Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
323 viewsOngoing
Read
Add to library
THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID

THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID

READ AT YOUR OWN RISK!!! WARNING: MATURED CONTENT. YOU HAVE BEEN WARNED! (Damon Castagners Story)🔞 Nang mabalitaan ni Amelia na nangangailangan ng kasambahay sa mala-palasyong mansion ng mga Castagners ay hindi na siya nagdalawang-isip na mamasukan bilang kasambahay sa mga ito. Bukod sa malaki ang sahod ay gusto rin niya na malaman kung totoo ba ang bali-balita na mayro'n daw na isang halimaw ang nakatira ro'n. Dala nang kuryusidad ay pikit-mata niyang tinanggap ang trabaho. Nang makapasok na siya ay saka niya nalaman kung bakit halimaw ang bansag sa amo niyang binata. Mapa-amo niya kaya ang binata na walang ibang alam gawin kundi ang manakit, manaboy at maliitin siya? Matitibag ba niya ang pader sa pagitan nilang dalawa? O darating ang araw na masasaktan lang nila ang isa't isa? TRAPPED SERIES#2. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) COMPLETED 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) COMPLETED 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) Completed 5.Broken hearts and promises (Miguel) Completed. 6. The hidden wife tears (Nickolas) Completed 7. The billionaire's trick (Liam) SOON 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack) SOON 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON Genre: ROMANCE/DARK ROMANCE/STEAMY READ AT YOUR OWN RISK!!!!
Romance
10241.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Me Again

Love Me Again

Buong akala ni Ellie ay wala nang hahadlang sa pag-iibigan nilang dalawa ni Uno. Ngunit bago ang araw ng kasal nila, naaksidente silang dalawa ni Uno. Pagkagising ni Uno mula sa aksidente, hiniwalayan niya si Ellie at pinili na umalis ng bansa kasama si Sandra, ang kaniyang kababata na pinagkasundo sa kaniya. Bumalik si Uno ng bansa upang balikan si Ellie ngunit malapit na itong ikasal kay Judah. Magagawa pa kayang paibigin muli ni Uno si Ellie o tuluyan nang matutuldukan ang kanilang nakaraan?
Romance
1011.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Miss Quack meets Doc Paul

Miss Quack meets Doc Paul

Maganda. Inosente. Probinsyana. Ilan lang 'yon sa mga katangian ni Karen, o mas kilala bilang Miss Quack sa baryo nila. Araw-araw, iba't ibang halamang gamot ang tinda niya. May gumagaling—mayroon namang ayaw na lang magreklamo dahil sinusungitan niya. Si Paul, isang doktor. Guwapo. Mayaman. Magaling--lalo na sa kama. Nang magtagpo ang landas nina Miss Quack at Doc Paul, 'ika nga'y mata lang ang walang latay sa damdamin nilang tila nagliliyab, sa isang gabing tila wala nang bukas. Napakasaya ni Karen. Akala niya'y totoong mahal nga siya ni Paul. Pero ang walanghiya, iniwan siya bigla! Ang sarap--este, ang sakit na naramdaman niya'y mas tumindi nang iwan siya nito ng pera. Hindi pa nakontento, nag-iwan din ito ng supling na kaugali nito. Not just one, but two! Ano'ng gagawin niya kung magkita silang muli? Mapanindigan niya kaya ang pangakong, WHO YOU? na ito sa kaniya?
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1011.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving The Lost Billionaire

Loving The Lost Billionaire

Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal. Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba. Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito. Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure. Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala
Romance
1022.6K viewsCompleted
Read
Add to library
MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

Lanie
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Cearina Guzman si Ezekiel Wang. He was her first everything—her first love, her first heartbreak. Sa kabila ng lahat ng alalahanin, nagawa niyang iwan si Ezekiel para sa pangarap nito. Ang sabi ng mga magulang ni Ezekiel, tatanggalan ng mana ang anak at hindi na susuportahan financially kapag ipinagpatuloy pa nila ang relasyon. Hindi ito sinabi ni Cearina kay Ezekiel, kaya hanggang ngayon, galit pa rin ang binata sa kanya sa pag-iwan niya. Akala ni Cearina, nakalimot na siya. Pero boom! Muli silang nagkita nang mag-apply siya sa SummitBridge Global—hindi niya alam na ang kompanyang aaplayan niya ay pag-aari ng ex-boyfriend niyang si Ezekiel! At nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi maitatanggi na nandoon pa rin ang mga damdamin na tinago niya. She still wants him. Pero ang daming hadlang sa relasyon nila. Kailangan niyang harapin ang lahat ng ito, pero hindi niya alam kung paano. Ang mga alaala nila, ang mga pangarap na sabay nilang pinangarap—parang nagbabalik sa kanya sa pinakamasakit na mga sandali. Sa kabila ng mga hadlang, ano ang pipiliin niya—ang kanyang sarili o ang pag-ibig na dati niyang iniwan?
Romance
26.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Marry Me, Stranger

Marry Me, Stranger

Feeling pogi at suplado, ganyan i-describe ni Belle ang ultra rich at most sought after bachelor na si Zyrone Craig. Kaya nang masaksihan niya mismo ang hindi pagsipot ng fiancee nito sa tinaguriang wedding of the year ng mga ito, kulang na lang ay magpa-fiesta siya dahil naniniwala siyang deserve na deserve iyon ng hambog na binata. Tuloy-tuloy na sana ang kanyang pagbubunyi kaso habang tinatakasan nito ang makukulit na taga-media para sa isang exclusive interview, walang sabi-sabing isinama siya nito sa pag-eeskapo. Nadamay siya tuloy sa magulong buhay nito kahit hindi niya plinano. Isusumpa na sana niya ito dahil sa dinala nitong gulo sa buhay niya kaso, naging sabaw lahat ng braincells niya nang bigla siya nitong alukin ng kasal. At take note, um-oo siya! Kung anong nangyari, hindi siya sigurado. Basta ang alam lang niya, nang unang beses siyang halikan ni Zyrone, parang gusto niya ng take-two. At habang tumatagal, nararamdaman din niya na parang hindi na rin masama kung silang dalawa nga ang forever ng each other. Kaya lang, mukhang mahihirapan silang ma-achieve ang happy every after kung maraming sikretong nakapagitan sa kanilang dalawa dahil nga sa parehas silang stranger.
Romance
1047.4K viewsCompleted
Show Reviews (35)
Read
Add to library
Jenny Javier
Hello! I am overwhelmed with your support for this story. I will always be grateful ...️ If you want to stay updated with my stories, please do like my page Mga Kuwento ni Jenny Javier. Hoping to interact more with you all ......
Jennifer Raguindin
Yes siiiir! Another story to look forward to! Avid follower of Ms Author. I read a lot of her compelling stories. What I like about how she writes is that you feel every character. From the main down to the sidekicks! Excited of the twists and turns of this novel!!!
Read All Reviews
Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

JocelynMDM
Apat na taon na ang nakalipas mula nang tumakas si Samsara papuntang Italya para magpakasal sa kanyang ex-boss na si Maxwell, dala ang kambal na anak niya sa kanyang ex na milyonaryo na si Landon. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, gagawin ni Landon ang lahat para mabawi ang kanyang mga anak at ang kanyang tunay na pag-ibig na si Samsara.
Romance
9.2970 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status