His Sadist Bedspacer
Kamuntikan ko na siyang mahampas sa ginawa niya kung hindi lang talaga mala-anghel at hindi makabasag-pinggan ang kaibigan kong 'to.
"Kim!"
"E, ano bang nangyayari sa iyo?"
She is just so clueless at mahahalata iyon sa emosyon ng mukha niya. Ang inosente niya ring tingnan. Idagdag pa ang eyeglasses niya at mahabang itim na buhok. Para siyang isang bida sa mga nababasa kong japanese manga noon.
"Inaantok lang ako," humikab pa ako at nag-unat ng braso, "Kim, try mo na magcontact lens. Ang ganda mo kaya lang 'yung pormahan mo pang 90's."
인기 회차