Share

Kabanata 6

Author: zeharilim
last update Last Updated: 2025-07-27 10:18:59

(Four years ago)

Xavier Iglesias

Hindi ko magawang hindi isipin ang mga ibinunyag na impormasyon sa akin ni Naya tungkol sa isyu niya sa kanyang pamilya. Wala akong ideya kung bakit ganoon ang pamilya nito pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon upang tratuhin nila siya na parang laruan.

Kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi ako papayag na gawin sa akin ng sarili kong magulang iyon.

Tama siya.

Wala siyang karapatang magreklamo dahil nga magulang niya sila at sila ang mas nakakaalam ng tama sa mali.

But I think, it's too much.

Binalingan ko siya ng tingin habang binabaybay ko ang daan patungo sa kanyang apartment.

Nakatulog na pala siya. Kung tutuusin, noong una ay ayaw niyang ihatid ko siya pauwi pero dahil nagpumilit ako ay wala rin siyang nagawa.

Sa puntong iyon ay lihim akong napangiti nang maalala ko ang nangyari sa pagitan namin kanina.

Sa unang pagkakataon ay niyakap ko siya.

Of course, dala iyon ng kagustuhan kong mailabas niya ang lahat ng kanyang sakit na dinaramda
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 6

    (Four years ago)Xavier IglesiasHindi ko magawang hindi isipin ang mga ibinunyag na impormasyon sa akin ni Naya tungkol sa isyu niya sa kanyang pamilya. Wala akong ideya kung bakit ganoon ang pamilya nito pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon upang tratuhin nila siya na parang laruan. Kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi ako papayag na gawin sa akin ng sarili kong magulang iyon. Tama siya. Wala siyang karapatang magreklamo dahil nga magulang niya sila at sila ang mas nakakaalam ng tama sa mali.But I think, it's too much. Binalingan ko siya ng tingin habang binabaybay ko ang daan patungo sa kanyang apartment. Nakatulog na pala siya. Kung tutuusin, noong una ay ayaw niyang ihatid ko siya pauwi pero dahil nagpumilit ako ay wala rin siyang nagawa. Sa puntong iyon ay lihim akong napangiti nang maalala ko ang nangyari sa pagitan namin kanina. Sa unang pagkakataon ay niyakap ko siya. Of course, dala iyon ng kagustuhan kong mailabas niya ang lahat ng kanyang sakit na dinaramda

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 5

    (Four years ago)Naya DiazNapalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Mr. Iglesias ganoon din nang mapadpad ang tingin ko sa kanyang mga labi. Tama ang mga ka-trabaho ko. Ang ganda ng mga labi niya at mukhang ang sarap papakin ng mga iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa ideyang iyon. Kaya naman dali-dali akong umiling at hindi kalaunan ay tumayo na rin mula sa kanyang kandungan. Muli ay umupo ako sa couch sa tabi niya at inayos ang sarili ko. "Bakit ho ba gusto niyong malaman ang tungkol sa problema ko?" iritable kong sambit. "It's a personal matter. Hindi ba't kayo mismo ang nagsabi na walang pakialamanan ng problema ng may problema? What are you doing?"Umangat ang dalawang kilay niya. "Yes, sinabi ko 'yon at tandang-tanda ko pa 'yon. Pero sa tingin mo, makakapag-concentrate ako sa oras na makita ko 'yang pagmumukha mo na problemado? Do you think mahaharap mo ng maayos ang trabaho mo?"Lihim na lamang akong natawa. Kahit naman sabihin ko pa ang problema ko sa kahit na sino ay

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 4

    (Four years ago)Xavier Iglesias Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko pagsandal ko sa swivel chair ko. Agad akong pumikit kasunod niyon ay ninamnam ang katahimikang namamayani sa loob ng opisina ko. Halos inabot na ng isang linggo ang pagiging abala ko sa pag-aayos ng mga dapat asikasuhing papeles dito sa opisina. Ang dami kong inayos na problema at tila ba sa akin lahat ibinigay ang mga trabaho na hindi naman ako dapat ang gumagawa. Hindi kalaunan ay iminulat ko ang mga mata ko. It's 4:30 pm. Oras na nang uwian pero heto ako at mayroon pang kailangang habuling deadline kinabukasan. Maya-maya ay napagpasyahan kong tumayo muna mula sa kinauupuan ko. Kailangan ko ring maglakad-lakad at alamin kung nagtatrabaho ba o nagtsi-tsismisan ang mga empleyado namin dito sa kompanya. Sa pagbukas ko ng opisina ko ay agad akong naglakad patungo sa employee's workplace. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng ilang hakbang ay nahinto ako nang mapansin kong wala ang assistant ko sa d

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 3

    Naya Diaz"Gusto mo ulit itago ang relasyong meron tayo?" kunot-noong sambit ni Xavier. "Seryoso ka ba? Sa anong rason?"Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Gusto ko munang harapin ang sarili ko. Alam mong may mga pangarap ako na hindi ko nagawang tuparin dahil sa kagustuhan ng pamilya ko, hindi ba? Iyon ang gusto kong gawin ngayon."Bumangon siya mula sa pagkakahiga sabay dampot ng kanyang boxer shorts sa sahig. Isinuot niya iyon at hindi kalaunan ay napahilamos sa kanyang mukha na humarap sa akin. "Alam ko 'yon at naiintindihan ko kung ano ang pinanggagalingan mo, Naya," tugon niya. "Pero sawang-sawa na ako sa pagtatago natin sa publiko. Gustong-gusto na kitang ipakilala sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at sa mga taong malapit sa 'kin. Ikaw? Hindi ka ba nagsasawa?"Natigil ako sa sinabi niyang iyon. Gusto niya akong ipakilala sa pamilya niya?Lihim akong napangiti sa mga sandaling iyon. Bagamat gusto ko rin na mangyari iyon ay kailangan ko muna ng kaunting panahon para sa

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 2

    Xavier IglesiasIlang minuto matapos naming magtungo sa simbahan, we're finally married. Sa wakas ay natupad din ang matagal ko nang pinaplano na pakasalan ang babaeng pinakamamahal ko. I've been wanting this moment to happen for so long. Two years pa lamang ng relasyon namin ay gusto ko na siyang pakasalan. Ngunit kahit anong kagustuhan ko nang mga panahong iyon ay hindi ko magawa. Marami siyang iniisip at iniintindi sa kanyang pamilya. Well, ang totoo ay panay ang pagbibigay sa kanya ng problema ng kanyang pamilya. Gustuhin ko mang prangkahin sila ngunit nirerespeto ko ang kagustuhan niya at ang hiling niya na kung maaari ay huwag akong mangialam.Now that we're married, mas lalong hindi ako makakapayag na alipustahin siya ng kahit na sino. Not on my watch. Ilang minuto ang nagdaan ay nakauwi na rin kami sa bahay. Matapos kong patayin ang engine ng kotse ko ay binalingan ko ng tingin si Naya na sa mga sandaling iyon ay agad na humarap sa akin. Dali-dali kong tinanggal ang sea

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 1

    Naya DiazAgad kong nabitawan ang hawak kong mga kubyertos nang marinig ko ang sinabi ni mama. Bagamat napupuno ng tawanan at ingay ang loob ng dinner room ay nanatili akong walang imik sa mga sandaling iyon."Ano hong sabi niyo?" kunot-noo kong tanong. "Ipapakasal niyo 'ko kay Ash Demetrio?""Kailangan pa bang ulitin, Naya? Malakas naman ang pagkakasabi ng mama mo, hindi ba?" anas ni tita Olga."Bakit-""Responsableng lalaki si Ash," pagsisimula niya. "Matino at higit sa lahat...may kaya sa buhay. Naku, kung alam mo lang kung gaano kayaman ang pamilya ng batang 'yon. Bukod pa doon ay nag-iisa siyang anak at ang ibig sabihin lang niyon ay siya rin ang tagapagmana nila."Sumabat si tita Georgina. "Tama ang mama mo, Naya. Ano pa bang hahanapin mo kay Ash? Nasa kanya na ang lahat - kagwapuhan at siyempre, yaman."Napabuga ako ng hangin sa narinig kong iyon mula sa kanilang dalawa.Umiling ako kasunod niyon ay ang pagtayo ko mula sa kinauupuan ko."Hindi," anas ko na ikinatigil nilang tat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status