Share

Chapter 9: Hug

Lyca’s point of View

“Kamusta naman po si Sandra? Okay na ba ang braso niya?”

Pinagmasdan ko mula sa mga dinadaanan naming mga bintana ang mga batang naglalaro sa labas. Ang iba sa kanila ay nasa playground at karamihan naman ay nasa ilalim ng napakalaking puno.

“Mabuti na ang lagay ni Sandra, dalawang araw na ang nakakaraan simula noong tinaggal ang cast sa braso niya,” paliwanag ni Theresa, ang nagpapatakbo nitong bahay-ampunan.

“Eh si Jacob? Hindi ba sinabi mo na may naghahanap sa kanya?” tanong ko.

“Kakaalis lang ni Jacob noong isang linggo, mayaman pala ang parents niya? Ang balita ko ay nagpunta sila ng Germany.”

“Ohh, mabuti naman at kahit paaano ay alam nating may maganda siyang buhay kasama ang mga tunay niyang magulang,” wika ko. Nabawasan tuloy ng gwapo dito sa ampunan, isa kasi si Jacob sa pinaka-cute at pinaka-pogi dito, bukod pa doon ay joker pa.

“Kuya! Kuya Nathan!” Napalingon kaming tatlo dahil sa isang matinis na boses na uma-alingaw-ngaw sa buong hallway. Is that Jes
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status