Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marrying My Twin's Fiancé

Marrying My Twin's Fiancé

Magkasundo sa lahat ng bagay ang kambal na sina Celestine at Seraphina. Magkamukha sila, pero laging si Celestine ang paborito ng lahat—matalino, mabait, at higit sa lahat, minamahal ng fiancé niyang si Lukas. Samantalang si Seraphina, tila pinagpala sa lahat maliban sa isang bagay… ang puso ng lalaking matagal na niyang minahal ngunit hindi kailanman maaaring angkinin. Mula pa noon, mahal na ni Seraphina si Lukas. Pero dahil kay Celestine, pinili niyang itago ito. Dalawang linggo bago ang kasal, isang masakit na katotohanan ang lumabas. Celestine is dying. Matagal na pala niyang itinatago ang sakit, at ngayon, isang huling kahilingan ang iniwan niya—nais niyang si Seraphina ang magpakasal kay Lukas. Para kay Seraphina, ito na ang pinaka-masakit na desisyon sa buhay niya. Pero paano niya matatanggihan ang huling hiling ng kakambal? Pumayag siya. Kinasal sila ni Lukas. Pero sa bawat araw na lumilipas, ipinaramdam nito na kailanman, walang makakapalit kay Celestine sa puso niya. Kahit pa ang sariling kakambal nito.
Romance
10359 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Secretly Married To A Heartless CEO

Secretly Married To A Heartless CEO

Nasanay sa simpleng buhay si Yana at hirap mag-adjust sa marangyang buhay kasama ang bilyonaryo niyang lolo. Wala siyang alam sa negosyo at inaaming mahina ang kan’yang utak. Nagtrabaho siya sa ibang kumpanya subalit hindi naging madali dahil sa ubod ng sungit at mahigpit nilang CEO, si Alexis. Kahit masungit ang binata ay sekreto niya itong hinahangaan, lalo’t pagdating sa kan’ya ay hindi nito magawang magalit, bagay na ipinagtataka niya. Nawindang siya nang malamang si Alexis pala ang lalaking itinakda ng lolo niya na kaniyang pakakasalan. Walang alinlangang tinanggap niya ang sekretong kasal sa binata kahit na susubukin ang kaniyang pasensiya. Ikinahal nga siya rito ngunit mas malamig pa sa yelo ang pakikisama nito sa kan’ya. Umaasa siyang mapaamo niya ito sa pamamagitan ng paghilom sa sugat ng puso nito, ngunit hindi iyon kasing dali ng inaakala niya. Handa ba siyang magtiis sa one-sided love, o ibabaling ang atensiyon sa taong may pamamahal sa kan'ya?
Romance
1015.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
1013.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Romance
1035.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Maid Who Married The Boss

The Maid Who Married The Boss

Isang maid ang inalok ng kasal ng kanyang boss para makuha nito ang mana. Dahil sa hirap ng buhay, pumayag siya kapalit ng ginhawa para sa kanyang pamilya. Ngayon, asawa na siya ng isang bilyonaryo. Pero kaya ba niyang manatili sa kasal na ito nang hindi nahuhulog sa boss niya—lalo na kung alam niyang mahal pa rin nito ang dating kasintahan?
Romance
1034.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Wife, She's Mine

My Wife, She's Mine

"You're wrong my wife, i'm your husband and i will make sure that you'll remember that."- AZRAEL FORNITE Arrange Marriage? Iyan ang dahilan kung bakit ikinasal si Corrine Cortez sa long time first love niya na si Azrael Fortnite. At dahil sa pagmamahal na 'yun ay naging bulag siya sa coldness at dry na pakikitungo nito sa kaniya. She do the wife material para kay Azrael, pero bigla itong nawala at nalaman niyang umuwi ito sa Romania nang walang paalam sa kaniya. She waited for him to come home hanggang mabalitaan niya na may babae itong binibigyan ng panahon at oras. She was devastated, until accident happened. Paano kung malaman ni Azrael na nawawala si Corrine, at nang mahanap niya ito ay hindi na siya nito kilala, and worst ibang lalaki na ang sinasabing mahal nito at hindi na siya. Will Azrael fall on his knees at siya naman ang maghabol kay Corrine?
Romance
199 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Nurse Me, Baby

Nurse Me, Baby

Walang kinatatakutan ang bilyonaryong si Rainne Leon Marquez — hindi ang sakit, hindi ang kasalanan. Pero nang matikman niya si Ari—the billionaire's fuck buddy, doon siya tuluyang nalulong — sa katawan, sa halik, sa init na mas matindi pa sa kahit anong droga. Matagal nang nilulunod ng platinum-selling singer na si Rainne ang sarili sa mga gamot. His body is a trap of wounds, his soul barely holding on. Unti-unti siyang nauubos — pero doon lang siya nakakaramdam ng buo. Hanggang sa isang matinding aksidente ang tuluyang bumasag sa katawan niya... at ginising siya sa mas mapanganib pang tukso: Ari Valencia, the cold, devastatingly beautiful private nurse assigned to save her... or ruin her softly, like a secret sin. Dahil sa pagitan ng isang pasyente at nurse — bawat halik ay kasalanan. Bawat gabi ay bawal na kalayaan. At kung hindi sila titigil, init ng laman ang maaaring magpabagsak sa pangalan nilang dalawa.
Romance
10658 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Assassin's Love

The Assassin's Love

"Why do you make me falling inlove with you when your going to leave me?" "Why you need to hurt me when I just healed from My heartbreak?" "Why you hurt me this way? And why I felt too much hurts this time around?” Iyak lang ang naging sagot ko sa lahat ng mga "what if" ni Zain sa akin. "I will kill you!" Sabay hawak nito sa aking leeg. "Kill me then! I won't allow everyone to kill me unless it is you! Because seeing you hurt and leaving you is like killing My heart into pieces, Zain! Walang tigil ang mga luhang panay ang tulo sa kaniyang singkit at kulay brown na mga mata. Fiona is the one and only Daughter of the famous Assassin Doc. Santiara and Mafia Lord Dominick Ramirez. Ano kaya ang kayang gawin ni Fiona para sa pagmamahal niya kay Zain? Kaya ba talaga niyang iwan o handa niyang ipaglaban hanggang kamatayan?
Mystery/Thriller
101.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
In Love With His Brother's Woman

In Love With His Brother's Woman

Ang pagmamahal nila ay walang pinipili. Kayang hamakin ang lahat masunod lamang. Sa mapaglaro na mundo ng pag-ibig, sino ang sa huli ay mananaig? Ang pagmamahal ba mula sa nakaraan o ang pagmamahal sa kasalukuyan? Ang pagmamahal na kayang manindigan, o ang pagmamahal na ipinaglalaban? They were brothers. Brothers who fell in love with the same woman. They both love her at the same time but under different circumstances. And she loved them both at different times in her life. Raven De Ocampo, is entangled between a love from two brothers. A love from her past and a love from her present. Mahal niya ang isa noon, at mahal niya ang isa ngayon. Pero ang magkapatid ay pareho na nagmamahal pa rin sa kan'ya mula noon hanggang sa ngayon. Sino ang sa puso niya ay magwawagi pagsapit sa huli? Mga pusong naghahati-hati sa pag-ibig na hindi kaya na mamili. Mga pusong pinagtagpo-tagpo; Kaninong pag-ibig ang mananaig?
Romance
1011.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
720 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3435363738
...
50

Basahin ang Kasal Sa Multimilyonaryong Kubli: Walang Hanggang Ligaya Nobela & Kwento Online

Narito ang 500 novels na nauugnay sa kasal sa multimilyonaryong kubli: walang hanggang ligaya para mabasa mo online. Sa pangkalahatan, kasal sa multimilyonaryong kubli: walang hanggang ligaya o katulad na mga nobela ay mahanap sa iba't ibang genre ng libro, tulad ng Romance at Mystery/Thriller. Simulan ang iyong pagbabasa sa Marrying My Twin's Fiancé  sa GoodNovel!
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status