Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lust In Love (Tagalog version)

Lust In Love (Tagalog version)

Latte
Nang makapagtapos si Charm ng kolehiyo sa England, bumalik agad siya ng Pilipinas para surpresahin ang kapatid na si Clara. Ngunit laking gulat niya nang matuklasan niyang apat na taon nang patay ang kanyang kapatid, at wala siyang ideya tungkol dito, at hindi rin ito ipinaalam sa kaniya ng mga kamag-anak nila. Kaya naman, nag-imbestiga siya tungkol sa nangyari sa kanya. Marami ang nagsasabi na ito ay nagpakamatay, ngunit naniniwala siya na hindi kailanman iisipin ni Clara na magpakamatay, at sa tingin niya ay kusa siyang pinatay. Hindi siya tumigil sa paghahanap at pagresolba sa krimen hanggang sa napagtanto niyang may tatlong lalaki na hinihinalang pumatay sa kanyang kapatid. Pero hindi lang sila ordinaryong tao na pwedeng lapitan at kausapin. Kaya, ang tanging naiisip niya ay ang pasukin ang kanilang misteryosong buhay. Plano niyang akitin ang tatlong lalaki na alamin ang katotohanan sa likod ng biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang mga plano kung malalaman niya kung gaano kadelikado ang mga taong haharapin niya, o magagawa ba niyang itago ang tunay niyang pagkatao nang hindi nahuhuli ng mga ito?
Romance
6.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Our Sacred Betrayal

Our Sacred Betrayal

Buong akala ni Sky hindi na siya magkakagusto pa sa isang lalaki, matapos lokohin ng boyfriend niya noon at iwan ng Papa niya para sa ibang babae. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Zach Villanueva, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Lihim siyang humanga dito, ngunit malayong magustuhan siya ng boss niyang perfectionist at may mataas na standard. Nang minsang magbiro ang tadhana, sa kasal ng kanyang ina, natuklasan niyang si Zach ay hindi lang basta boss, kundi anak ng lalaking papakasalan ng Mama niya. Stepbrother niya ang lalaking lihim niyang hinahangaan. Mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon nang mapilitan silang magsama sa iisang bubong. Sa bawat titig, sa bawat paglapit, at sa bawat paghinga sa iisang espasyo, mas lumalalim ang tensyon sa pagitan nila. Isang tensyon na hindi dapat mabuo… pero imposibleng pigilan. Family by law. Forbidden by morals. But temptation doesn’t always play by the rules until it becomes...a sacred betrayal.
Romance
10468 viewsOngoing
Read
Add to library
Six Months Agreement with Mr. Arrogant

Six Months Agreement with Mr. Arrogant

Marya_makata
Hindi madali ang lumaki sa anino na iniwan ng ibang tao, higit kanino man si Vanna ang nakakaalam ng mga bagay na iyan sapagkat simula pagkabata ay nakasunod lamang siya sa yapak ng nakatatandang kapatid at sa lahat nang utos ng kanyang ina. Kaya naman nang makilala niya si Atticus, inakala niyang ito na ang lalaking para sa kanya. Makalipas ang tatlong taon ay pumayag siyang magpakasal dito ayon na din sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Ilang araw bago ang dapat sana ay kasal nila, nahuli niya itong nagloloko. At ang masakit, sariling kapatid niya ang nakapatong dito. Dala nang pinaghalo-halong emosyon at tama ng alak na basta na lamang nilaklak, siya ay nagising sa isang hindi pamilyar na kama. Tandang-tanda niya ang gabing pinagsaluhan nila ng estraherong iyon at matutuwa na sana siya ngunit nang alukin ng pera kapalit ng paggamit sa kanyang katawan ay nagalit siya dito. Nilayasan niya ang walang hiya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang kanilang mga landas, sa pagkakataong iyon wala na siyang kawala. Kailangan siya nito para magpanggap na asawa hanggang makuha ang mana at kailangan niya ito para magkapera. The timid yet sweet woman with a painful past and an arrogant business tycoon with a heartbreaker for a middle name. How long lust would last?
Romance
714.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Divorced Wife Becomes the CEO

The Billionaire's Divorced Wife Becomes the CEO

nhumbhii
Apat na taon ang nakalipas magmula noong ikasal si Eris Vanya Geisler kay Blaze Martell nang malaman niyang nakabuntis ito ng iba. Lumuhod pa siya sa harap ng asawa nang sabihin nito na makikipag-divorce na sa kanya, pero walang silbi lang iyon dahil buo na ang desisyon ni Blaze na makipaghiwalay. To make matters worse, napag-alaman din ni Eris na buntis din siya at nang balakin niyang ipaalam kay Blaze ang tungkol dito, isang litrato niya na hubo't hubad kasama ang lalaking hindi kilala, ang kumakalat. Tinakwil siya ng sarili niyang pamilya at pinagtangkaan pa ng father-in-law niya na patayin siya dahilan ng pagkaka-aksidente niya at mawala ang anak sa sinapupunan. Akala ng lahat ay namatay siya sa aksidente, ngunit ang hindi alam nila alam ay buhay pa ito. Lumipas ang ilang taon, at sa kanyang pagbabalik, sisiguraduhin niyang magbabayad ang dapat na magbayad.
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"

"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"

Habang iniwan ni Elara ang kanyang mayamang pamilya upang mamuhay ng isang payak na buhay, nakilala niya si Nathaniel Anderson—ang anak ng isang bilyonaryo na nais patunayan ang sarili nang hindi umaasa sa yaman ng kanyang pamilya. Hindi nagtagal, nahulog ang loob nila sa isa’t isa, at nang nangailangan si Nathaniel ng tulong upang matupad ang kanyang mga pangarap, buong puso siyang sinuportahan ni Elara. Ngunit nang bumalik ang dating pag-ibig ni Nathaniel, gumuho ang kanilang kasal. Sa gitna ng matinding pagtataksil at sakit, nagdesisyon si Elara na lumayo—dala ang isang lihim na magbabago sa kanilang kapalaran. Makalipas ang ilang taon, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngayon, determinado si Nathaniel na bawiin ang babaeng minsang iniwan. Ngunit magpapadala pa ba si Elara sa dating damdamin, o tuluyan na siyang lalayo bilang isang lihim na bilyonarya?
Romance
1028.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG)

Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG)

Sa mata ni Claudette Aoife Villamor, ang kasal ay sagrado—isang pangakong hindi dapat nilalapastangan. Pero sa loob lang ng tatlong buwan bilang misis, nadurog ang buong pagkatao niya nang mahuli niya ang sariling asawa—nakikipagtalik sa kasambahay nila. Sa kama nilang mag-asawa. Dala ng galit at pagkawasak, nilisan niya ang tahanan nila nang walang balak bumalik. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, isang misteryosong lalaki ang sumulpot sa landas niya—si Killian Nicolaj, ang tahimik ngunit makapangyarihang billionaire na siyang bagong CEO ng unibersidad kung saan siya dating nagturo. Hindi alam ni Claudette na matagal na pala siyang pinagmamasdan ni Killian. Matagal nang kinikimkim nito ang damdaming hindi niya kailanman inasahan—hanggang sa isang gabi ng paghihiganti, isang kasalanang pinili nilang kapwa pasukin. Sa loob ng sasakyan ni Killian, sa harap ng lalaking minsan niyang minahal, isinuko ni Claudette ang sarili sa bisig ng kanyang boss. Isang gabi ng kapusukan. Isang simula ng mga lihim. At isang ugnayang hindi kailanman dapat nabuo. Hanggang saan ka dadalhin ng galit, pagnanasa, at muling pagtuklas sa sarili mong halaga?
Romance
1015.0K viewsCompleted
Read
Add to library
MR.CEO and ME

MR.CEO and ME

Sanay si Dominic Villaruel, isang gwapong bilyonaryo at may-ari ng kilalang hotel chain, na habulin at pagsilbihan ng mga babaeng halos mag-unahan para lamang mapansin siya. Dahil sa tingin niya’y pare-pareho lang ang lahat—nahuhulog sa kanyang yaman at sa kinang ng kanyang kagwapuhan—hindi niya kailanman sineseryoso ang pag-ibig. Mayabang, arogante, at sarado ang puso; iyon ang mundong matagal na niyang nakasanayan. Ngunit biglang nag-iba ang lahat nang makilala niya si Mira Santos, isang tahimik at introvert na staff sa kanyang hotel. Sa unang pagkikita, ni hindi siya nito binigyan ng tingin—para bang ang kinang ng kanyang itsura ay wala lang. Sa halip na ikababa ng kanyang ego, mas lalo siyang naiintriga. Unti-unti, natuklasan ni Dominic na sa likod ng pagiging mahiyain ni Mira ay may matatag at matalinong babaeng kayang suwayin ang kanyang kayabangan. At sa bawat saglit na magkasama sila, tila isang pana ng kupido ang muling bumuhay sa pusong matagal nang naniniwala na hindi na muling iibig. Hindi niya akalain—ang babaeng hindi man lang siya pinapansin ang siya palang dahilan ng pagbagsak ng kanyang pusong matagal nang sarado sa pag-ibig.
Romance
4.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting The Lost Billionaire

Babysitting The Lost Billionaire

Nang gabing iniwan si Dominic ng kanyang kasintahan ay siyang nakatagpo rin niya ang babaeng walang malay at sugatan, nang magising ay walang maalala at bumalik ang pag-iisip sa pagkabata. Hindi akalaing ang babaeng 'yon ay isa pa lang bilyonarya, binalik niya ang dalaga kapalit ng pera para maipagamot ang tatay-tatayan. Sa paglipas ng taon ay nanumbalik ang alaala ni Amara ngunit hindi na niya maalalang nakilala niya minsan sa buhay niya si Dominic. Hanggang sa isang araw ay muling nagkrus ang kanilang landas, aplikante sa kanyang kumpanya ang lalaki. Nang maging secretary niya ito ay pinatuloy rin niya sa mansion niya si Dominic na siyang naging simula ng muling pag-usbong ng kanilang pagmamahalan. Ngunit ito’y masisira sa isang rebelasyon na si Dominic pala ang nawawalang anak ng bilyonaryo at sikat na businessman na siya ring dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Amara.
Romance
10240 viewsOngoing
Read
Add to library
Love Between Lies

Love Between Lies

Ang buong akala ni Hikkary ay wala nang katapusan ang ligaya sa piling ng pinakamamahal na kasintahang si Zayden, ngunit nagkamali siya dahil nagwakas iyon nang malaman niyang pareho sila ng kanyang matalik na kaibigan ng lalaking minahal. She painfully ended their relationship and sacrifice her happiness just to please her best friend. Sa lahat ng desisyon na nagawa niya, iyon na siguro ang pinakamahirap at pinakamasakit— ang magparaya para sa kasiyahan ng taong itinuturing niyang pamilya. Ngunit hanggang saan siya pwedeng magparaya? Hanggang saan siya magsisinungaling sa totoong nararamdaman niya? Titikisin na lang ba niya ang sariling damdamin para sa kasiyahan ng iba?
Romance
1014.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage By The Crippled Billionaire

Contract Marriage By The Crippled Billionaire

Claxiin
Nag-umpisa ang lahat nang magkaroon ng contract marriage si Amanda at Jayden. Kontrata na babago sa buhay ni Amanda. Ngunit sa kasabay ng pagbabagong ito ay ang pagbabago din ng damdamin niya para sa binata. Malinaw ang naging usapan nila, ito ay hanggang kontrata lamang ang mayroon sila. Ngunit naging mapusok silang dalawa, nagpalunod sila sa tawag ng laman. Kaya nang bumalik ang babaeng minamahal nito nakalimutan niya ang tungkol kay Amanda. Paano kong sa paglipas ng mga taon ay muling bumalik si Jayden sa buhay nila ng anak? Muli ba silang magtatago at lalayo o haharapin nila ang taong ilang taon niyang tinaguan ng anak?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status