Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Humble Son-in-Law is the King of the World

The Humble Son-in-Law is the King of the World

Sa mata ng mga mamamayan ng Lungsod ng San Jose, si Cyrus ay isang anino lamang—isang lalaking walang nakaraan, walang ambisyon, at isang "dustang manugang" na palamunin ng pamilyang Sandoval. Sa loob ng tatlong taon, tinitiis niya ang bawat pangungutya, pag-alipusta, at pagmamaliit mula sa kaniyang mga biyenan at sa mapagmataas na pinsan ng kaniyang asawa na si Marco. Ang tanging dahilan ng kaniyang pananatili ay ang kaniyang wagas na pagmamahal kay Claire Sandoval, ang babaeng nagbigay sa kaniya ng tahanan sa kabila ng kaniyang pagiging "basura" sa paningin ng lipunan. ​Ngunit ang lahat ay magbabago nang mahanap siya ni Arturo, ang tapat na alalay ng pinakamayamang pamilya sa buong mundo. Sa isang madilim na eskinita, mabubunyag ang katotohanang sampung taon nang nakabaon: Si Cyrus ay hindi isang pulubi, kundi si Cyrus Villarreal, ang nag-iisang tagapagmana ng Villarreal Global Holdings. Ang kaniyang amnesia ay hindi aksidente, kundi bunga ng isang malupit na pagkakanulo mula sa sarili niyang kadugo na nagnais na agawin ang kaniyang trono. ​Sa halip na agad na magpakitang-gilas, pipiliin ni Cyrus na manatili sa kaniyang low-profile na buhay. Gagamitin niya ang kaniyang katalinuhan, ang kaniyang walang limitasyong yaman, at ang kaniyang mga lihim na koneksyon upang protektahan si Claire at durugin ang mga kaaway nito nang hindi siya nakikilala. Sa pamamagitan ng mga "frontman" sa negosyo, itatayo niya ang isang imperyo sa likod ng mga anino habang nananatiling tagalinis ng sahig sa harap ng mga Sandoval. Ito ay isang mahabang labanan ng talino, estratehiya, at pagtitimpi. Hanggang kailan niya kayang itago ang kaniyang koronang ginto sa likod ng isang basahan? Sa mundong ang lahat ay nasusukat sa pera, si Cyrus ang magpapatunay na ang pinaka-aba ay siya palang Hari na nagmamay-ari ng lahat.
10787 viewsOngoingAdded to Library 27 Times as mga nobela
Read
+Library
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
105.7K viewsCompletedAdded to Library 113 Times as mga nobela
Read
+Library
My Cold Secret CEO

My Cold Secret CEO

Noong mga araw ng dalisay na pag-ibig, sila ang perpektong pares. Magkaklase at laging magkasama, nagbahagi sila ng mga pangarap at pangako sa ilalim ng matandang puno—nanata na hinding-hindi maghihiwalay. Siya ay puno ng ningning at init noon, habang si Elara ang kanyang liwanag: simple, tapat, at mabuti. Payapa ang kanilang samahan, hanggang sa isang mabigat na dahilan ang nagpilit sa kanilang maghiwalay. Walang paalam o paliwanag; nawala ang ugnayan, at ang lahat ay naiwan lamang bilang alaala sa kanilang mga puso. Lumipas ang maraming taon at nagbago ang lahat. Ang lalaking kilala niya noon ay bumalik na ibang-iba—si Kaelian na ngayon, isa sa pinakamakapangyarihan, mayaman, at pinakamalamig na CEO sa industriya. Tinitingala at kinatatakutan, itinayo niya ang matibay na pader sa paligid ng sarili upang itago ang nakaraan at mga lihim. Ang pusong minsang mainit ay nagyelo na, sarado na sa sinuman, at determinado siyang panatilihing lihim ang kanyang tunay na pagkatao. Sa kabilang dako, nanatiling simple at payapa si Elara, namumuhay nang karaniwan at malayo sa ingay ng kanyang mundo. Masaya siya sa buhay, walang kaalam-alam na ang lalaking akala niya ay bahagi na lamang ng nakaraan ay isa na sa pinakakilalang tao sa bansa. Para sa kanya, si Kaelian ay alaala na lamang na tahimik niyang iniingatan. Hanggang sa pagtagpuin sila muli ng tadhana nang hindi inaasahan. Sa unang pagkikita matapos ang mahabang panahon, nababalot ng pagdududa ang kanilang mga mata. Makikilala pa kaya ng malamig na CEO ang babaeng minsang nagbigay kulay sa kanyang mundo? O mananatili siyang nakatago sa likod ng matigas na anyo, itinatago pa rin ang mga lihim na naghiwalay sa kanila noon? Ang muling pagtatagpo ay simula ng pagbukas ng nakaraan at pagsubok kung ang dating pag-ibig ay sapat pa upang gibain ang mga pader na itinayo ng panahon.
49 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as mga nobela
Read
+Library
DEADLY SIN: Playing Pleasure with my Best Friends

DEADLY SIN: Playing Pleasure with my Best Friends

AkoSiNaviko
Ang kwento na ito ay naglalaman ng mga maseselang tema at lenggwahe. Read at your own risk. Wag sanang husgahan ang laman ng kwento dahil ito ay puro imahinasyon lamang. Ang pagkaparepareho sa mga totoong buhay o sa ibang kwento ay sinisugurado kong hindi ko sinasadya iyon at hindi ito nakaw. April 2018 - February 2019
108.3K viewsOngoingAdded to Library 174 Times as mga nobela
Read
+Library
THE WEIGHT OF THE VEIL

THE WEIGHT OF THE VEIL

Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili. Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso. At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama. Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
103.0K viewsCompletedAdded to Library 100 Times as mga nobela
Read
+Library
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
101.5K viewsOngoingAdded to Library 29 Times as mga nobela
Read
+Library
THE LADY ALPHA

THE LADY ALPHA

BeauWP
After her father was killed and her mother disappeared, Calithea Del Mundo was forced to take the title as an alpha of their pack when she was thirteen year old. Nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan ng mga lobo at hunters dahilan para magdulot ng marahas na labanan sa pagitan ng dalawang grupo. Namatay sa kalagitnaan ng labanan ang ama ni Calithea at tinangay naman ang kanyang ina. Bago pa man lisanin ng mga hunters ang teritoryo nila Calithea, ikinulong nila ang mga lobo ng ilan sa mga piniling sumuko sa laban at mabuhay gamit ang isang pilak na kadena. Kahit anong pilit nila, kahit anong mahika pa ang gamitin nila, hindi nila magagawang makalaya mula roon. Ang kanilang mga lobo ay mananatiling nakagapos. Ang tanging paraan lang para makalaya sila mula sa bagay na ‘yon ay ang isang susi. Susi para sa kanilang kalayaan. Ngunit ang susing iyon ay hawak ng mga taong muntik ng umubos sa kanilang lahi. And she was obliged to take that key. Drico Wagner, the head supreme of the hunters. He is a fearless and brave man. Sa edad na tatlumpu't lima, libo-libong lobo na ang napatay niya. It’s so ironic that their kind hunts werewolves down wherein fact, his stepmother is a pure blooded werewolf and his half-sister is a half-blooded wolf. Ibinigay sa kanya ng kanyang ama ang susi. Susing magpapalaya sa grupo nina Calithea. Calithea is after him. But, as she was on her way of taking the key to their freedom, she didn’t expect that love would be her number one enemy. Will she choose to beg for his love? Or just focus on saving her people?
101.5K viewsOngoingAdded to Library 46 Times as mga nobela
Read
+Library
THE MISTRESS DELIMMA

THE MISTRESS DELIMMA

Si Hannah ang mistress ng pangalawa sa mga pitong magkakapatid na lalaking Venzago. Sa pag aakalang jackpot na ito na sa pagkaka bingwit sa mayaman at gwapong so Greg ay nagkakamali ito. Ang inaasahan nitong mag aahon sa kanya sa kahirapan ay parang sya din pala ang maghahatid sa kanyang huling hantungan. Ang akala nyang pagmamahalan nila ay parte lang pala ng isang malagim na laro. Dinala sya ni Greg sa isang mansyon sa isla hindi para ibahay pero para makilala din nito ang iba pang mga kabit ng mga kapatid ni Greg at doon nabunyag na hindi na sila makaka alis doon sa loob ng isang taon. Pipili ang ama ni Greg sa mga kabit ng kanyang mga anak para pamanahan ng kanyang ari arian at isa lang ang pipiliin nya, yun ay kung sino ang mabubuhay sa kanila. Lantaran ang magiging ahasan at trayduran pero mamumukod tangi ang tapang at talino ni Hannah kaya naman palihim na umaasa ang ama nila Greg na sya ang matirang buhay. Magiging love story kaya ang dark romance na relasyon nila? o mananatili itong laro lang ng isang malagim na trahedya.
10228 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as mga nobela
Read
+Library
My Escort's Secret Identity

My Escort's Secret Identity

Akala ni Vivoree, simpleng kasunduan lang ang lahat… isang escort na babayaran para samahan siya sa mga piling gabi at magturo sa kanya ng mga bagay na kailangan niyang matutunan sa kama. She hired him to learn. But what if the escort she hired has a deep secret? What if the man she thought she could control turns out to be the most dangerous man she has ever known?
85 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as mga nobela
Read
+Library
BREAKING THY INNOCENT

BREAKING THY INNOCENT

Mahalia Athariena Villarica, isang dalaga na labingwalong taong gulang, ay namuhay ng payapa sa Mt. El Tigre. Maganda siya at naniniwala sa kabutihan ng mga tao, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang kaakit-akit na doktor na may lihim na mga iligal na gawain. Dr. Floriust Gaine Barquin, isang mapanganib, at guwapo, ay hindi madaling mahulog sa mga babae. Ngunit nang makilala niya si Mahalia, unang kita pa lamang niya dito, nakaramdam na agad siya ng kakaiba. Sa tawag ng pagnanasa... hinayaan niya ang kanyang sarili na sirain ang inosenteng pagkatao ng babae, at nangyari ito sa ibang paraan.
109.9K viewsCompletedAdded to Library 287 Times as mga nobela
Read
+Library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status