Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
His Secretary

His Secretary

Walang ibang hinangad si Akira kundi ang mabigyan nang magandang buhay ang kanyang pamilya. Bata pa lang siya, mulat na ang kanyang isipan sa buhay na meron sila. Nang mabigyan siya ng oppurtunidad na magtrabaho sa isang prestihiyosong kompanya, kaagad niya itong tinanggap dahil maliban sa isa ito sa pinakasikat na kompanya sa bansa, malaki rin ang pasahod dito at tiyak na maaahon niya sa hirap ang kanyang pamilya na matagal na niyang inaasam. Ngunit paano na lang kapag mas masahol pa sa hayop ang ugali ng kanyang boss? Makakaya pa kaya niyang magtiis at manatili sa nasabing kompanya kapalit ng maginhawang buhay ng kanyang pamilya?
Romance
106.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Daddy, I Got You the Coldest Wife

Daddy, I Got You the Coldest Wife

Nang umalis si Mirabella sa buhay na dati ay mayroon siya, kasabay na din niyang kinalimutan ang isang salita na kailanman ayaw na niyang hanapin o wala sa plano niyang matagpuan. Para sa kanya, sapat na ang kanyang sarili para maging masaya, sapat na kung ano ang kaya niyang ibigay para sa kanyang sarili upang mamuhay siya ng tahimik. Hindi niya hahayaang may magtangkang pumasok pa sa kanyang buhay, dahil lahat--iniiwan lang siya. lahat ay hinuhusgahan lamang siya at hindi exemption doon si Miguel Mijares- isang mayamang single parent na minsan naging parte siya ng kanyang kabataan, at nagbigay sa kanya noon ng positibong imahinasyon na lahat nagtatapos sa masayang kuwento.
Romance
2.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
A Husband For Convenience

A Husband For Convenience

Sawa na si Danielle Laforteza na marinig sa kaniyang ina ang mga pasaring na bumili na sila ng bahay at lupa. Dahil isa lamang na regular employee na may minimum wage, natatakot si Danielle sa malaking responsibilidad, lalo na't siya rin ang sumasalo ng lahat ng gastusin sa bahay. But a courage hits her, and she decides to apply for a housing loan; little did she know she needed to have a co-borrower to have the high chance of the approval. Kaya naman nang marinig niya ang proposal ni Boulevard Nixon, isa ring empleyado sa kumpanyang kaniyang pinagtatrabahuhan, pumayag siya na pumasok sa isang loveless marriage. Yes, they don't love each other... But that's before she get a husband for convenience.
Romance
10500 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Dared to Kiss Captain

Dared to Kiss Captain

Nang dahil sa isang katuwaan ay nagkagulo-gulo ang buhay ni Freya Zayara Quinzon. Isang dare na pinagsisisihan niyang ginawa niya sa buong buhay niya. Ang dare na halikan ang basketball captain na si Xavier Davon Conner, isa sa kinaiinisan niya sa loob ng kanilang paaralan. But what if ang dare pala na iyon ang dahilan upang maturuan niyang muli na magmahal ang sarili? What if ang dare pala na iyon ang magbabago ng buong buhay niya? At paano kung ang dare palang iyon ang magbibigay sa kaniya ng matagal na niyang gusto? Tunghayan na'tin ang pagbabago sa buhay ni Zayara after she was DARED TO KISS CAPTAIN. WARNING! This story contains vulgar words which are not suitable for young readers.
Romance
108.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Zillionaire's Wife

Zillionaire's Wife

Kiefer Madriaga is a business man and at the same time a surfer instructor sa sariling niyang beach resort. Mailap siya sa mga babae simula ng namatay ang ex-fiance' niya wala na siyang ibang minahal. Ang kaniyang pagmamahal ay itinuon na lamang niya sa pagpapalago ng business niya at isa na dito ang beach resort na matatagpuan sa El Nido Palawan. Wala na siyang time magka love life pa dahil iniwan lang naman sakaniya ng ate niyang magaling ang unica iha nito na pamangkin niya pagkatapos mag divorce ng magulang nito at hindi na niya mahagilap pa. Paano kung guluhin nang isang makulit na babae ang nahihimbing mong puso, handa ka bang sumugal sa ngalang nang pag-ibig..
Romance
794 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Under His Arm

Under His Arm

DreamerIsGood
Pinaghahanap si Jade "De" Martelli dahil sa kasalanan pagpatay sa kaniyang asawa sa 'di alam ng lahat na siya ay rape victim, ang mga magulang ng lalaki at ni Jade ay pinagkasundo sila dahil siya ay na buntis. Pinakasal siya sa lalaking 'di niya gusto, pagkapanganak ni Jade sinabi ng doctor na namatay ang kaniyang anak na dahil sa nangyari na wala sa pagiisip si Jade. Binalak niyang patayin ang kaniyang asawa ngunit 'di ito na tuloy, may mga panahon din na sinasaktan siya ng kaniyang asawa sa physical na pamamaraan dahil sa galit ni Jade nakahawak siya ng baril at pinag-agawan nila ito hanggang sa pumutok na nakatutuk ito sa kaniyang asawa. Maraming kaibigan si Jade kaya nakatakas siya nagpalipat-lipat siya ng lugar sa kaniyang mga kaibigan na nakatulong ito para malayang mamuhay si Jade. Nagpaiba-iba din siya ng trabaho para sa kaligtasan niya. Isang araw sa isang club na pinagtatrabahoan ni Jade may mga pulis na dumating para maginspection. Nakaramdam ng panic si Jade kaya na bangga niya niya si Lucian "Luc" Greco na isang Mafia, mayaman siya, maraming connection, at negosyo. Humingi siya ng tulong dito na agad naman pumayag na hindi man lang nagdalawang isip pagkatapos ng tulong na ibinigay ng lalaki umalis din si Jade na simula noon lagi na silang nagkikita sa mga 'di inaasahang lugar hanggang sa hinahanap hanap na siya ng lalaki 'di nagtagal inalok siya na maging Fiancée nito para maprotektahan siya mga gustong humuli sa kaniya pero may mga kondesyon silang dalawa para maprotektahan nila ang kanilang sarili sa tukso ng pagibig. Ang lalaki kayang ito ang magpoprutekta sa kaniya, at mamahalin siya sa katagalan?
Romance
10746 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Billionaire Husband Doted his First Love

My Billionaire Husband Doted his First Love

Mag-aanim na taon nang nagsasama sina Lilian at Marco kasama ang kanilang limang taong gulang na anak na si Justine nang bumalik ang unang babaeng minahal ni Marco; si Winona. Nabaling ang atensiyon ni Marco dito kasama na rin ang kanilang anak na labis na ikinasama ng loob ni Lilian hanggang umabot na sa sukdulan ang kanyang pasensiya. Ano ang maaring gawin ni Lilian sa tahasang pambabalewala sa kanya ng kanyang mag-ama? Mas pipiliin niya bang tiisin na lamang o magdesisyong iwan ang mga ito? Ano ang mahihinatnan ng kanyang magiging desisyon?
Romance
10328 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

Angel
Dalawang taong pilit na tinatago ang tunay na nararamdaman, hangang sa di inaasahang pangyayari muling pinagtagpo ang kanilang mga landas. Ngayon paano ipapaliwanag ni Dian kay Fred na nagkaroon sila ng anak matapos ang gabing pinagsaluhan nila anim na taon ang nakalipas.Ano ang gagawin ni Fred para matanggap siya ng kaniyang anak na hindi siya tanggap biglang tatay nito at ano ang gagawin niya kung isang araw dahil sa kagaguhan at pambabae niya ay may bigla nalamang lalapit sa kaniya upang alukin siya na pakasalan ito sapagkat buntis ito at siya ang ama. Paano nila ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan gayong magkakaanak na naman si Fred sa ibang babae. Matatangap ba ni Dian na maging pangalawa na lamang sila ng kaniyang anak sa buhay ni Fred o lalayo siya para hanapin ang lalaking para sa kaniya, at paano kung muli na naman pagtagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas, paano kung muli na namang nabuhay ang kanilang nararamdaman para sa isat isa. Magkakaroon na ba sila ng happy ending o may sisira na naman sa happy ending na hinahangad nila?
Romance
1.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)

Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)

Napilitan si Eliza na ibenta ng kanyang Tita Linda sa isang guwapong bilyonaryo para may perang gastusin sa ospital ng asawa nito na naaksidente dahil sa kanya. Wala siyang kaalam-alam na ibebenta pala siya. Akala niya no'ng una ay magtatrabaho lang siya sa guwapong bilyonaryo na si Alexander ngunit hindi pala. Kulang na lang ay malagutan siya ng hininga matapos niyang malaman na binenta pala siya ng kanyang sariling tita. Wala naman siyang nagawa kundi ang tanggapin na lang ang kanyang naging kapalaran. Dahil sa binenta na siya ng kanyang tita sa guwapong bilyonaryo na si Alexander ay lahat ng gustuhin nito ay kailangan niyang gawin kagaya ng pakikipag-sex dito. Ano kaya ang kahahantungan niya kasama ang guwapong bilyonaryo na si Alexander? Paano kung maging impyerno nang tuluyan ang buhay niya kasama ang guwapong bilyonaryo na ito? Is there a chance for her to escape? Paano kung magkaroon silang dalawa ng relasyon ni Alexander na guwapong bilyonaryo? Aalis pa ba siya sa piling nito o habang buhay na lang mananatili tutal una pa lang ay pati puso niya ay nabili na nito?
Romance
7.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
104.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3637383940
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status