In Ninong Santino's Bed

In Ninong Santino's Bed

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-06-16
Oleh:  AILEENBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
8Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Hindi naging madali ang buhay ni Cataleya Lorenzo. Lumaki siyang walang ina at ang tanging pamilya niya ay ang ama niyang palaging abala pero kailanma’y hindi siya pinabayaan. Sa Amerika siya nagkaisip, malayo sa mundong tunay niyang pinagmulan. Pagbalik niya sa Pilipinas, isang linggo pa lang ang lumilipas nang ipakilala sa kanya ng ama ang matalik nitong kaibigan—si Santino Rosales. Matagal na niyang naririnig ang pangalang iyon, pero hindi siya handa sa kung anong klaseng presensya ang sasalubong sa kanya. Walang nabanggit ang ama niya tungkol sa lalaking may tinging kayang tumagos sa laman, tinig na malamig pero nakakakuryente, at lakas ng loob na hindi mo puwedeng bale-walain. Si Santino Rosales ay isang kilalang propesor, negosyante, at taong hindi basta nalalapitan. Pero habang tumatagal, lalong nahuhulog si Santino sa bitag ng sarili niyang damdamin. At nang biglang bawian ng buhay ang ama niya sa isang aksidente, naiwan siyang walang mapuntahan kundi ang bahay ni Santino. Sa huling hiling ng ama niya, ito na ang magiging tagapangalaga niya. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, sa bawat tahimik na gabing sila lang ang naroroon, mas lalong humihigpit ang tali ng damdaming hindi dapat umusbong. Anong gagawin niya kung ang nag-iisa niyang tagapagtanggol ay siya ring lalaking unti-unting bumibihag sa puso niya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Napangisi si Cataleya, bago umupo sa unahan ng classroom nila, siguradong tiyak na makikita siya ng kanyang Ninong Santino. Naka-skirt siya, suot na alam niyang ayaw nitong isuot niya. Nang pumasok ang Ninong nito ay naroon ang magandang ngiti nito—pero agad din iyong naglaho nang makita siyang naka-upo sa harap.

Nang tumingin ito sa kanya, bahagyang ibinuka ni Cataleya ang mga hita, kinagat ang ibabang labi, at tiningnan ito nang diretso sa mga mata. Sunod-sunod ang paglunok na ginawa nito. Napangisi ulit siya.

“Bibigay ka rin sa akin, Ninong Santino,” bulong niya sa sarili.

Hindi na siya pinansin pa nito at nagsimula na itong magturo. Nang malaman ni Cataleya na dito nagtuturo ang Ninong niya sa university, agad niyang sinabi sa ama niya na dito niya gustong mag-aral.

Dalawang linggo pa lang mula nang una niyang makilala ang Ninong niya, pero simula noong araw na 'yon, hindi na niya ito tinigilan. At sariwang-sariwa pa sa isipan niya ang araw na iyon.

“Good morning, Daddy! Ang ganda ng araw ngayon!"

“Cat, tanghali na. Anong oras ka na naman ba umuwi kagabi?”

Nagagawa lahat ni Cataleya ng gusto niya dahil sa ama niya. Hindi siya pinagbabawalang lumabas o magpunta sa mga bar ng kanyang ama. Kahit ganoon, iniingatan pa rin niya ang sarili at ang pangalan niya.

“I think, 3 AM, Dad,” sagot niya habang niyakap ang ama mula sa likod at hinalikan ito sa pisngi.

Isang linggo pa lang mula nang makabalik sila mula sa Amerika. Sa matagal nilang paninirahan doon, ang ama niya ang naging sandigan niya sa lahat... hindi lang bilang ama kundi bilang matalik na kaibigan. Wala siyang pagtutol nang magdesisyon itong sa Pilipinas na sila manirahan. Kahit kailan, hindi ito nag-asawa muli. Kahit ilang beses pa siyang nagtulak na makipag-date ito, wala talagang pumasa. Sobrang mahal na mahal nito ang namayapa nitong asawa, ang mama ni Cataleya na pumanaw noong limang taon pa lang siya dahil sa sakit sa puso.

Dahil nasa bahay lang naman siya, naka-cotton shorts lang siya at spaghetti strap na tank top.

“Dad, aalis ka ba? My daddy is always good looking. Maghanap ka na kaya ng girlfriend. Thirty-eight ka pa lang, marami pang babaeng papayag na maging mommy ko.”

Ganito lagi ang biruan nila dahil gusto niyang makitang masaya ang ama niya.

“Cat, wala na akong planong makipag-date. Kailangan kong bantayan ang prinsesa kong sobrang pasaway.”

“Daddy naman, mamba—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang pumasok ang kasambahay nila sa kusina. May kasama itong lalaking nakapagpatulala kay Cataleya. Napako ang tingin niya sa lalaking kasama nito. Nang ngumiti ito sa kanya, para siyang nahipnotismo.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa ama niya at nanatiling nakatayo habang nakatitig sa lalaki. Sa tanang buhay niya, wala pa siyang nakitang mas gwapong nilalang. Para siyang nasa pelikula at nagslow motion ang paligid. Ang kulay hazel nitong mga mata ang unang humuli sa kanya. Mapupungay, matalim, may halong banyagang dugo.

Itim ang buhok nito, matangos ang ilong, matalim ang panga, at ang mga labi ay parang masarap halikan. Tantya niya ay anim na talampakan ang tangkad nito, gaya ng ama niya. Mariin ang titig nito sa kanya, kaya bigla siyang nahiya sa itsura niyang hindi man lang nakapaghanda.

Tumayo ang ama niya at sinalubong ang lalaki.

“Santino, hindi ka ba nahirapang hanapin ang bahay ko? Nice to see you again, bro.”

“Ibig sabihin, siya ang Ninong Santino ko. Siya ang best friend ni Daddy—yung laging bida sa mga kuwento niya,” bulong niya sa sarili. Muli niya itong sinipat mula ulo hanggang paa.

Tinawag siya ng ama niya kaya lumapit siya sa dalawa. Mas lalo pa itong naging gwapo sa malapitan. Parang ang sarap halikan ng mga labi nito.

“Santino, remember si Cataleya—ang nag-iisa kong prinsesa at inaanak mo.”

“Ang laki na niya. Umalis kayo dito, five years old pa lang siya. Kinakarga ko pa noon.”

“Nice to finally meet you, Ninong Santino,” sabi niya habang lumapit at yumakap dito.

Parang ayaw na niyang bitiwan ang pagkakayakap. Ang bango nito. Matigas ang katawan, halatang batak sa gym.

“Remember, bago kami umalis ay sinabi niya sa’yo na hintayin mo siya at papakasalan ka niya,” dagdag ng ama niya na agad nagpainit sa pisngi niya. Nang sulyapan niya ang kanyang  Ninong Santino, nakangiti ito. Napatingin na naman siya sa kanya. That smile took her breath away.

Huminga siya nang malalim para kumalma. Sanay naman siyang napapalibutan ng mga lalaki, pero kakaiba ang presensya ng Ninong Santino niya. Sa bawat kilos nito, sa bawat paggalaw ng labi, may kuryenteng dumadaloy sa katawan niya.

Parang ang sarap makulong sa bisig nitong punong-puno ng muscle. Dahan-dahan niyang dinilaan ang ibabang labi niya habang nakatitig sa lalaki. Nang mahuli siya nito, tiningnan siya nito nang masama. Nginitian lang niya ito pabalik.

“May pagka-conservative pala si Ninong,” sa isip niya.

“Ninong, gusto mo ba ng kape... o ako?” bulong niya, sabay hina ng huling salita.

“No, thank you. I just had one before I came here,” seryosong sagot nito.

“Cat, I want coffee. Make one for me," sabat naman ng kanyang ama.

“Okay, Dad.”

Tumayo si Cataleya at kumuha ng kape. Nang alam niyang nakatingin ang Ninong Santino niya, inartehan pa niya ang lakad niya na parang isa siyang modelo.

Tiniyak niya talagang masasaksihan nito kung paano humapas ang balakang at makurba niyang pwet.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status