In Ninong Santino's Bed
Hindi naging madali ang buhay ni Cataleya Lorenzo. Lumaki siyang walang ina at ang tanging pamilya niya ay ang ama niyang palaging abala pero kailanma’y hindi siya pinabayaan. Sa Amerika siya nagkaisip, malayo sa mundong tunay niyang pinagmulan.
Pagbalik niya sa Pilipinas, isang linggo pa lang ang lumilipas nang ipakilala sa kanya ng ama ang matalik nitong kaibigan—si Santino Rosales. Matagal na niyang naririnig ang pangalang iyon, pero hindi siya handa sa kung anong klaseng presensya ang sasalubong sa kanya. Walang nabanggit ang ama niya tungkol sa lalaking may tinging kayang tumagos sa laman, tinig na malamig pero nakakakuryente, at lakas ng loob na hindi mo puwedeng bale-walain.
Si Santino Rosales ay isang kilalang propesor, negosyante, at taong hindi basta nalalapitan. Pero habang tumatagal, lalong nahuhulog si Santino sa bitag ng sarili niyang damdamin.
At nang biglang bawian ng buhay ang ama niya sa isang aksidente, naiwan siyang walang mapuntahan kundi ang bahay ni Santino. Sa huling hiling ng ama niya, ito na ang magiging tagapangalaga niya.
Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, sa bawat tahimik na gabing sila lang ang naroroon, mas lalong humihigpit ang tali ng damdaming hindi dapat umusbong. Anong gagawin niya kung ang nag-iisa niyang tagapagtanggol ay siya ring lalaking unti-unting bumibihag sa puso niya?