Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Nuestro Amore ( Our Love)

Nuestro Amore ( Our Love)

MsDayDreamer99
" Kapag nasa kakahuyan ka na, tumakbo ka lang. Huwag kang hihinto at higit sa lahat huwag kang lilingon." Ang nagbabadyang luha ni Estella ay tuluyan ng kumawala na sa kanyang mga mata nang bitawan ni Lucas ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya mapupunit ang kanyang puso habang naiisip niyang hindi na niya ito makikita pa kailanman. Ito na ang huli at wala siyang magagawa. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha. Kitang-kita niya ang lungkot at pait sa abuhin nitong mga mata.  " Ngunit paano ka?Natatakot ako sa gagawin nila sayo kapag nalaman nilang tinulungan mo akong makatakas. Ayokong mawala ka sakin, Lucas. Ayakong-" Hindi niya natapos ang sasabihin ng siniil siya ng binata ng matamis na halik. Ninamnam niya ang nitong labi. Tahimik niyang naipanalangin na hindi na matapos ang halik na iyon kahit na alam niyang impossible. " Mahal kita," anito at dinala kanyang mga kamay sa matipunong dibdib nito. Ramdam niya sa kaniyang palad ang ritmo ng pagtibok ng puso ng binata. "Makakalimutan ka man ng aking isip pero patuloy na titibok ang puso ko para sayo." " A-anong ibig mong sabihin?." Natigilan ang dalawa ng may marinig silang mga yabag mula sa di kalayuan. Umaalingawngaw di ang kanilang mga boses.   " Malapit na sila. Tumakbo ka na at iwan mo na ako dito. " " P-pero..." pagsusumamo ni Estella sa binata. " Lilituhin ko sila upang mabigyan ka ng oras na makatakas dito. Diretsuhin mo lang ang kakahuyan at igigiya ka nito sa pangpang kung nasaan naghihintay ang isang bangka. Gamitin mo iyon upang makatawid sa kabilang isla." Niyakap niya ang binata ng mahigpit  bago tuluyang tumakbo papunta sa madilim na kakahuyan. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagpapaninag sa kanyang dinaraanan. Hindi siya tumigil kahit na narinig niya ang napagsigaw ni Lucas sa di kalayuan. 
Mystery/Thriller
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

Isang babaeng nagtrabaho sa isang Casino na nangarap yumaman , ngunit nahulog ang loob nito sa isang lalaking anak ng bilyonaryo pero badboy , nabuntis ito at iniwan sya ng lalaki. Matapos s'yang nanganak nangako s'yang hindi na babalik pa sa Casino na kanyang pinagtatrabahuan dahil kinasusuklaman n'ya ang lalaking nang iwan sa kan’ya. Subalit dumating sa puntong hindi na n'ya alam kung paano bubuhayin ang anak kaya namasukan ito bilang katulong subalit hindi nito alam na doon pala nakatira ang lalaking kanyang kinasusuklaman. Mahigit limang taon din hindi sila nagkita at hindi din alam ng lalaki na may anak sila, madami narin ang nagbago nagkaroon na ito ng nobya at malapit na silang ikasal ng babae. Habang nagtatrabaho s‘ya sa bahay nila Gabriel Bustamante ang lalaking kinamumuhian nito ang ama ng anak niya. Si Samantha naman ay pinipilit na hindi ipahalata ang kanyang nararamdamang galit. Dahil nakatira sila sa isang bahay hindi maiwasan ng lalaki na lumapit sa kanya sa tuwing sila lang ang nasa bahay, dahil sa galit ni Samantha kay Gabriel kahit anong pilit nitong paglapit sa kanya ay hindi nya ito kinakausap, dahil sa araw araw nitong kinukulit si Samantha ay malapit na syang madala ng charisma ni Gabriel, isang araw ay hindi na nito napigilan ang sarili ng lumapit ito at hinalikan s'ya sa labi ng lalaki ay biglang dumating ang kasintahan nito at muntikan na silang mahuli. Araw araw kinakausap nito ang kanyang anak na si Mika sa pag-uusap nila ng anak ay narinig ito ni Gabriel napatanong ito kung may anak na s'ya subalit hindi nya sinabi na anak nila. Araw araw din inaakit ni Gabriel si Samantha dahil hindi pa naman sila naaaktuhan ng nobya nito, hanggang sa isang araw may napansin na ang live in partner nito na kakaiba sa kanila.
Romance
1040.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Hidden Wife

The Billionaire's Hidden Wife

SAMPUNG TAON... Ganoon katagal nitong minahal si Noah hanggang umabot sa puntong naging parte na ito ng buhay niya. Wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang lalaki at kung kailan akala nito ay magiging masaya na sila sa piling ng isa't isa ay kailangan na pala nitong magising sa mahaba at masarap niyang panaginip. "Finally, matatawag ko na ring Nicole Saavedra ang aking sarili nang walang halong pag-aalinlangan. Siguro oras na para anihin ko ang bunga ng pagsisikap ko bilang butihing maybahay ni Noah," aniya saka napangiti sa kinatatayuan. Dalawang taon ang lumipas magmula nang ikasal si Nicole sa bilyonaryong apo ng lalaking kumupkop at nagpalaki sa kaniya. Hindi masukat ang tuwang naramdaman ng puso niya nang mga oras na iyon hanggang sa alukin siya nito ng isang kasunduang maghihiwalay sila pagkatapos ng tatlong taon oras na manatiling walang apoy ang kanilang pagsasama. Sa kabila noon, ginawa ni Nicole ang lahat upang maging mabuti at mapagmahal na asawa habang hindi rin naman ito nagkulang na iparamdam sa kaniya ang prebelihiyo bilang misis nito. Muntik na nga nitong makalimutan ang kasunduan dahil naramdaman niyang tunay na ang ipinapakita nila sa isa't isa. Ngunit sa kaniyang kaarawan, isang annulment paper ang natanggap nitong regalo mula sa asawa. Dahil sa malungkot na balita ay nawalan siya ng lakas ng loob na sabihin ang tungkol sa anghel na nasa kaniyang sinapupunan. Sinubukan nitong alamin ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng asawa hanggang sa tuluyang gumuho ang mundo niya nang malamang balak palang balikan ni Noah ang babaeng muntik na nitong pakasalan five years ago. Magagawa niya kayang iwan si Noah kung wala siyang ibang minahal sa tanang-buhay niya kung hindi ito lamang? Paano kung kailangan niyang maging lihim na asawa nito kapalit ang pananatili at pagiging responsable nitong ama sa kaniyang ipinagbubuntis?
Romance
106.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
111213141516
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status