Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
You caught me, Mister

You caught me, Mister

janeebee
" YOLO " is her life motto. Sa edad na bente tres anyos, walang ginawa si Devon Valencia kundi ang magpakasaya sa buhay at waldasin ang perang ibinibigay sa kaniya ng ama. Wala siyang pangarap sa buhay—o kung mayroon man, hindi niya iyon alam at wala rin siyang balak alamin dahil alam niyang siya rin naman ang hahawak sa negosyo ng pamilya nila pagdating ng araw. Young, wild and free. Literal ang pagiging malaya ng isang Devon Valencia para gawin ang lahat ng gusto niya. Sa isang pitik lang ng daliri niya, nasa kamay na niya ang hinahangad niyang makuha, maliban na lamang ang atensyon ng isang binatang kabaliktaran ng ugaling mayroon siya. Isang maginoo,responsable at matipunong lalaki, Pablo Santino Regalado. Isang magsasaka na ang tanging hangad ay maiahon sa hirap ang kaniyang magulang. Sa edad na bente sais, naka-plano na ang gusto niyang mangyari sa buhay dahil maaga siyang namulat kung gaano kalupit ang realidad. Nakahanda siyang gawin ang lahat maibigay lang ang buhay na ipinangako niya sa pamilya. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng pagtatalo ang isip niya nang alukin siya ng isang trabaho na may magandang suweldo at wala siyang ibang gagawin kundi ang bumuntot sa magiging amo niya. Kung tutuusin, walang nakikitang problema ang binata sa pagiging isang bodyguard dahil batak naman ang kaniyang katawan at nakasisiguro siyang kaya niyang gampanan nang maayos ang trabahong ibinibigay sa kaniya. Subalit 'yong ideya na isang matapobre ang dalagang babantayan niya, tila mas gugustuhin pa niyang makasama ang mga kalabaw na ilalim ng araw. Kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo ng palaman. Kapag nahulog ka sa taong hindi nagpapakita ng interes sa'yo, siguraduhing may bitbit kang hagdan.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
MAGNUS CONDE DELAVID (Billionaire's Obsession Series 1)

MAGNUS CONDE DELAVID (Billionaire's Obsession Series 1)

Padayon
A man that every girls dream. Mayaman, makapangyarihan, tanyag at bonus pa ang kakisigan at napakagwapo nitong personalidad. Tila isang sumpa na lahat ng tumitikim kay MAGNUS CONDE DELAVID ay literal na nababaliw. Sanay siyang hinahabol-habol ng mga babaeng napaibig niya not until he met SERENITY FUENTABELLA. Ang babaeng may antidote sa gayumang taglay niya. Sa pagdating ni Serenity sa kanyang buhay ay magbabago ang takbo ng mundo niya. Ang dating hinahabol ay siya namang maghahabol. At ang dating nakikipaglaro ay siya namang magseseryoso. Pipilitin niya si Serenity na mapasakanya anoman ang kapalit nito. Kahit alam niyang ayaw sa kanya ng dalaga ay ikukulong niya ito sa kasunduan upang huwag mawala sa kanya. Handa na sana niyang panindigan ang pag-ibig sa dalaga ngunit malalaman niya ang malaking parte nito sa kanyang nakaraan. Ito nga kaya ang magiging dahilan upang mawala sa kanya ang babaeng unang nakapagpatibok ng totoo sa puso niya? Ito din ba ang dahilan para tuluyang makawala ang dalaga sa kanya?
Romance
792 viewsOngoing
Read
Add to library
Walking Disaster

Walking Disaster

Sept
Literal na delubyo o sakuna ang tingin ni Darlene Lopez kay Ashford Walker. Simula nang aksidente o sinadya man ni tadhana na makilala ni Darlene si Ashford ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Hindi na nga naging maganda ang naging pagkikita nila ay dumagdag pa ang isang pagkakamali na maghahatid sa kaniya para kagatin ang trabahong magpanggap bilang isang lalaki na lingid sa kaalaman ni Ashford—kapalit ang salaping sasagot sa lahat ng dinadamdam niya. Hindi lang isang lalaki, kung ‘di isang hamak na body guard slash alalay pa ni Ashford Walker na punung-puno ng kayabangan at kahanginan sa katawan. Magiging amo niya ang lalaking uutas ng kaniyang buhay. Ang lalaking titigan palang siya ay nanlalambot na siya. Ang lalaking kayang patigilin ang ikot ng kaniyang mundo at patidin ang kaniyang paghinga gamit lamang ang pamatay nitong mga galaw. Si Ashford na dinaig pa ang isang bagyo sa lakas ng dinadalang hangin sa katawan. Si Ashford, ang lalaking pinantayan ang isang lindol, na walang ginawa kung ‘di yanigin ang kaniyang buhay. Makakayanan kaya ni Darlene na bantayan ang lalaki sa kabila nang kaliwa’t kanan na gulong pinapasok nito? O ang dapat ba niyang bantayan at ingatan ay ang kaniyang puso na nagsisimula nang tumibok para dito?
Romance
762 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status