Bound to the CEO’s Revenge
Dahil sa pagpapakalat niya ng exposed photo ng dalawang lalaking naghahalikan, nauwi ito sa kasalan.
Si Isobel Ituraldez, pasaway na anak at tagapagmana ng Raldez Corporation, ay kilala sa pagiging rebelde at sanhi ng stress ng kanyang ama.
Samantalang si Alejandro Talleno, CEO ng Cagel Talleno Logistics, ay hinahangaan ng maraming babae. Ngunit dahil sa iskandalong kumalat, naapektuhan ang kanyang reputasyon.
Isang gabi, aksidenteng nagkita sila sa hotel. Pareho silang lasing at nagkatapat. Kinausap siya nito tungkol sa iskandalo, ipinaliwanag na biro lamang iyon kasama ang kaibigan niyang lalaki. Imbes humingi ng tawad, iginiit ni Isobel na bakla siya dahil sa malambot nitong kilos. Dala ng kalasingan, hinamon niya itong halikan at buntisin siya kung tunay na lalaki ito.
Sa kaguluhan, natumba sila at nagpatong ang katawan. Hindi napigilan ni Alejandro ang sarili, hinawakan nito ang bewang para pigilan tumayo. Sisigaw sana ito ng bakla nang hinalikan niya ito at nauwi sa pagtatalik.
Nagising si Isobel, nagmamadaling umalis. Ngunit naalala ng binata ang lahat at nagkaroon ng interes na hanapin siya. Paulit-ulit niya itong pinuntahan sa kompanya, ngunit iniiwasan siya nito. Kaya tinarget niya ang ama nito, nag-alok ng suporta sa naluluging negosyo kapalit ng kasal nila. Mabilis na napapayag si Mr. Ituraldez dahil din sa atraso ng anak.
Matapos ang kasal, nawalan ng kapangyarihan si Isobel. Sa gabi, ginagapang siya ni Alejandro at unti-unti ring bumigay sa romansa nito.
Ngunit natuklasan niya na planado lahat, mula sa iskandalo. Ang kaibigan niya ay ispiya pala ni Alejandro upang makakuha ng personal na impormasyon sa pamilya nila. Ito ay bahagi ng paghihiganti dahil may kinalaman ang ama niya sa pagkamatay ng mga magulang ni Alejandro.
Si Isobel ang naging target niya para sirain, pero sa huli nahulog siya rito.
Pipiliin ba niya ang plano ng paghihiganti o ang tunay na damdamin?