Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Silakbo

Silakbo

Sa mata ng publiko, si Gavin De La Vega ay larawan ng isang perpektong lalaki makapangyarihang bilyonaryo, matagumpay na negosyante, at tapat na asawa ng elegante at magandang si Helena De La Vega. Nababalot ng karangyaan at inggit ang kanilang buhay, tila isang pag-iibigang walang bahid ng pagkukulang. Ngunit sa likod ng marangyang tahanan at perpektong imahe ay isang kasal na matagal nang unti-unting namamatay. Sa loob ng maraming taon, pilit na binuo ni Helena ang pamilyang matagal nilang pinangarap, ngunit kasabay ng paglipas ng panahon ay lumalim ang pagitan nilang mag-asawa. Ang tahanang minsang puno ng pagmamahalan ay napalitan ng pananahimik, galit, at mga sugat na hindi kailanman tuluyang naghilom. Hanggang sa dumating si Elyse Valencia. Isang simpleng babaeng walang pakialam sa kayamanan, kapangyarihan, o apelyidong De La Vega. Sa piling ni Elyse, muling natagpuan ni Gavin ang init ng pagmamahal at kapayapaang matagal na niyang hinanap. Ngunit ang relasyong isinilang mula sa lungkot at pangungulila ay mabilis na naging isang bawal at mapanganib na pagnanasa. Alam ni Elyse na mali ang mahalin ang lalaking may asawa. Ngunit sa bawat pagtatangkang lumayo, mas lalo siyang hinihila pabalik ng damdaming hindi niya kayang takasan. Nang mabunyag ang kanilang lihim, unti-unting nilamon si Helena ng desperasyon at takot na mawala ang mundong maingat niyang binuo. Dahil para sa isang babaeng matagal nang nakipaglaban upang manatili sa tuktok, ang pagkawala ni Gavin ay hindi simpleng kabiguan isa itong pagkawasak na hindi niya hahayaang mangyari Sa gitna ng pag-ibig, pagtataksil, at nakalulunod na obsession, sino ang tunay na magiging biktima ng silakbong hindi nila kayang pigilan SILAKBO — isang madilim at mapusok na kuwento ng bawal na pag-ibig, pagkahumaling, at pusong handang manakit… para lamang manatili sa taong pinakamamahal
9169 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang numero ng panaginip
Read
+Library
POSSESSED BY THE DON

POSSESSED BY THE DON

Sa gitna ng isang malamig at maka pangyarihang mansion, pumasok si Ysabel Aragon isang babaeng hindi lang basta nanny, kundi si Vivienne Calista Montclair, na nagbago ng pagkakakilanlan upang makapasok sa mundo ng mga Whitmore. Ang tunay niyang pakay ay hindi trabaho, kundi isang lihim na misyon ang makalapit kay Aurelius Whitmore, ang kinatatakutang Don na posibleng may kinalaman sa pagkawala ng kanyang ina. Ang trahedyang iyon ang nagbago sa buong buhay niya, kaya sa likod ng bagong pangalan at bagong katauhan, matagal niyang pinagplanuhan ang bawat hakbang para makapasok sa buhay ng lalaking kinamumuhian niya. Sa mata ng lahat, isa lamang siyang simpleng nanny, pero sa likod nito ay isang babaeng puno ng galit, sakit, at matinding paghahanap ng katotohanan. Ngunit sa pagpasok niya sa mansion ng mga Whitmore, hindi niya inaasahang may batang si Isabella na unti-unting babago sa direksyon ng kanyang misyon. Sa halip na malamig at magulong kapaligiran, nakita niya ang isang inosenteng bata na dahan-dahang nagbubukas ng pinto ng tiwala at emosyon na matagal nang nakasara sa kanya. Habang mas lumalalim ang koneksyon ni Ysabel kay Isabella, mas nagiging komplikado rin ang kanyang misyon dahil unti-unti siyang nahihila sa misteryosong si Aurelius. Isang lalaking puno ng kapangyarihan, panganib, at madilim na nakaraan-na sa bawat titig ay unti-unting sumisira sa matitibay niyang depensa. Sa pagitan ng paghihiganti, lihim na pagkakakilanlan, at unti-unting pagkapit ng damdamin, nagiging mas magulo ang lahat. Hanggang saan niya kayang panindigan ang kanyang misyon kung ang puso niya mismo ang unti-unting kumakalaban dito? At sa mundong puno ng kasinungalingan at kapangyarihan... sino nga ba ang tunay na kalaban ang Don o ang sariling damdamin niya?
738 viewsOngoingIdinagdag sa Library 22 Beses bilang numero ng panaginip
Read
+Library
THE LOVE AFTER SECRET

THE LOVE AFTER SECRET

Sa isang gabing binalot ng alak, lihim, at pagkakamali, nabago ang kapalaran ng dalagang si Vienna Reign Gonzalez-isang bihasang secret agent na sanay itago ang emosyon sa likod ng malamig na titig at matatag na puso. Isang gabi ng labis na kalasingan ang naging dahilan ng isang hindi inaasahang bunga: isang buhay na lumalaki sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang mas masakit na katotohanan-ang ama ng kanyang anak ay ang lalaking itinalaga niyang patayin. Si Devereux Blue Ace Guevara Montague-isang makapangyarihan, misteryoso, at kinatatakutang pangalan sa ilalim ng mundo. Isang lalaking puno ng sikreto, kapangyarihan, at mga kasalanang maaaring gumiba sa buong sistema. Siya ang target. Siya ang kalaban. Siya rin ang ama ng batang dinadala ni Vienna. Habang lumalalim ang misyon, mas lalo ring gumugulo ang kanyang puso. Sa pagitan ng tungkulin at damdamin, galit at pagnanasa, Vienna ay mapipilitang pumili: Barilin ang lalaking kinamumuhian niya... o iligtas ang pamilyang hindi niya inaasahang mabubuo. Sa mundong puno ng baril, dugo, at pagtataksil-maaaring ang pinakamapanganib na misyon ay hindi ang pumatay... kundi ang umibig.
407 viewsOngoingIdinagdag sa Library 12 Beses bilang numero ng panaginip
Read
+Library
My Mom's Boyfriend (Filipino)

My Mom's Boyfriend (Filipino)

Angela was surprised when her mom introduced her boyfriend to her one day. Akala niya matanda na ang boyfriend nito ngunit kabaliktaran ang nangyari. Her mom has a boyfriend younger than her. Mukhang ka-edad lang niya ang guwapo at hot na boyfriend ng mommy niya. Unang kita pa lang niya sa boyfriend ng mommy niya na ang pangalan ay Edward nakaramdam na siya ng kakaibang attraction. In short, na-in love siya rito. Ano'ng gagawin ni Angela na minamahal niya rin ang lalaking iniibig ng mommy niya? Ipagpapatuloy pa ba niya ang pagmamahal na nararamdaman dito? Paano kung ipagpatuloy niya ang nararamdaman na pagmamahal kay Edward? Paano kung 'yon ang maging dahilan ng pagkasira ng magandang relasyon nila ng mommy niya? Angela needs to choose between her mom and the man she loved.
18.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 579 Beses bilang numero ng panaginip
Read
+Library
SPIN THE BOTTLE

SPIN THE BOTTLE

Elo Arm
Masayang magkaroon ng mga kaibigan, may kadamay ka sa lahat ng bagay, may kakampi ka sa lahat ng pagkakataon, may kaagapay sa oras ng problema at higit sa lahat may kasama kang harapin ang laro ng buhay. Pero paano kung magkakasama kayong masangkot sa isang laro? Isang larong nakasalalay ang inyog buhay. Isang larong hindi niyo alam kung sino ang taya. Isang larong babago sa orasan ng buhay. Isang bote! Isang boteng magsisilbing orasan, Isang boteng magdidikta nang inyong katapusan, Kung sinong matapatan at matigilan siyang mawawalan ng tuluyan. Ngunit isang paraan! Isang paraang magpapatigil sa pag-ikot nito, ang hahanap sa taya ng katakot-takot na laro, at ito ay ang sundin ang kaisa-isaang patakaran, ...at ang Ultimate Rule: "Trust No One" Ikaw sinong pingkakatiwalaan mo???
106.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 179 Beses bilang numero ng panaginip
Read
+Library
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1021.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 430 Beses bilang numero ng panaginip
Read
+Library
ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

Nagkaroon ng aksidenteng one-night stand sina Andrew Sandoval at Hanna Williams limang taon na ang nakalilipas, at hindi makalimutan ni Andrew ang katawan ni Hanna. Hindi niya maabot si Hanna dahil sa kaguluhan ng pamilya na dulot ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama. Pagkalipas ng limang taon, kinuha ni Andrew ang negosyo ng pamilya at natagpuan si Hanna, na baon sa utang sa pagsusugal ng kanyang ina. Iniligtas siya ni Andrew at tinulungan siyang magbayad ng pera, na naging may utang kay Hanna. Pinakiusapan niya itong maging manliligaw ngunit tumanggi ito dahil may nobyo ito. Nakipagpustahan si Andrew kay Hanna na iiwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera, at sa kanyang pagtataka, iniwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera. Single siya pero hindi pumayag na maging manliligaw ni Andrew. Lalo siyang kinaiinisan dahil ginulo nito ang kanyang mapayapang buhay.
2.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 61 Beses bilang numero ng panaginip
Read
+Library
Forbidden Flame

Forbidden Flame

Alam niyang mali, pero hindi kayang pigilan ng puso niya. Si Yanna, lumaki sa marangyang mundo ng mga Del Rosario—isang pamilyang kilala sa yaman at kapangyarihan. Pero sa likod ng bawat ngiti ay mga lihim na hindi dapat mabunyag. At sa gitna ng kaguluhan, nakilala niya si Lucien—ang tahimik, mapanganib, at misteryosong anak sa ikalawang asawa ng kanyang lolo. Ang lalaking dapat ay ituring niyang pamilya… ngunit siya rin ang lalaking nagturo sa kanya kung gaano katamis at kasakit ang bawal na pag-ibig. Isang gabing puno ng pagnanasa ang nagbago sa lahat. Ngayon, isang taon na ang lumipas, dala ni Yanna ang isang lihim na magpapabagsak sa buong pamilya nila—ang bunga ng kasalanang hindi na niya matatakasan. Sa pagitan ng pag-ibig at pagkakasala, alin ang pipiliin niya? Ang itago ang katotohanan… o ang ipaglaban ang apoy ng pag-ibig na pinagbabawal ng mundo?
392 viewsOngoingIdinagdag sa Library 9 Beses bilang numero ng panaginip
Read
+Library
The Boss's Sexy Secretary

The Boss's Sexy Secretary

L.Jane
Ang dati’y mataba at pangit na asawa ng isa sa pinaka mayaman na businessman ay biglang nagbalik bilang sexy at napakagandang secretary ng isang Axle Lee. Dahil sa pagtataksil ng asawa niya ay umalis si Natty upang bigyan ng oras na mahalin ang sarili niya. Pagkatapos ng ilan’g taon ay muli siyang nagbabalik bilang isang sexy at fierce na secretary ng isa sa pinaka kinatatakutang businessman sa buong mundo. Upang makaganti sa dating asawa ay binigyan ni Natty ng offer ang nakakatakot na businessman. She will help him bring Reese down, if he will only accept her as his Secretary.
1.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 67 Beses bilang numero ng panaginip
Read
+Library
Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)

Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)

Isang CEO na isa rin sa mga pinuno ng mga sundalo, nakipag-kontrata ng kasal sa isang inosenteng babae. Dumaan ang ilang buwan ay unti-unti silang nahulog sa isa't isa. Subalit, bumalik ang kanyang Ina at ginawa ang lahat upang mawala sa buhay ng kanyang anak ang inosente na babae. Ngunit, walang ibang nagawa ang CEO kundi ang ipaglaban ang babaeng iniibig niya. Subalit, dumating sa puntong pinagtangkaan ng kanyang Ina ang buhay ng iniibig nito. Magagawa pa rin bang manatili ng CEO sa tabi ng iniibig niya? O pakakawalan na lamang niya para sa kaligtasan?
9.92.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 50 Beses bilang numero ng panaginip
Read
+Library
PREV
1
...
3536373839
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status