INICIAR SESIÓN“Paano kung ang mahal mo… ay hindi ka kailanman pipiliin?” Si Dianne ay isang doktor na handang gawin ang lahat para makuha ang pagmamahal ni Jerome. Sinundan niya ito sa ibang bansa, isinugal ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado. Ngunit sa bawat halik, bawat yakap, at bawat salitang “I love you”—alam niyang may ibang pangalan ang sinisigaw ng puso nito. At ang pangalang iyon… ay hindi kanya.
Ver másSpare Love
Chapter 1 Author's POV "Jerome! Jerome!” Napalingon si Jerome at agad na napasimangot nang marinig ang boses na pilit niyang iniiwasan bago siya umalis. Hindi na siya dapat lilingon, pero huli na. Kaya imbes na magsalita, tinuloy-tuloy na lang niya ang paglalakad, kunwaring walang narinig. “Sandali lang naman! Babe!” Habol pa rin ni Dianne, halos tumatakbo na. Ang bilis nitong maglakad kaya napangiwi siya. Bigla siyang tumigil, yumuko, at hinubad ang isang sapatos. Inasinta muna niya ang lalaki. Huminga nang malalim. At saka— Whoosh! Tumama iyon sa ulo ni Jerome. “Yes!” Napatalon siya sa tuwa. Sa wakas, nakuha rin niya ang atensyon nito. “What the heck is your problem?! Brat girl!” Sigaw ni Jerome habang hinahaplos ang ulo. Galit na galit itong lumapit sa kaniya. “Bakit mo ’ko binato?!” Ngunit bago pa siya makaiwas, bigla siyang niyakap ni Dianne. At mas lalong nabigla siya nang walang kaabog-abog siyang halikan nito sa labi. “Sabi na nga ba eh! Love mo ’ko!” Masayang sabi ng babae habang mahigpit siyang yakap. “Kasi sabi ni Mommy, kapag mahal ka, babalikan ka! Eh binalikan mo ’ko, ibig sabihin love mo ’ko talaga!” At tila hindi pa nakuntento, pinupog pa siya ng halik sa buong mukha. “Hoy! Tumigil ka nga!” Pilit siyang umiwas pero hirap na hirap dahil nakakapit ito na parang koala. “Ang kulit mo! Sinong may sabi na binalikan kita dahil mahal kita?!” Huminto si Dianne at tumingala sa kaniya, may ngiting parang batang nakaisip ng kalokohan. “Eh bakit ka bumalik?” " Hindi ako bumalik! Napalingon lang ako! Binato mo ’ko ng sapatos mo! Ang sakit kaya!” Galit na sigaw ni Jerome habang hinahaplos ang ulo niya. Imbes na matakot, hinimas pa ni Dianne ang parteng tinamaan. Nakapout pa ang labi niya na parang inosenteng bata — na lalo lang ikinabwisit ng lalaki. “Jerome…” malambing nitong sambit. “I love you.” Napamura si Jerome nang marinig iyon. Doon niya tuluyang naamoy ang alak sa hininga ng dalaga. “Damn it.” Bigla niya itong hinila palabas ng NAIA. “What’s wrong with you, little damn girl?!” Pagkalabas nila, dumiretso siya sa parking lot. Inupo niya ang babae sa gilid ng poste at namewang siya habang pilit kinokontrol ang inis. Buti na lang nandoon pa ang kotse niya at hindi pa kinukuha ng driver. Diretso kasi siya ng airport kanina pagkagaling sa babaeng ka-fling niya kagabi. Mabilis niyang binuksan ang trunk at kumuha ng gallon na may lamang tubig. Walang pasabi. Binuhos niya iyon sa ulo ni Dianne. “Ahhhh! Jerome!” Napasigaw ang babae. “Bakit mo ’ko binasa?!” Basang-basa ito at hindi alam kung uunahin ang buhok o ang damit na punasan. “Bakit ka kasi naglasing tapos pupunta ka dito?!” sigaw niya, gigil na gigil. “Alam mo bang makukulong ka kapag naamoy ka nila? Nasa airport tayo, Dianne! Ano bang iniisip mo?!” Ngumiti lang ang babae. Unti-unti itong tumayo. Medyo pasuray-suray pa. Lumapit siya kay Jerome at hinawakan ang mukha nito — dahilan para mapatigil ang lalaki. “Uyyy…” nakangiting sabi niya. “Nag-aalala siya sa ’kin.” Sabay dutdot sa pisngi nito. Napailing si Jerome habang tumatawa ito na parang baliw sa tuwa. Naiinis siya. Sobra. Pero hindi niya maikakaila — maganda ito. At sa kabila ng kalasingan, sobrang cute pa rin. “Tumigil ka nga.” “Bakit?” “Hindi ka nakakatuwa.” “Sinungaling.” "Wala akong pakialam kung makulong ka! Kaso alam nilang kakilala kita. Imbes na maayos ang flight ko, baka maunsyami pa dahil sa ’yo.” Unti-unting bumaba ang kamay ng babae mula sa pagkakahawak sa braso niya. Ngumuso ito, halatang nasaktan. “Saan ka ba kasi pupunta?” malambing na tanong niya. “Sama mo ’ko, please.” Napatawa si Jerome, pero pilit lang iyon. “Sa Australia.” Lumaki ang mga mata ng babae. “Ilang linggo ka na naman doon?” pa-cute nitong tanong habang basang-basa pa ang buhok. Ginulo niya ang buhok nito. “For good na ’ko doon. Nandoon ang mag-iina ko.” Parang nabuhusan ulit ng malamig na tubig ang dalaga. “H-hindi mo naman mga anak ’yon ah! Anak ’yon ni Kuya Lu—” Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito. “Wag kang maingay.” Bumaba ang tono niya, pero mas nakakatakot. “Ayokong ipaalam ’to sa kuya mo. Kapag nalaman nilang kasama ko si Janine at kung nasaan sila ng mga bata… never na kitang papansinin.” Nangingilid ang mata ng babae pero tumango ito. Huminga nang malalim si Jerome. Buti na lang, madali pa rin niya itong mapasunod. “Pwede ba ’kong sumama sa ’yo?” Bigla nitong kinuha ang bag niya. “May passport naman ako. Ako na bibili ng ticket ko. Sige na, oh.” “No. Hindi pwede.” Ngumuso ulit ito, parang batang inagawan ng kendi.. “Bakit naman? Malaki na ’ko, noh! At saka… pwede na ’ko sa sex.” Napanganga si Jerome. “Ano bang pinagsasasabi mo?” Napailing siya, sabay napahawak sa noo. Sakto namang dumating ang mga bodyguard niya. Kinawayan niya ang mga ito. “Pakihatid siya sa bahay nila. Ito ang address.” Maingat siyang kinuha ng mga lalaki. “Bitawan niyo nga ako!” nagpupumiglas ang babae habang hinahawakan sa magkabilang braso. Sumenyas si Jerome na bitawan muna ito nang mapansin niyang nahahawakan ang bewang ng dalaga. Lumapit siya. Hinawakan ang pisngi nito. At hinalikan sa labi. Alam niya ang kahinaan nito. “Umuwi ka na, okay?” bulong niya. “I’ll call you kapag nandoon na ’ko.” Nanginginig ang labi ng babae. “Promise?” Tumango siya. At sapat na ’yon para mapasunod niya ito. Sumama na ito sa mga bodyguard, pero hindi maalis ang tingin sa kanya habang palayo. “Sir, ayan yata ’yung kotse niya.” Napahawak si Jerome sa ulo nang makita ang sasakyan. Warak ang bumper. “Ipakuha n’yo na lang. Tapos dalhin niyo siya sa hospital, patingnan kung nasaktan siya. Sige na. I’ll go ahead. Male-late na ’ko sa flight ko.” Tumalikod siya. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya habang papasok muli sa airport. Ang kambal. At si Janine. Ang babaeng hindi niya dapat mahalin— pero siya lang ang minahal niya nang ganito. Napangiti siya nang bahagya. Sa wakas, babalik na siya sa totoong buhay niya. Hindi bilang si Jerome na takbuhan ng kung sinu-sino. Kundi bilang ama. At bilang lalaking handang ipaglaban ang babaeng lihim niyang minamahal.Spare Love Dianne POV Nakarating na rin kami sa Reggio Calabria. Mabilis lang naman ang byahe, pero nakakapagod pa rin, lalo na’t agad akong nakaramdam ng homesick. “Buongiorno!” Masayang bati ng dalawa sa sumalubong sa amin—mga lalaki. “Buona giornata a voi.” [Good day to you.] Balik na bati namin sa kanila. Siniko ako ni Van, na para bang sinasabi na tumango na lang ako. Naiilang kasi ako dito, sa isa sa kanila—para kasing tanga kung titig lang ako. “ Molte grazie ai volontari messi a diventare un medico qui nella nostra zona. .” [Maraming salamat sa mga boluntaryo na inilagay para maging doktor sa aming lugar.] Sabi sa amin ng isa sa kanila, na nakatingin pa rin sa akin. Naiilang na naman ako dahil hindi pa rin siya titigil sa pagtitig. Nandito na kami sa opisina ng director ng ospital. Hay, nakakainis dahil sa akin pa talaga tumabi ang lalaking ito. Nakakatakot naman! Gwapo siya talaga. Kung titignan mo, kahawig siya ni Kuya Vince, pero parang engot lang. “Uy girl, ikaw na!
Spare Love Dianne POV "Girl! Nakatunganga ka pa dyan?" tanong ni Van sa akin na nakabusangot. "Maiiwan na tayo ng eroplano na naman," hila niya sa akin, saka tumango-tango ako. "H-hindi na ba talaga tayo makakapaghintay kahit saglit lang?" sabi ko kay Van. Nagkatinginan silang dalawa ni Zandro, na parang naiinis ngunit naawa na rin sa akin. "Bakla, anim na oras na tayong naghihintay dito. Halos tatlong eroplano na ang nilagpasan natin," sabi ni Zandro, medyo umaangal. "B-baka kasi…" hinabaan ko ang leeg ko. Sana matanaw ko siya. "Na-traffic lang yun." "Traffic? Haler, hindi ito Pilipinas, Dianne! Dito, walang ganun," sabi ni Van, halatang naiinis. "Kung gusto mong maging tanga forever, bahala ka. Pero wag ngayon, dahil kanina pa tawag ng tawag ang director ng hospital sa atin. Hindi na dadating si Pinsan," dagdag niya na naka-pamewang. Bigla kong nakita si Jerome na papalapit sa amin. "Ayan na siya!" sigaw ko na sobrang tuwa. "Sabi ko sa inyo, dadating siya eh!" Umiling-il
Spare Love Dianne POV Sabi ni Jerome one week lang siyang mawawala. Pero two weeks nang mahigit, wala pa rin siya. Text ako nang text sa kaniya, wala man lang reply. Kapag tumatawag naman ako, hindi niya man lang din sinasagot. Sobrang busy lang ang peg! Gusto ko pa naman siyang makita bago kami pumunta ng probinsya dito sa Italy. Doon kasi kami naka-assign nila Zandro na mag-volunteer. Ayoko sanang sumama sa kanila para mahintay ko na lang dito si Jerome sa Rome, kaso mapilit ang mga gaga. Nag-duty muna ako dito sa hospital malapit sa unit ni Jerome dahil naboboring na ako! Wala pa naman ang bebe ko sa tabi ko. Umuuwi muna ako sa condo ni Jerome para naman ma-feel kong kunyari asawa niya ako, at siya ay isang OFW na kailangang magtrabaho para sa aming mga anak. Kinabukasan, eto na naman ako sa dating gawi—call on duty. Namimiss ko nang maging pasyente ang mga Pilipino. Kapag talaga naging akin na siya, iuuwi ko siya sa unit ko at itatali ko siya sa kama. Habang naglalakad ak
Spare Love Dianne POV Tatlong araw na akong nakatira kasama si Jerome. Maayos naman kami—katulad pa rin ng dati. Pero ramdam kong pormal pa rin siya sa akin, parang may invisible na pader sa pagitan naming dalawa. "Good morning!" masigla kong bati sa kaniya. Tahimik siyang umupo sa mesa para mag-almusal. "Anong oras ka umalis kagabi?" tanong ko habang inaayos ang pagkain sa mesa. "Kasi pagkatapos nating… magkasama kagabi, nakatulog agad ako. Hindi ko na namalayan kung kailan ka umalis." Tumingin siya sa akin, nakataas ang isang kilay. "N-natanong ko lang naman," dagdag ko agad. "Okay lang kahit hindi mo sagutin." Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng almusal. "Gusto mo bang malaman talaga?" tanong niya. Napakunot ang noo ko ngunit tumango pa rin ako. "Nagkita kami ni Janine kahapon sa Milan. Pinasyal namin ang mga anak namin." Ngumiti ako kahit may kumurot sa dibdib ko. Hindi ako pwedeng magreklamo. Sila ang unang priority niya. Sila ang pamilya niya. Ako… parang pangala












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.