Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

Jessica Adams
BOOK 1: TIMELESS ONES Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya? BOOK 2: JOURNEY TO FOREVER Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba. BOOK 3: UNBROKEN VOW Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusi'y posible ring masira?
Romance
9.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sir Ares, Goodnight!

Sir Ares, Goodnight!

Kahit pagkatapos makaranas ng dalawang buhay, hindi pa rin magawang tunawin ni Rose ang yelong puso ni Jay Ares. Durog ang puso, napagdesisyunan niyang mabuhay nang nagpapanggap bilang isang tanga. Dahil dito ay nagawa niyang lokohin si Ares at nakatakas kasama ang dalawa nilang anak. Ito ay lubos na kinagalit ni Ginoong Ares, at ang lahat ng tao sa paligid nila ay sigurado na ito ay ang magsisilbing sanhi ng kamatayan ni Rose. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang dakilang si Ginoong Ares ay makikitang nakaluhod sa isang tuhok sa gitna ng daan, sinusuyo ang makulit na babae, “Pakiusap ay maging mabuti ka at umuwi kasama ko!” “Sasama ako kapag pumayag ka sa mga kundisyon ko!” “Sabihin mo!” “Hindi ka maaaring kawawain ako, magsinungaling sa akin, at lalong-lalo na ang ipakita ang hindi mo natutuwang mukha sa akin. Dapat ay palagi mo akong tinuturing bilang ang pinakamagandang tao sa mundo, at dapat ay nakangiti ka sa tuwing pumapasok ako sa isip mo…” “Sige!” Natuliro ang mga saksi dahil dito! Ito ba ang sinasabi nilang mayroong panangga sa lahat ng bagay? Si Ginoong Ares ay tila nababaliw na, ang taong kaniyang nilikha ay nautakan siya. Dahil hindi niya ito magawang disiplinahin, ibibigay na lamang niya ang lahat ng kaniyang gusto!
Romance
9.5136.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

Eyah
Hindi akalain ni Serena na ang simpleng pagtanggi niya na sapilitang maikasal sa kuya ng kanyang best friend ang magiging daan pala para maungkat ang isang rebelasyon tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ang naging simula ng isang napakalaking pagbabago sa buhay niya. Mula sa pagiging tagapagmana ng mga Choi ay natagpuan niya na lang ang sarili niya na nasa isang napakahirap na kalagayan. Mula sa naglalakihan at mga bonggang runway platform na nilalakaran niya suot ang iba't-ibang designer items ay naroon siya ngayon sa isang maliit na entabladong nasa gitna ng madilim na club— sumasayaw ng malaswang sayaw habang suot ang maliliit na piraso ng tela na kaunti na lang ay maglalantad na sa kaluluwa niya. Mula sa tingin ng paghanga at sigaw ng admirasyon mula sa mga umiidolo sa kanya ay nauwi siya sa pagsalo ng mga malalagkit na tingin at mahahalay na salita mula sa mga lalaking hindi niya kilala na pawang mga hayok sa laman. Ang magandang katawan na dati niyang iniingat-ingatan, ngayon ay naging parausan na lang ng kung sino man ang may kakayahang magluwal ng pinakamalaking halaga para sa isang gabing impiyerno sa loob ng VIP room ng club. Paanong ang simpleng paghahangad ng kabutihan niya para sa sarili ay naging sanhi ng pagbaliktad ng mundo niya at pagkawala sa kanya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Ngunit sa kabila ng hirap at walang katiyakan ay pinili niya pa ring mabuhay. Kahit alang-alang na lang sa isisilang niyang anak sa lalaking nakasama niya sa isang gabing impiyerno na iyon. Sa lalaking hindi niya man lang nakikilala...
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Unang Bayo ng Pilyong Bilyonaryo (SSPG R-18)

Unang Bayo ng Pilyong Bilyonaryo (SSPG R-18)

Isang pusta. Isang gabi. At isang pilyong bilyonaryong walang ibang alam kundi ang mang-akit at mamerwisyo ng buhay ng may buhay. Para kay Jeriel Ford Severin, ang mga babae ay parang mamahaling kotse na masarap sakyan, mabilis paandarin, pero madaling palitan. Backed by his billions and a face that could make angels sin, he is the ultimate playboy master. But his smooth-sailing life hits a massive, gorgeous roadblock named Shanaia Lux, siya ang nag-iisang babaeng hindi tinatamaan sa killer smile niya at lalong hindi nadadala sa flex ng bank account niya. Kaya nang mapagtripan siya sa isang malupit na pusta ng kaniyang mga kaibigan sa isang private Group Chat, Jeriel enthusiastically accepted the challenge. He deployed his full arsenal of kapilyohan, wicked charms, and breathless, bed-shaking seduction just to break her walls. Ang hindi niya inaasahan? Sa larong siya ang master, mukhang siya ang unang mapapasuko at mapapa-ungol sa ngalan ng pag-ibig. But karma hits hard and fast. Nang malaman ni Shanaia na ang lahat ng mapanuksong init at pamatay na halik ay nagsimula lang pala sa isang pustahan ng mga gunggong na mayayaman, she boldly walked away, leaving the billionaire completely wrecked, frustrated, and... incredibly blue-balled. Ngayong nagbalik na siya, Shanaia is no longer the target. She is now the boss. At mukhang handa niyang pahirapan ang bilyonaryong minsan siyang ginawang pusta. Makukuha pa kaya ni Jeriel na idaan sa kapilyuhan at wild na karanasan sa kama ang babaeng galit sa kaniya? O tuluyan na siyang magmamakaawa habang nakaluhod pero hindi para sa isang round, kundi para sa kaniyang puso? He started the game with a wicked smirk, but she’s about to finish it... with him on his knees. Handa ka na ba sa pusta na laro sa simula, pero higit pa sa kama ang dulo?
Romance
1094 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
BEASTLY SERIES 1: THE BEASTLY COUPLE (TAGALOG VERSION)

BEASTLY SERIES 1: THE BEASTLY COUPLE (TAGALOG VERSION)

Magkaroon kayang magandang patutunguhan ang pagsasama nina John at Khrystal sa iisang bubong na nabuo lang dahil sa arranged marriage? "Ang pag-aasawa ay hindi isang biro, na kapag ayaw mo na ay basta-basta mo na lang itong maisusuka."
Romance
106.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Spare Love

Spare Love

“Paano kung ang mahal mo… ay hindi ka kailanman pipiliin?” Si Dianne ay isang doktor na handang gawin ang lahat para makuha ang pagmamahal ni Jerome. Sinundan niya ito sa ibang bansa, isinugal ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado. Ngunit sa bawat halik, bawat yakap, at bawat salitang “I love you”—alam niyang may ibang pangalan ang sinisigaw ng puso nito. At ang pangalang iyon… ay hindi kanya.
Romance
607 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle

Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle

Limang taon. Limang taon na minahal ni Jazz ang isang lalaking hindi naman siya pinahalagahan. Lahat ibinigay niya—oras, tiwala, at puso. Pero isang iglap lang, nawala ang lahat. Isang car accident ang bumura ng kanyang alaala. Pagmulat niya ng mata, wala na ang babaeng marunong magmahal. Ang natira na lang ay isang estranghero sa sariling buhay. Nagkaroon siya ng amnesia. At habang wala siyang maalala, ang dating kasintahan niyang si Damon ay wala ring konsensya. Sa halip na umamin sa kanilang relasyon, niyakap nito ang kanyang nakababatang kapatid na babae at iyon ang ipinakilala nitong kasintahan. Itinuro nito ang telebisyon at walang emosyon na sinabi, “Iyan ang boyfriend mo. Siya ang habulin mo.” Nalito si Jazz. Pero naniwala siya sa sinabi nito. At sinunod niya iyon. Ang lalaking nasa TV ay si Malachi Robles— ang CEO na tito ni Damon. Malamig. Tahimik. Hindi madaling lapitan. Mula sa isang kasinungalingan, nagsimula ang isang habulan. Isang babaeng may amnesia. Isang lalaking hindi niya dapat mahalin. At isang katotohanang handang wasakin ang lahat kapag nabunyag.
Romance
106.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Unexpected Royal

Unexpected Royal

AillexSkcy
Si Diala Madrigal ay isang stylist sa isang sikat na kompanya sa Gemolis City, ngunit natanggal siya ng makilala niya ang isang lalaki na si Nicolai Swisly. Muli siyang naghanap ng trabaho para sa nalalapit na operasyon ng nanay niya, natanggap agad siya ngunit sa hindi inaasahan doon din pala nagtatrabaho ang lalaking kinaiinisan niya matapos siyang matanggal sa trabaho, hindi niya alam na si Nicolai Swisly pala ay isang Duke na bumisita lang sa Gemolis City upang hanapin ang Grand Princess ng Rallnedia. Simple lang ang pamumuhay ni Dia noong hindi niya pa nakikilala si Nicolai Swisly, ngunit tila nag iba ang ihip ng hangin ng lubusan niyang makilala ang totoong pagkatao niya kasama ang lalaking kinaiinisan niya noong una niya pa lamang ito nakikilala. Siya nga ba ang totoong Grand Princess ng Rallnedia? O siya lang ang naibigan ni Duke Aeneas Nicolai Swisly na maging Grand Princess ng Rallnedia.
Mystery/Thriller
1026.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Mafia's Fake Wife (SPG)

The Mafia's Fake Wife (SPG)

SPG | R-18 Sa edad na bente cuatro ay isang licensed agriculturist na si Hera at nagtatrabaho para sa bayan nila. Magisa na lang siya sa buhay, ngunit sinusuportahan siya ng ama niyang gobernador kahit na tagong anak lang siya. Tanging ang puno, lupa at mga hayop lang ang bumubuo sa kaniyang mundo. Not until she becomes a witness to a murder, an event that shatters her peaceful existence. Nasaksihan niya ang isang karumal-dumal na pagpatay ng isang nakamaskarang salarin malapit sa tirahan niya. Plano rin siyang patayin ng killer, ngunit naunahan niya ito. Isang desperadong hampas niya lang ng pala niya sa ulo nito, ay naging duguan ito at nawalan ng malay. Akala niya ay makukulong din siya, kaya tinawagan niya ang ama niya. That's when she find out that the man was actually a dangerous mafia. Isang mafia lang naman ang kinalaban niya! At higit sa lahat, ay hindi raw ito magigising agad dahil na-comatose ito. Upang makaligtas mula sa iba pang masasamang tao na siguradong maghahanap sa lalaki, ay sinunod ni Hera ang utos ng kanyang amang gobernador— “Hide him. Keep him alive. Never ask why.” He becomes her darkest secret—but not forever. After a year, the man awakens with no memory of who he is. Sa takot na mapatay siya nito ay naghasik si Hera ng isang delikadong kasinungalingan— “Ako ang asawa mo.” As the days passed by, the man craves her touch, while she prays he’ll never regain his memories. Kakayanin niya ba ang bawat nagaalab na haplos ng lalaking kinatatakutan niya? Hera thought that her lies would save her forever, pero paano kung bumalik ang memorya ng lalaki?
Mafia
350 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Forgotten Wife

The Billionaire's Forgotten Wife

​"Sino ka sa akala mo para pagsalitaan ako nang ganyan? You’re just my brother’s secretary. Know your place." ​Iyan ang mga salitang binitawan sa akin ni Ezekiel Morgan—ang bilyonaryong suplado, mapagmataas, at walang pakialam sa mundo. Pero sa likod ng bawat matatalim niyang tingin, ang nakikita ko ay ang lalaking pinakasalan ko limang taon na ang nakalilipas sa isang liblib na probinsya. ​Para sa kanya, isa lamang akong hamak na empleyado. Pero para sa akin, siya si Vince Sullivan—ang misteryosong estranghero na naging mundo ko sa loob ng tatlong buwan bago niya ako iniwan nang walang paalam. ​Ngayong nakatira ako sa iisang bubong kasama siya, dalawang bagay lang ang maaari kong kahantungan. ​Ang mapatunayan ko na siya ang nawawala kong asawa. ​O ang madurog muli sa harap ng lalaking mahal ko na hindi ako maalala.
Romance
343 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4041424344
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status