Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
TO LOVE A BILLIONAIRE

TO LOVE A BILLIONAIRE

Lumaking puno ng pagmamahal si Jayda ng kanyang mga magulang.Mahirap man sila ay naibibigay naman sa kanya ang kanyang mga pangangailangan at naigapang siya sa pag-aaral.Nakapagtapos siya ng kursong edukasyon at sa awa ng Maykapal ay naipasa niya ang board exam ng maluwalhati.Sa paghihintay niyang makapasok ng trabaho sa gobyerno bilang isang pampublikong guro ay napagpasyahan niyang magpartime bilang isang tutor ng isang 6 year-old na batang lalake na nirekomenda sa kanya ng kanyang propesora sa universidad kung saan siya nakapagtapos. Ang inaakala niyang simpleng bata lang ang kanyang tuturuan magbasa ay isa pa lang napakakumplikadong trabaho dahil sa tiyuhin nitong ubod ng strikto,dominante at walang puso kung umasta.Mukhang hindi lang ang bata ang kanyang magiging tutee pati na rin ang tiyuhin nito, paano niya kaya mapapalambot si Jethro Montenegro, na isang kilalang tycoon monster na walang puwang ang pag-ibig sa puso nito kung hindi poot at galit? Mahuhulog kaya sa kanya si Jethro na sa unang pagkikita pa lang nila ay nagpakita na ito ng disgusto sa kanya? Jethro Montenegro Isang kilalang eligible bachelor na business tycoon.Sa edad na 30 ay nanatili itong binata at walang planong mag-asawa dahil na rin sa responsibilidad na naiwan sa kanya ng kanyang yumaong bunsong kapatid, ang anak nitong si Timothy. Siya ang nagsisilbing legal guardian ng bata dahil ulila na rin siya sa magulang.Binuhos niya ang kanyang oras sa pagpapalago ng naiwang negosyo ng mga magulang na minsan hindi niya nabibigyan ng oras ang pamangkin.Naghire siya ng tutor ng bata upang matuto itong magbasa ngunit hindi niya inakala na pati siya matuturuan matibag ang pusong matigas pa sa bato.Mapapaglabanan niya kaya ang namumuong pagtangi niya kay Loren o magpapatangay na lang kaya siya sa kakaibang alindog ni Jayda sa kanya?
Romance
10399 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
313233343536
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status