My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)
Nagbago ang buhay ni Arisielle Dominguez, nang ampunin siya ng pamilyang Del Quinco–Huangcho—isang mayamang angkang may limang anak na lalaki at isang babae na kaedad niya. Akala niya natagpuan niya na ang tunay na tahanan.
Mula sa unang araw pa lang, alam na niyang iba ang titig sa kanya ni Knife Blade Del Quinco-Huangcho—ang tahimik, matalim, at misteryosong middle child na parang laging may tinatago.
Lumipas ang mga taon.
Si Knife, isa nang kilalang detective—brilliant, cold, at halos hindi na mahawakan ng mundo.
Si Arisielle naman, isang designer na tahimik ang pamumuhay, pero hindi pa rin nakakaalpas sa mga titig at salita ng lalaking matagal na niyang iniiwasan.
Hanggang isang araw, biglang gumuho ang lahat. Namatay si Katana, ang kapatid nilang babae, at ang mga bakas ng katotohanan ay nagtuturo sa isang lugar na tinatawag na Euphoria—isang lihim na mundo ng kasiyahan, karangyaan, at kasalanan.
At doon sila muling nagtagpo. Sa lugar kung saan hindi mo alam kung sino ang inosente at sino ang nagtatago ng halimaw sa ilalim ng ngiti.
Doon muling sumiklab ang tensyon—hindi na lang dahil sa nakaraan, kundi dahil sa pagnanasang hindi na nila kayang itago.
Sa gitna ng mga lihim, tukso, at kasinungalingan—isang tanong lang ang kailangang sagutin:
Hanggang saan mo ipaglalaban ang pag-ibig kung ang tanging bawal ay siya ring tanging gusto mo?
"You're mine, Arisielle. My little sis."
"I am always yours Kuya KB."