Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)

Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)

AKIN KA HANGGANG LANGIT SERIES Isang serye ng mapusok at matinding pag-ibig tungkol sa tatlong makapangyarihang Alkalde at ang mga babaeng uuwian nila hanggang langit. BOOK 1: Akin Ka Hanggang Langit (Paulo at Aria) Inakala ng walang-awang Alkalde na si Paulo Santillanes na patay na ang nag-iisang babaeng minahal niya. Ngunit tatlong taon ang lumipas, natagpuan niya itong buhay. Nabubuhay sa hirap bilang si Melissa, walang alaala, at may lalaking nagpoprotekta. Sa tindi ng selos at obsesyon, gagamitin ni Paulo ang yaman upang ibaon sa utang ang pamilya nito at ikulong ang dalaga sa kanyang mansyon. Limot man nito ang nakaraan, aariin niya ito gabi-gabi hanggang sa mismong katawan ni Aria ang makaalala kung sino ang nagmamay-ari sa kanya. BOOK 2: Akin Ka Hanggang Langit (Chance at Nayah) Si Mayor Chance De La Serna ang kinatatakutang Halimaw ng San Ignacio. Siya ay malamig, walang-puso, at namumuno gamit ang kamay na bakal. Ngunit ang kanyang madilim na mundo ay mayayanig nang tangkain niyang iligtas si Nayah, ang inosenteng anak ng sindikatong sumira sa kanyang pamilya. Ang kinatatakutang warlord ay unti-unting magiging isang uhaw na hari, isang lalaking handang kalabanin ang lahat, isuko ang kanyang kapangyarihan, at saluhin ang mismong bala huwag lamang mawalay sa nag-iisang reyna niya. BOOK 3: Akin Ka Hanggang Langit (Chozen at Olga) Si Mayor Chozen Cordovez ay kilala bilang seryoso, istrikto, at walang-ngiting Mayor Yelo ng San Isidro. Ngunit ang hindi alam ng lahat, sa likod ng nakasaradong pinto ng kanyang opisina, isa siyang patagong die-hard fanboy na baliw na baliw sa A-list actress na si Olga Manahan. Nang magkrus ang landas nila at sadyang tuksuhin ng palaban na aktres ang pormal na Alkalde, tuluyang mabasag ang maskara ni Chozen. Walang makapipigil sa pag-usbong ng isang nagugutom na lalaking handang angkinin ang idolo niya. Written by Eckolohiya23
107.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 232 kali sebagai kill la kill characters
Baca
+Pustaka
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
106.0K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 155 kali sebagai kill la kill characters
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
141516171819
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status