The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

last updateLast Updated : 2025-09-25
By:  Karmic HeartOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
203views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”

View More

Chapter 1

KABANATA 1

Maingat na inilapag ni Isabelle ang huling putahe na kaniyang niluto para sa napakaespesyal na araw ng kanilang mag-asawa. Isang simpleng handaan lamang ang kaniyang inihanda ngunit punô iyon ng pagmamahal. Niluto niya ang mga paborito ng asawa niyang si Lucas—adobong may pinya, sinigang na baboy, garlic butter shrimp, at isang maliit na mango cake mula sa paborito nitong bakeshop sa Quezon City. Umuusok pa ang pagkain, hudyat na mga bagong luto pa ang mga ito. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita ang nagkikislapang scented candles sa gitna ng mesa.

Sumulyap siya sa wall clock. 7:48 PM.

Kumunot ang noo niya nang mapagtanto kung anong oras na ngunit wala pa ring umuwing Lucas. Dinampot niya ang kaniyang cellphone at agad hinanap ang numero ng asawa. Dapat ay nakauwi na ito. Nag-day off pa siya para sa araw na ito. Inayos niya ang kaniyang schedule, iniwan ang anak nilang si Marcus sa kaniyang mga biyenan, at buong maghapon ay nagluto. Lahat iyon para sa gabing ito. Ika-siyam na anibersaryo na kasi nila bilang mag-asawa.

Nang mahagilap ang numero ni Lucas ay agad niya iyong dinial.

Sumagot si Lucas sa ika-limang ring. “Hello?”

“Hi, hon,” aniya, pilit pinagaan ang kaniyang boses. “Nasaan ka na? Nagluto ako. ‘Yong mga paborito mo.”

Pumailanlang ang katahimikan mula sa kabilang linya bago ito malamig na tumugon. “Nasa trabaho pa ako.”

Napakurap si Isabelle. Ang kaninang malawak niyang ngiti ay unti-unting naglaho. Nanginginig ang kaniyang mga labi, ngunit pilit niya iyong ibinalik at saka tumikhim. “Pero malapit nang mag-alas otso. Akala ko uuwi ka nang maaga ngayon. Anniversary natin—”

“Busy nga ako, Isabelle. Sabi ko naman sa ’yo, huwag mo na akong hintayin,” iritang putol ni Lucas.

Nanuyo ang kaniyang lalamunan. “Pero anniversary natin ngayon.”

Muli ay katahimikan lamang ang sagot ng asawa.

“Mamaya na lang ako kakain pag-uwi. Mauna ka na. Sige na.”

Agad nitong ibinaba ang tawag.

Hindi nakagalaw si Isabelle. Nakatutok pa rin ang kaniyang cellphone sa tainga. Tanging ang mahinang ugong ng ref ang kaniyang naririnig.

Marahan niyang ibinaba ang cellphone. Ramdam niya ang pagkirot ng dibdib—isang bagay na pamilyar na pamilyar sa kaniya.

Bakit pa kasi siya umasang magiging iba ang gabing ito?

Napakatanga niya para asahang may kahulugan sa kaniyang asawa ang siyam na taon nilang pagsasama. Na ang malamig nitong puso ay lalambot kahit ngayong gabi lang.

Nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata ngunit hindi siya umiyak. Sawa na siyang umiyak. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsimulang ligpitin ang nasa hapagkainan. Muling kumurap ang mga kandila bago niya iyon tuluyang pinatay. Inilagay niya sa mga vacuum-sealed container ang mga pagkain. Makalipas ang ilang minuto, ang mesang kanina’y punô ng buhay ay wala na.

Pinunasan niya iyon na para bang sinusubukan niyang burahin ang kaniyang mga expectations kasabay ng mga mumo.

Nang matapos siya ay agad inabot ang cellphone. Oras na para tawagan si Marcus. Siguro’y gagaan ang pakiramdam niya kapag narinig ang boses ng anak. Nasa mga biyenan niya kasi ang bata. Baka abala ito sa paglalaro o panonood ng cartoons.

Dinial niya ang numero ng anak, ngunit walang sumagot.

Kunot-noo siyang tumawag muli, ngunit wala pa rin siyang nakuhang tugon.

Nakakapagtaka. Palaging sinasagot ni Marcus ang mga tawag niya—maliban na lamang kung…


Bonifacio Global City

Sa loob ng isang five-star restaurant, naroon ang tatlong tao na kung titingnan ng iba ay mapagkakamalang isang perpektong pamilya.

Nasa harap ni Lucas si Marcus, tuwang-tuwang binubuksan ang isang bagong game console. Sa tabi ng bata ay isang babaeng naka-pulang dress—maganda at elegante. Si Karina Sison.

“Tita Karina, this is the best!” hiyaw ni Marcus. “This is way better than my old one!”

Napangiti si Karina. “Buti nagustuhan mo, sweetheart. You’ve always wanted this, ’di ba?”

Mabilis na tumango si Marcus. “Since last year pa po! But mom said no. Said mine still works.”

Tumango si Karina at nagkunwaring nagtataka. “And why’s that?”

“Because she has this rule. If something still works, you don’t replace it. Even if it’s super slow already.” Umikot ang mga mata ni Marcus, animo’y naiinis. “She’s so kuripot. Always telling me to take care of my stuff, na parang everything is fragile.”

Muling ngumiti si Karina. Hinawi ang buhok papunta sa likod ng tainga at saka bumuntong-hininga. “Maybe she just wants the best for you.”

Tahimik lang si Lucas sa umpisa ngunit kalaunan ay tumango nang balingan siya ng tingin ni Karina, na tila nanghihingi ng suporta. “Yeah. She just means well.”

Napabuntong-hininga si Marcus. “I just wish mom’s just as cool as you, Tita Karina.”

Kumislap ang mga mata ni Karina sa narinig. Marahan niyang tinapik sa balikat si Marcus. “You’re such a sweet boy.”

Sa sandaling iyon ay naagaw ang atensyon ni Karina dahil sa vibration ng cellphone ni Marcus. Agad niyang nabasa ang caller ID.

Mom.

Hindi napansin ni Marcus ang pag-vibrate dahil abala sa bago niyang laruan.

Napatingin si Karina kay Lucas—abala rin ito sa sariling cellphone. Nang masiguradong walang makakakita, pasimple niyang sinagot ang tawag at saka itinaob ang cellphone. Lumapit pa siya kay Marcus.

“So, tell me,” umpisa niya, malumanay pa rin ang boses ngunit siniguradong sapat ang lakas para marinig ng nasa kabilang linya. “What else does mom make you do?”

Samantala, sa kabilang linya, unti-unting gumuho ang mundo ni Isabelle nang marinig niya ang lahat mula mismo sa bibig ng kaniyang anak.

Narinig niya ang walang katapusang reklamo nito, pati na ang tawanan ng kaniyang mag-ama kasama ang isang babaeng matagal na niyang hindi nakikita. Iyong boses na minsang tumawag kay Lucas ng “baby” noong panahong hindi pa sila.

Si Karina Sison.

Hindi siya maaaring magkamali. Ang nagmamay-ari ng mala-anghel na boses na iyon ay walang iba kundi ang babaeng ipinangakong papakasalan ni Lucas—ang parehong babaeng iniwan ng lalaki para kay Isabelle. Dahil nabuntis siya. Dahil hindi kayang masangkot ng pamilya Santiago sa eskandalo.

Nanlambot ang mga tuhod ni Isabelle. Napahawak siya sa armrest ng sofa at saka unti-unting napaupo. Namamanhid ang buo niyang katawan. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nakatutok pa rin ang cellphone sa tainga.

Nagbalik na si Karina. At kasama nito ang kaniyang asawa at anak.

All this time, sinisisi ni Isabelle ang sarili. Dahil sa panlalamig ni Lucas. Dahil mas pabor si Marcus sa kaniyang ama kaysa sa kaniya. Ngunit ito?

Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng pamilya.

Nabalik siya sa ulirat nang biglang namatay ang tawag.

Naestatwa si Isabelle sa kaniyang kinauupuan. Ramdam ang bilis ng kaniyang paghinga. Kalaunan, tumayo siya at lumapit sa bintana.

Kitang-kita niya kung gaano kapuno ng buhay ang BGC sa gabing iyon. At sa isang dako roon, naroon ang kaniyang mag-ama, nagsasaya, kasama ang babaeng minsang pinalitan niya.

Napapikit siya nang mariin bago naglakad pabalik sa sofa kung saan naiwan ang kaniyang cellphone. Agad niyang hinanap ang pangalan ng isang tao sa kaniyang contacts.

Nang mahagilap ang numero ay agad niya iyong pinindot. Sa ikatlong ring ay sinagot na ng nasa kabilang linya ang tawag.

“Hello, bestie?” bungad nito.

Humugot nang malalim na hininga si Isabelle bago nagsalita.

“Nina, I want an annulment.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status