Bullets and Roses

Bullets and Roses

last update最終更新日 : 2023-09-06
作家:  MissChievous連載中
言語: Filipino
goodnovel16goodnovel
評価が足りません
11チャプター
753ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

When Eliz decided to return to the Philippines, she doesn't think that there will be a plot twist in her life. On her return, she enters the school of his Grandfather Sevastian unbeknownst to her there is a secret hidden from her. Eliz's desire for a peaceful life will never be hers. Even if her grandfather wants to keep ELiz away from the world she shouldn't have discovered, it only puts Eliz's life in more danger. Does Eliz's kind and soft heart really fit in a world full of violence? Gangster? Mafia? What will she choose... bullet or roses?

もっと見る

第1話

Chapter 1: She Is Back

Eliz’s Point of View

"Hello po Lo, nakalabas na po ako sa airport. " Marahan kong tinunton ang daan sa may sidewalk at naghanap ng lugar kung saan ay kakaunti lamang ang tao. Sandaling tiningnan ko ang screen ng cellphone ko.

 Pasado alas-kwatro narin pala ng hapon? Bakit parang ang tagal naman ng naging byahe ko sa eroplano? Siguro ay mabagal ang takbo noon. Muli ay nagsalita si Lolo sa kabilang linya. "Hintayin mo kami ni Neil, nasa may intersection na kami."

Kung hindi ako nagkakamali ay sa kabilang kalsada lang iyon. Dapat pala ay dumiretso na ako kanina sa Starbucks para iwas abala. Kakilala ko kasi iyong isang staff sa airport kaya ayon, napasabit ng konti yung bibig ko.

"Okay po hintayin ko na po kayo—ano ba kuya?!" inis na sigaw ko habang mahigpit na hinahawakan ang phone at bag ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa lalaking nasa harap ko, sino pa ba? Eh di yung snatcher. Nag-end call tuloy yung call! Bwiset kasing lalaki ‘to eh, may sasabihin pa ako kay Lolo!

"Akin na ang wallet at cellphone mo!" Tiningnan ko sandali ang lalaking nasa harap ko, snatcher ba talaga ‘to? Pero wala siyang itim na mask eh, wala din na baril o patalim. Pero infairness, hindi siya chaka. Medyo may itsura, bakit kaya ayaw niya mag modeling instead na maging snatcher? Halata naman na mas malaki ang income doon.

"Excited? Sandali okay? Bida-bida ka eh," wika ko. Tinabig ko ang kamay nito na ikinagulat niya. Pero hindi siya natinag at sinubukan na hilahin ang shoulder bag ko.

Anong karapatan niyang hila-hilahin ang mamahaling bag ko?!

"Ano ba kuya?! Yung maleta nalang! Pambili ko pa ‘to ng kape sa starbucks eh!" gigil na sabi ko.

Mahigpit ang hawak ko sa cellphone at lace ng aking bag. Bakla ba ‘tong si kuya? Ang weak naman, ang payat ko kaya tapos hindi pa maagaw sakin ang bag ko. "Ibigay mo na kung ayaw mo masaktan!" pabulong ngunit nagngangalit niyang sabi sa akin. Hindi ako nagpasindak at piningot ang tenga niya ng kaliwa kong kamay.

Napabitaw ito sa akin at naka-hawak sa braso ko, mas hinigpitan ko ang hawak sa tenga niya na namumula na. Mabuti na lamang at walang tao dahil nakaka-hiya ang lalaking ito. Dapat ko ba siyang turuan kung paano ang tamang panghoholdap?

"T-tama na po, i-iba nalang po hoholdapin ko—" Bakas sa pananalita nito ang takot kaya napangiti ako.

"Eliz? Sino iyan?" Nabigla ako dahil nasa tapat ko na pala ang kotseng susundo sakin kasama si Lolo Sevastian.

"Ah, nakikitawag lang po, wala siyang load eh," naka-ngiting sabi ko sabay bitaw sa lalaki. Muntik pa nga itong mapasalampak sa may halamanan.

Mabilis itong kumaripas ng takbo pa-alis sa kinatatayuan naming dalawa. Lumingon pa ito sa akin pero kinawayan ko lang siya. Unti-unti ng ipinasok ni kuya Neil yung mga maleta ko sa likod ng kotse, mabuti na lamang at nagkasya ang lahat ng iyon.

 Nagbilin kasi yung pinsan ko ng mga chocolates at sapatos kaya binilhan ko. And sino ba naman ako para tumanggi sa pinaka-gwapo kong pinsan hindi ba?

Nang masiguro ko na matagumpay na naisakay lahat ng mga dala ko ay pumasok na ako sa kotse dahil medyo late na din kami.

"Kamusta ka naman apo? Wala bang nangyare sayo?" napatigil ako at umayos sa pagkaka-upo dahil sa tanong ni Lolo Sevastian. Wala naman hindi ba?

"Wala naman po," sabi ko.

"Good. Mag-ingat ka at iwasan mo ang gulo, ayusin mo na ang buhay mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lolo, humarap ako sa kabilang side para hindi makita ni Lolo ang mukha ko. Mukha bang hindi maayos yung buhay ko? Minsan ang sarap ihulog nung pustiso niya sa inidoro. May tinik yata ang utak ni Lolo eh.

Siguro, kaya lang ako madalas ma-kidnap dati ay talagang naghihirap na ang mga tao, in that case, kailangan talagang kumapit sa patalim. At tsaka hindi ko kasalanan kung lagi akong nakikidnap or something.

Pero… Hindi ko na mapigilan ang matawa dahil naalala ko noon, labing-anim na taon ako ng aksidente kong nasagi yung baso na pinaglalagyan ng pustiso ni Lolo…at nalaglag 'yon sa inidoro. Hindi ko iyon sinabi kay Lolo pero hinugasan ko naman eh.

"Anong nakakatawa Eliz? Hindi biro ang mga paalala ko sa iyo," wika ni Lolo at seryosong tumingin sakin.

"Yung pustiso niy—este, yung ano po…wala." Itinikom ko ang bibig ko at nagseryoso na. Baka mamaya ay pabalikin pa ako nito sa Japan, mahirap na. Pinagmasdan ko mula sa bintana ang tao, ang paligid…wala paring pagbabago. Ito na ba yung best? Ibang-iba ang Pilipinas kumpara sa Japan.

*

"Bakit tayo nandito Lolo? Don’t tell me na papasok po ako, eh end of school year na po." Iginala ko ang aking mata sa paligid ng campus na pag-aari ni Lolo Sevastian.

Wala paring pinagbago, ma-aliwalas ang pakiramdam dahil sa mga malalaking puno na naka-pwesto sa gitna ng campus. Nakaka-agaw pansin din ang malaking fountain sa may harap ng isang malaking building.

"Ah Lolo—huh? Nasaan na?" Halos mabali ang leeg ko sa kakahanap kay Lolo. So kanina pa ako dito walang kasama? Napabuntong-hininga na lamang ako at naglakad sa kung saan man. Bahala na kung saan ako makarating, hindi naman siguro ako maliligaw.

Hindi naman kasi ganoon kalaki ang lugar na ito, pero kahit na ganun, sobrang mahal ng tuition nila dito. Kahit isa ako sa apo nitong may-ari ng school, syempre hindi ako nagte-take advantages. As long as gusto kong tignan nila ako bilang isang ordinaryong estudyante, mukhang mahihirapan ako doon.

"Ano ba naman ito…?" nakatulalang sabi ko at pinagmasdan ang isang malaking tarpaulin. Tarpulin ko!

At ako pa talaga ang ginawang model ng Cortejo Campus?! Alam ko naman na maganda ako pero, anong size ba ng tarpaulin na ‘to?! Kalma lang Eliz, wala na sigurong mas malala pa diyan, right? And one more thing, ang bata ko pa sa picture kaya hindi nila makikilala na ako iyan.

Habang tinitignan ko ang tarpaulin ay napadako ang tingin ko sa ibaba, papalapit ang isang lalaki na may kataasan at parang pamilyar ang bulto nito. Parang kinikilala niya pa kung sino ako dahil napansin kong naka-kunot ang noo niya. "Eliz, is that you—Ey!"

Ay nakalimutan ko, siya nga pala ang pinsan ko.

"Siguro hindi ako ito no? My gosh Nathan," naka-krus na braso kong sabi at tiningnan siya ng masama,"Care to explain that...to me. Now."

"Ano ka ba naman? Ang ganda kaya, tsaka meron pa niya doon sa may likod ng—" Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko dahil baka ikasira lang buhay ko ang mga sasabihin niya, duh~?

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

コメント

コメントはありません
11 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status