Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Billionaire, Here Comes Your Wife!

Billionaire, Here Comes Your Wife!

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Monster CEO's Twins

The Monster CEO's Twins

Ava Blythe Jones, isang maganda, masipag, at independiyenteng babae na may kakila-kilabot na nakaraan. Bago masaksihan ang ginawang karumaldumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang, ay tumatak sa kaniyang isipan ang kahuli-hulihang habilin ng mga ito, na magtago at lumayo sa makapangyarihang Fonteverde. Nang gabing ginulo na naman siya ng isang masamang panaginip at hindi na muling makatulog ay nagpasya siya na pumunta sa isang night club para pansamantalang makalimot. Hindi aakalain ni Ava na ang gabing iyon ang maglalapit sa kaniya sa anak ng taong matagal na niyang tinataguan. Ang mas malala pa roon ay may nangyari sa kanila. Nagkaroon sila ng kambal na anak, ngunit bago pa malaman ni Alas Fredo Fonteverde, ang makapangyarihan at kilala bilang isang halimaw na CEO, ay tumakbo at nagpakalayo na si Ava. Hindi nanaisin ni Ava na makilala ng kaniyang mga anak ang demonyong ama ng mga ito. Lalo pa nang dahil kay Alas ay nawalay sa kaniya ang kaniyang anak na babae. Sa muli niyang pagbabalik sa Pilipinas ay binabalak niyang paghigantihan ang mga magulang nito at bawiin ang kaniyang anak na babae. At sa pagbabalik na iyon ay malabo na siyang makilala ng isang Alas Fonteverde dahil sa ibang-iba na siya mula sa Ava noon; isa na siyang sopistikada at matalinong babae. Mapagtagumpayan kaya ni Ava ang kaniyang planong maghiganti at mabawi ang anak? O pati siya ay mapapahamak sa mga bisig ng isang kinikilalang “The Monster CEO?”
Romance
9.947.9K viewsCompleted
Show Reviews (22)
Read
Add to library
Blissy Lou
Magandang araw po! ^^ Sa mga mambabasa ng TMCT na maliligaw po rito sa comment section, ako po ay nagpapasalamat ng sobra sa suporta as reader ng kuwentong ito. Hindi ko po inaasahan na tataas pa po ang views, subs., at gems na matatanggap ko po rito. Maging ang share ko po.
cursebyharrrt
Wow, now ko lang nabasa ang blurb/synopsis ng librong ito. From role play world itinuloy ang pagmamahalan nila sa isang kuwento. Ang ganda, maganda rin siguro kung magkakaroon ito ng physical book, iyon lang author keep writing, still waiting for your update sa ibang on-going novel mo ...
Read All Reviews
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
Fantasy
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
You Are My Savior

You Are My Savior

Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael. Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
Romance
105.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Nalaman ko na buntis ako kasabay ng childhood sweetheart ng asawa ko na si Rosa. Para protektahan ang kanyang anak mula sa pagpapaabort, sinabi ng asawa ko na anak niya iyon. Sa anak ko? Pinagaan niya ang loob ko, sinabi niya na aangkinin lang niya ang bata kapag isinalang na ito. Kinumpronta ko siya, gusto ko malaman kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Malamig at walang alinlangan ang sagot niya: “Ang angkinin ang baby ang tanging paraan para protektahan sila pareho. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya o sa baby niya.” Sa oras na iyon, habang nakatingin ako sa lalaki na minahal ko ng sampung taon, napagtanto ko na namatay na ang pag-ibig ko para sa kanya. Hindi nagtagal, kinundena ako ng pamilya ko, tinatawag akong pokpok dahil nagkaanak ako ng wala itong ama at pinressure ako na magpa-abort. Samantala, nasa ibang lungsod naman ang asawa ko, kasama ang sweetheart niya, tinutulungan siya sa kanyang pagdadalantao. Sa oras na nakabalik siya, nakaalis na ako.
Short Story · Mafia
2.4K viewsCompleted
Read
Add to library
I Heart You Mr. C.E.O

I Heart You Mr. C.E.O

Hindi mo iisipin na ang taong minsan mo lang nakita ay ang taong nakakuha ng atensyon at nararamdaman mo.  Tanya Isadora Monteverde ay isang hacienderang dalaga na tumakas sa Mansyon at mas gustong manirahan mag-isa sa Maynila para mamuhay ng malayo sa diktador na kanyang mga magulang. Pagpasok niya sa Kolehiyo, kung saan makikilala niya si Andrea na magiging matalik niyang kaibigan at titira sa sila sa isang apartment.  Isang babae na laging malas pagdating sa pag-ibig. Paano kung isang araw ay aksidenteng matagpuan mo ang iyong prince charming. Ano ang gagawin mo para lang makuha ang atensyon niya? Lalo na maypaka babaero at pusong bato ang binata at ano ang gagawin mo lalo na ang amo ay may ugali na parang tigre na parang galit lagi sa mundo?  Sa paglipas nang panahon paano kung masusumpungan mo na lang ang iyong sarili na pagod na,  kaya mo pa bang sumugal muli sa ngalan ng wagas na pag-ibig?
Romance
108.3K viewsCompleted
Read
Add to library
One Night, One Mistake

One Night, One Mistake

Soju
Ang masayang pagsasama ng mag-asawang Celeste at Elijah ay nabahiran ng pagdududa nang maramdaman ni Elijah na tila niloloko siya ni Celeste. Pagdududa na nauwi upang sumiping siya ng isang gabi kay Selena na isang estranghera. Ngunit nagsisi si Elijah nang malaman niya na mali siya ng hinala kay Celeste. Inakala ni Elijah na tapos na ang kabanata ng buhay niya kay Selena dahil one night stand lamang ang nangyari sa kanilang dalawa. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang malaman niya na lumipat si Selena ng bahay na malapit sa bahay nilang mag-asawa. Doon na nagsimula ang pamba-blackmail ni Selena upang makuha ang gusto nito sa kaniya. Si Elijah nga lang ba ang pakay ni Selena o meron pa siyang mas malalim na dahilan kaya nais niyang masira ang pagmamahalan nina Celeste at Elijah?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Married to a Yakuza Boss (Tagalog)

Accidentally Married to a Yakuza Boss (Tagalog)

Nang malaman ni Marissa na ikakasal siya sa hindi pa niya nakikilala na groom. Labis ang lungkot niya dahil may boyfriend siya na mahal na mahal niya. Nagulat si Marissa sa sampal ng daddy niya at binantaan siya nito na papatayin ang boyfriend niya. Kaya wala siyang choice kundi sumangayon sa kasal na hindi niya inaasahan. May nalaman si Marissa kay Austin na lubos niyang kinatakot. Pero habang tumatagal natutunan na niya mahalin ang asawa niya. Magiging masaya kaya sila sa huli?
Romance
109.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Dear Ex-husband, Look At Me Now

Dear Ex-husband, Look At Me Now

Minsan nang inialay ni Sydney ang puso kay Vince pero tinanggihan siya nito… pati ang anak na hindi niya alam na ipinagbubuntis ni Sydney. Pagbalik ni Sydney matapos ang anim na taon, iba na ang babae sa harap niya at hindi na siya madaling saktan. Pero sa muling pagtatagpo, ang lalaking minsang nagpaalis sa kanya ay siya ngayong takot siyang bitawan. Pag-ibig pa ba ito na may pangalawang buhay, o panibagong sugat lang na naghihintay?
Romance
128 viewsOngoing
Read
Add to library
LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET

LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET

Akala ni Margaret, sapat na ang pagmamahal para buuin ang isang pamilya. Pero matapos ang pitong taon ng malamig na pagtrato, pagtataksil ng asawa, at pangungutya ng sariling anak, napuno na siya. Iniwan niya ang lahat—at muling binuo ang sarili. Ngayon, isa na siyang sikat na fashion designer at pintor na hinahangaan sa buong mundo. Pero ngayong wala na siya, bigla silang ayaw siyang pakawalan. Bakit kailangang mawala siya bago nila mapagtanto ang halaga niya?
Romance
9.518.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status