Share

Chapter 2

Penulis: Eckolohiya23
last update Tanggal publikasi: 2026-03-31 12:05:34

Malayo sa mga mapanuring mata ng matataas na opisyal at mga bodyguards ng lalawigan ng El Monte, ang bayan ng San Martin ay nag-uumapaw sa ingay, makukulay na ilaw, at masayang musika.

Nakatayo si Aria sa harap ng isang malaking carousel, nakangiti habang pinagmamasdan ang mga batang nagtatakbuhan. Nakasuot lamang siya ng isang simpleng puting sundress na umaalon sa bawat ihip ng hangin, habang ang kanyang mahaba at makapal na buhok ay malayang nakalugay.

Ngunit kahit gaano pa kasimple ang kanyang ayos, hindi maalis ang mga palihim na tingin ng mga kalalakihan sa kanya. Isang bagay na hindi nakatakas sa matatalim at singkit na mga mata ni Paulo.

Nakatayo ang binata sa kanyang likuran, nakasuot ng simpleng itim na v-neck shirt na lalong nagpapalitaw sa kanyang matipunong dibdib at malalapad na balikat. Kahit nakapambahay lang, sumisigaw pa rin ang awtoridad at yaman sa tindig ng anak ng Gobernador. Marahas na tinitigan ni Paulo ang isang lalakeng napasulyap sa binti ni Aria, dahilan para mabilis na umiwas ito ng tingin at lumayo sa takot.

"Paulo, tingnan mo oh! Ang ganda ng mga ilaw," masayang turo ni Aria.

Hindi tumingin si Paulo sa carousel. Ang paningin niya ay nakapako lang sa mukha ng dalaga. Hinuli niya ang baywang ni Aria at hinapit ito palapit sa kanyang matigas na katawan.

"Mas maganda ka," paos na sagot ni Paulo. Yumuko siya nang bahagya upang maamoy ang leeg ni Aria. "Gusto na kitang iuwi."

Namula ang mga pisngi ni Aria at pabirong hinampas ang dibdib ng binata. "Nandito tayo para mag-enjoy, hindi para magkulong ulit sa kwarto. Tsaka may bibilhin pa tayo."

Hinawakan ni Paulo ang kamay ng dalaga at iginiya siya palayo sa karamihan, patungo sa isang maliit na pwesto ng isang matandang nagtitinda ng mga antigong alahas. Sa ilalim ng malamlam na ilaw, may dalawang pilak na kwintas na kumuha ng atensyon ng binata. Ang isa ay may pendant na kalahating buwan, at ang isa naman ay isang nag-aapoy na araw.

Hindi na nagtanong ng presyo si Paulo. Naglabas siya ng ilang libong piso at ibinigay ito sa matanda, bago kinuha ang dalawang kwintas.

Pumunta sila sa isang madilim na bahagi ng peryahan, malapit sa isang malaking puno ng acacia. Humarap si Paulo kay Aria, ang kanyang mga mata ay seryoso at malalim.

"Tumalikod ka," utos ni Paulo.

Nakangiting sumunod si Aria. Naramdaman niya ang maiinit na daliri ni Paulo na naghawi ng kanyang buhok, sinusundan ng paglapat ng malamig na pilak sa kanyang dibdib. Isinuot ni Paulo sa kanya ang kwintas na buwan. Bago pa man makaharap si Aria, naramdaman niya ang mainit at basang labi ni Paulo na dumampi sa kanyang batok, nagpadala ng pamilyar na kuryente sa kanyang gulugod.

Pagharap ni Aria, nakita niya ang kwintas na araw na nakasabit naman sa matipunong dibdib ni Paulo.

"Araw at Buwan," mababang bulong ni Paulo, hinahawakan ang pisngi ng dalaga. "Kahit anong mangyari, Aria, hindi pwedeng paghiwalayin 'yan. Akin 'yung araw, sa'yo 'yung buwan. Isang paalala na kahit anong mangyari, sa akin ka lang. Wala akong pakialam sa pulitika ng mga pamilya natin. Ikaw lang ang papakasalan ko."

Matamis na ngumiti si Aria at mahigpit na niyakap ang binata. "Pangako, Paulo. Hindi ko 'to tatanggalin."

Magkahawak-kamay at buo ang puso na naglakad ang dalawa pabalik sa malaking mansyon ng pamilya ni Aria. Ngunit hindi nila inaasahan na ang pagbukas ng malaking pinto ng mansyon ay ang magiging pagsara ng perpektong mundo na nakagisnan nila.

Papasok pa lang sila sa grand foyer, naramdaman na agad ni Aria ang bigat at lamig ng hangin. Nakatayo sa gitna ng sala ang kanyang kinagisnang ama. Sa tabi nito ay si Tito Hernan—ang nakababatang kapatid ng kanyang ama na kilala sa pagiging malupit at gahaman sa pangalan ng pamilya.

Ngunit ang nakakuha ng atensyon ni Aria ay ang isang estrangherong dalaga na nakaupo sa mamahaling sofa.

Kasing-edad lang ito ni Aria. Mayroon itong tuwid na itim na buhok, maputlang balat na hindi pa nasasanay sa mga pampaganda, at mga matang matatalim na parang patalim. Suot nito ang isang kupas at murang damit, ngunit ang tindig nito ay puno ng paghamon at matinding ambisyon.

"Papa? Tito Hernan? Anong nangyayari rito?" nagtatakang tanong ni Aria, humihigpit ang hawak sa kamay ni Paulo.

Tumingin ang kanyang ama sa kanya, ang mga mata nito ay puno ng luha, pagkabigo, at awa. "Aria... anak..."

"Huwag mo siyang tawaging anak, Kuya," malamig na putol ni Tito Hernan. Naglakad ito palapit kina Aria, isang mapanuyang ngisi ang nakapaskil sa labi. May inihagis itong isang puting folder sa ibabaw ng glass table. "Tapos na ang pagpapanggap. Dumating na ang resulta ng DNA test na ipinagawa ko matapos akong makatanggap ng tip mula sa lumang ospital sa San Martin."

Kumunot ang noo ni Paulo at mabilis na humarang sa harap ni Aria, pinoprotektahan ang dalaga sa talim ng tingin ni Tito Hernan. "Ano bang sinasabi mo? Umayos ka ng pananalita mo sa fiancée ko."

Tumawa nang mapakla si Tito Hernan. "Fiancée? Paulo, baka gusto mong bawiin 'yan kapag nalaman mo ang totoo. Ang babaeng nasa likod mo, na binihisan natin ng ginto at dyamante sa loob ng dalawampung taon... ay isa lamang pekeng tagapagmana. Isang anak ng mga hampaslupa na nagkapalit sa ospital."

Parang binuhusan ng kumukulong tubig si Aria. Nanlaki ang kanyang mga mata, nanginginig ang mga labi. "P-Po? Tito, anong biro 'to? Papa, sabihin mong hindi totoo 'to!"

"Ito ang totoo," itinuro ni Tito Hernan ang estrangherang babae sa sofa. "Aria, makilala mo si Mariz. Ang tunay na anak ng kapatid ko. Ang tunay na tagapagmana ng pamilya natin."

Dahan-dahang tumayo si Mariz. Ang kanyang mga mata ay puno ng hinanakit dahil sa dalawampung taong paghihirap na dinanas niya habang ang babaeng nasa harap niya ay nagpapakasarap sa yaman na dapat ay sa kanya. Tiningnan niya si Aria mula ulo hanggang paa nang may matinding pandidiri.

"Kaya pala kahit anong tago niyo sa kanya sa magagarang damit, amoy mahirap pa rin," malamig na komento ni Mariz.

Akmang susugurin ni Paulo si Mariz dahil sa galit, ngunit pinigilan siya ni Aria, umiiyak nang tahimik.

Nang magtama ang paningin ni Mariz at Paulo, biglang nagbago ang ekspresyon ng totoong tagapagmana. Nawala ang galit sa mga mata ni Mariz at napalitan iyon ng isang matindi at nag-aapoy na pagnanasa. Pinasadahan niya ng tingin ang makisig na mukha ni Paulo, pababa sa matipuno nitong dibdib na nakabakat sa itim na damit. Alam niya kung sino ang lalaking ito—ang susunod na Gobernador ng El Monte.

Kung kukunin niya ang lahat ng ninakaw ni Aria, sisiguraduhin niyang kasama ang lalaking ito sa mga aangkinin niya.

"Simula bukas, babawiin ng pamilya ang lahat ng ibinigay namin sa'yo, Aria," walang-awang anunsyo ni Tito Hernan. "Mga kotse, alahas, bank accounts, at ang apelyido natin. Palalayasin ka na sa mansyong ito para hindi ka maging mantsa sa pangalan natin."

"At paano ang kasunduan namin sa anak ng Gobernador?" dagdag pa ni Tito Hernan, nakatingin kay Paulo. "Ipapasa natin ang arranged marriage sa tunay na anak. Kay Mariz."

"Subukan niyo," madilim na banta ni Paulo. Ang kanyang boses ay nanggagaling sa kailaliman ng kanyang dibdib, parang isang leong handang pumatay. Hinapit niya si Aria sa kanyang tabi, idinidikit ang nanginginig na dalaga sa kanyang katawan. "Kahit tanggalan niyo siya ng yaman o pangalan, wala akong pakialam. Si Aria ang papakasalan ko. At kung may susubok na saktan siya o palayasin siya nang walang laban... ako mismo ang wawasak sa pamilya ninyo."

Sa kabila ng matapang na pagtatanggol ni Paulo, alam ni Aria sa sarili niyang nagsisimula pa lamang ang isang bangungot na tuluyang dudurog sa buhay na nakagisnan niya. Sa isang iglap, nawala ang kanyang korona, at nahulog siya mula sa langit patungo sa impyerno.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 205

    Sa loob lamang ng isang oras matapos ang nakapangingilabot at lantarang pag-angkin ni Mayor Chozen Cordovez kay Olga Manahan sa mismong harap ng national television, tila huminto sa pag-ikot ang buong Pilipinas.Ang video clip ng marahas, nagugutom, at mapang-angking halik ng Alkalde—na sinundan ng matapang nitong deklarasyon ng kasal—ay kumalat na parang wildfire. Bumagsak ang servers ng dalawang malalaking social media platforms dahil sa bilyun-bilyong searches, shares, at comments. Ang mga hashtags na #MayorYeloMelts, #TheAlphaMayor, at #ChozenOlgaWedding ay agad na umokupa sa unang tatlong pwesto ng worldwide trends.Kung inaasahan ng management ni Olga na masisira ang karera ng aktres dahil sa pag-aming ito, nagkamali sila nang isang daang porsyento.Ang publiko, na palaging uhaw sa mga kwento ng tunay na pag-ibig at mga alpha male na handang hamakin ang lahat para sa kanilang reyna, ay tuluyang nabaliw. Sa halip na pandirihan, kinilig at sinamba ng buong bansa ang katapangan ni

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 204

    "Ngayon, makinig kayong lahat."Ang malalim, garalgal, at nakapangingilabot na boses ni Mayor Chozen Cordovez ay umalingawngaw sa buong Grand Ballroom. Kahit walang hawak na mikropono, ang bagsik at awtoridad sa kanyang tinig ay sapat na upang padagundungin ang bawat sulok ng silid.Tahimik ang lahat. Ang mga reporters na kanina ay nagtutulakan at nag-aagawan sa mga katanungan ay ngayon ay tila mga estatwa, hindi makagalaw sa tindi ng takot at pagkamangha. Ang nakabibinging pag-click ng mga camera ay bumagal, naghihintay sa susunod na mangyayari.Nakahilig pa rin ang mukha ni Olga sa matigas na dibdib ni Chozen. Hinihingal siya, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa itim na leather jacket ng Alkalde. Nanginginig ang buong katawan niya, hindi dahil sa takot sa media, kundi dahil sa matinding emosyon at kaligtasan na naramdaman niya sa mga bisig ng nag-iisang lalaking sumasamba sa kanya.Inabot ng pinuno ng security team ni Chozen ang isang wireless microphone sa Alkalde. Wa

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 203

    Ang distansya sa pagitan ni Mayor Chozen Cordovez at Olga Manahan ay tuluyan nang naglaho. Sa mismong ibabaw ng entablado, sa harap ng nagliliwanag na mga flashing cameras at sa mismong paningin ng bilyun-bilyong Pilipinong nakatutok sa kani-kanilang mga telebisyon at smartphones, walang-pakialam na sinira ng Alkalde ang lahat ng pader na pilit itinayo ng aktres.Nanginginig ang buong katawan ni Olga. Ang mainit at pamilyar na hininga ng lalaking minsan niyang sinubukang itaboy ay ngayon ay humahampas na sa kanyang mukha. Amoy niya ang pawis, ang mint, at ang purong panlalaking musk na nagmumula rito—isang amoy na agad nagpabilis sa tibok ng kanyang puso at nagpayanig sa kanyang puson."Chozen... please," garalgal at basag na pakiusap ni Olga, ang mga luha ay walang-tigil sa pag-agos mula sa kanyang mga mata. "Pinapanood tayo ng buong Pilipinas. Masisira ang pangalan mo. Masisira ang posisyon mo sa San Isidro. Baka makulong ka...""Hayaan mo silang manood," mababa, paos, at nangangali

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 202

    Ang matinding kalabog ng dambuhalang double doors sa likuran ng Grand Ballroom ay tila isang malakas na pagsabog na nagpatigil sa pag-ikot ng mundo sa loob ng silid.Ang daan-daang reporters, cameramen, at bloggers na kanina lamang ay nagtutulakan at nagsisigawan tulad ng mga gutom na hayop, ay sabay-sabay na nanigas sa kanilang mga pwesto. Ang walang-tigil na pag-click ng mga camera at ang nakabubulag na kislap ng mga flash ay biglang namatay. Sa isang iglap, ang maingay at magulong press conference ay nilamon ng isang nakapangingilabot at siksik na katahimikan.Lahat ng ulo ay lumingon patungo sa pintuan.Ang unang pumasok ay anim na dambuhalang lalaki na nakasuot ng itim na tactical gear. Hindi sila ang mga pormal na bodyguards na madalas nakikita sa mga pulitiko; sila ay tila mga miyembro ng isang pribadong militar, may mga earpieces, may matatalim na paningin, at ang kanilang mga kamay ay nakapatong malapit sa mga nakabukol na armas sa ilalim ng kanilang mga jacket. Mabilis at or

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 201

    Alas-tres ng hapon. Ang Grand Ballroom ng isang kilalang five-star hotel sa Makati ay siksikan, maingay, at nagliliwanag dahil sa walang-tigil na pagkislap ng mga camera. Halos lahat ng malalaking media networks, entertainment bloggers, at maging ang ilang news reporters na nakatutok sa pulitika ay naroroon. Ito ang pinakahihintay nilang pagkakataon. Matapos ang tatlong linggo ng mga nagbabanggaang press releases, bulung-bulungan, at espekulasyon, sa wakas ay haharap na nang personal si Olga Manahan upang linawin ang pinakamalaking eskandalo ng taon.Sa loob ng holding room sa likod ng entablado, nakatayo si Olga sa harap ng isang malaking salamin. Suot niya ang isang simpleng, pormal, at saradong itim na dress. Wala siyang suot na anumang dyamante o mamahaling alahas. Ang kanyang buhok ay nakatali sa isang mahigpit na bun, at ang kanyang makeup ay napakanatural, halos maputla. Mukha siyang nagluluksa—at sa totoo lang, iyon naman talaga ang nararamdaman ng kanyang kaluluwa."Okay, Olg

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 200

    Alas-dalawa ng madaling araw.Ang dambuhalang mansyon ng pamilya Cordovez sa tuktok ng burol ng San Isidro ay nababalot ng nakabibinging katahimikan. Sa labas, ang hangin ay malamig at walang-awa, ngunit sa loob ng malawak na master's bedroom, isang lalaki ang kasalukuyang sinusunog nang buhay ng sarili niyang mga alaala.Nakahiga si Mayor Chozen Cordovez sa gitna ng kanyang king-sized bed. Nakatitig siya sa madilim na kisame. Wala siyang suot na pang-itaas, tanging isang itim na sweatpants lamang ang nakabalot sa ibabang bahagi ng kanyang matipunong katawan. Ang kanyang balat ay malamig, ngunit ang kanyang dibdib ay mabilis at marahas na umaangat-baba na tila kakatapos lamang niyang tumakbo ng isang buong maraton.Tatlong linggo.Tatlong linggo siyang nagpanggap na bato. Tatlong linggo siyang nagtago sa likod ng maskara ng walang-awang "Mayor Yelo". Sa araw, pinapatumba niya ang mga kalaban sa pulitika, ipinapasara ang mga negosyo ng mga traydor, at pinapatakbo ang probinsya gamit an

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 4

    Nanginginig ang buong katawan ni Aria, hindi lamang dahil sa lamig ng aircon sa loob ng marangyang SUV, kundi dahil sa nakapapasong talim ng tingin ni Gobernador Santillanes. Basang-basa ang kanyang manipis na damit, nakadikit sa balat niya ang lamig ng ulan, habang ang lalaking kaharap niya ay kal

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 19

    Nanggagalaiti sa galit si Mariz habang nakatitig sa kanyang repleksyon sa malaking salamin ng kanyang marangyang kwarto sa El Monte.Kitang-kita pa rin ang mapupulang marka ng matitigas na daliri ni Paulo sa kanyang makinis na leeg. Sa tuwing lulunok siya, nakakaramdam siya ng sakit. Ngunit mas mas

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 3

    Hindi nakatulog si Aria nang gabing iyon. Nakaupo lamang siya sa gilid ng kanyang malambot at malaking king-sized bed, yakap-yakap ang sariling mga tuhod habang nakatingin sa kawalan. Ang bawat patak ng kanyang luha ay tila naging bato na nagpabigat sa kanyang dibdib.Isang pagkakamali sa ospital.

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)   Chapter 1

    Ang buong bayan ng San Martin ay naniniwalang perpekto ang buhay ni Aria.Bilang kaisa-isang anak at tagapagmana ng isa sa pinakamayaman at pinaka-impluwensyal na angkan sa probinsya, nasa kanya na ang lahat. Nakatira siya sa isang napakalaking mansyon, nakasuot ng mga mamahaling dyamante, at kaila

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status