi ang nag-iisang bahay nalang nila. Dahil wala na nga silang pwede pa'g ibenta ay siya ang naisipang ibenta nito sa isang bilyonaryong pinagkakautangan nila. Walang magawa si Sabrina kundi ang pumayag dahil naawa sya sa sitwasyon ng kanyang ina kung hindi sya papayag sa gusto ng kanyang ama ay sasaktan niya ito ng sasaktan. Si Sabrina Isidro ang may pinakamagandang mukha sa kanilang lugar ,at halos lahat ng lalake ay nagkakandarapang mangligaw sa kanya pero napunta lang ito sa isang matangdang mayaman na si Don Arturo Agman, sa edad na dalawang pu't anim na taon ay kailangan nitong ibenta ang sarili para lang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama. Pumerma ito ng kontrata na sa loob ng dalawang taon na hindi mabayaran ng kanyang ama ang lahat ng kanyang utang ay peperma ito ng kahulihulihang kontrata ang maikasal sila ni Don Arturo Agman. Makikilala ni Sabrina ang ampon nitong anak na si Samuel iibig silang pareho ng patago dahil alam ni Samuel ang ugali ng kanyang kinikilalang Ama. Magdurusa si Sabrina sa isang matandang hindi niya mahal at matatali sya dahil sa kanilang pagkakautang subalit makakaranas naman sya ng sarap pag kasama nito si Samuel  hahanap ng paraan si Samuel na makabayad sila ng utang dahil gusto niya na sa kanya mapunta ang huling kontrata yon ang makasal kay Sabrina. Kaya masasabi nito ang katagang akin ang huling kontrata. Sa kabila ng ginawa ni Samuel sa kanya parin ipinamana ang ari-arian ni Don Arturo. At namuhay na sila ng malaya ni Sabrina.
2.3K viewsOngoingAdded to Library 49 Times as heroína
Read
+Library
Miren's Blood

Miren's Blood

Isang simpleng College Student at hindi naniniwala sa bampira, werewolf at iba pang lamang lupa si Miren. Para sa kanya isa lamang itong guni-guni o kathang-isip na lamang ng mga tao. Hindi siya naniniwala sa mga iyon. Nagbago ang lahat ng malaman niyang tinakda siyang maging katipan ng susunod na hari sa mundo ng mga bampira. Papayag ba siya ikasal sa Hari ng mga Bampira o gagawin niya lahat para maputol ang nasa propesiya.
106.8K viewsOngoingAdded to Library 176 Times as heroína
Read
+Library
Romancing My Husband

Romancing My Husband

Unang kita pa lamang ni Elle kay Navid ay nakaramdam na siya ng kakaibang atraksiyon para rito. Who wouldn't get attracted to Navid? Napakagandang lalaki nito. Idagdag pa na napakabuti ng trato nito sa kanya at sa kanyang lola. At dahil sa kabutihang ipinapakita nito sa kanya ay hindi niya napigilan ang sariling mahalin ito. Alam niyang suntok sa buwan ang mahalin din siya nito kaya't itinago na lamang niya ang pagmamahal niya para sa binata. Ngunit dahil sa isang gabing hindi naman dapat nangyari ay napilitan itong pakasalan siya, sa kagustuhan na rin ng mga magulang nito. Ngunit kahit kasal na sila ay tila wala pa ring nagbago sa relasyon nila. Their marriage was merely on paper, nothing more. Nonetheless, ayaw pa ring sumuko ni Elle. She has loved Navid for years, and now that she has the opportunity to make him feel the same way she does, she will not waste it. So she devised the plan of romancing her own husband.
101.7K viewsOngoingAdded to Library 60 Times as heroína
Read
+Library
PREV
1
...
89101112
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status