تسجيل الدخولSa isang gabing binalot ng alak, lihim, at pagkakamali, nabago ang kapalaran ng dalagang si Vienna Reign Gonzalez-isang bihasang secret agent na sanay itago ang emosyon sa likod ng malamig na titig at matatag na puso. Isang gabi ng labis na kalasingan ang naging dahilan ng isang hindi inaasahang bunga: isang buhay na lumalaki sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang mas masakit na katotohanan-ang ama ng kanyang anak ay ang lalaking itinalaga niyang patayin. Si Devereux Blue Ace Guevara Montague-isang makapangyarihan, misteryoso, at kinatatakutang pangalan sa ilalim ng mundo. Isang lalaking puno ng sikreto, kapangyarihan, at mga kasalanang maaaring gumiba sa buong sistema. Siya ang target. Siya ang kalaban. Siya rin ang ama ng batang dinadala ni Vienna. Habang lumalalim ang misyon, mas lalo ring gumugulo ang kanyang puso. Sa pagitan ng tungkulin at damdamin, galit at pagnanasa, Vienna ay mapipilitang pumili: Barilin ang lalaking kinamumuhian niya... o iligtas ang pamilyang hindi niya inaasahang mabubuo. Sa mundong puno ng baril, dugo, at pagtataksil-maaaring ang pinakamapanganib na misyon ay hindi ang pumatay... kundi ang umibig.
عرض المزيدPauwi na ako at marami akong nakitang mga bata. Nakakaawa sila. Binigyan ko sila ng pera para naman makabili sila ng makakain nila. Nang makarating ako sa bahay, bukas pa ang ilaw at pagkapasok ko ay nakita ko ang sasakyan ko.Agad kong naalala na kailangan ko palang sunduin ang anak ko. Papasok sana ako sa loob ng kotse nang may marinig akong tawanan sa loob ng bahay kaya naman dali-dali akong pumasok.“But you gave me this one, Raina.” Rinig ko ang boses ng isang pamilyar na tinig.Pagkapasok ko ay nagulat ako nang makita ko kung paano ka-sweet si Gabriel at ang anak ko. Napangiti ako dahil sa nakita ko. Magkasundo talaga sila, pero kapag iniinis ni Gabriel si Raina, nagagalit ito at nakikipagtalo pa. But I told her na huwag ganoon sa tito niya kahit iniinis pa siya—show some respect, nakakatanda pa rin iyon sa kanya.“But Daddy, I want that. Can I have it again?” naka-pout na wika ng anak ko kaya napa “ow” ako.Tinawag na niyang Daddy si Gabriel, eh ang tawag naman ng anak ko kay G
Pagkatapos kong ihatid ang anak ko ay umalis na rin ako sa paaralan upang bumili ng mga groceries. Mabilis kasing talagang maubos kapag nasa bahay lang si baby Raisa, kaya ngayon mag-groceries ako.Matagal pa akong nakarating sa grocery store dahil sa sobrang traffic. Wala rin naman akong alam kung saan ang daan na direct, kaya mag-aantay na lang. Mga ilang oras na ako at hanggang ngayon andito pa rin sa pwesto ko. Napakaraming sasakyan sa unahan ko, kaya nakaisip naman ako ng paraan.Dahil walang sasakyan sa gilid ng pwesto ko, agad akong lumiko at maghahanap na lang ako ng ibang daan. Habang tinatahak ko ang daan pabalik, may napansin ako sa isang kalye—may grupo ng mga lalaki, at napansin ko ang batang babae na tansya ko ay nasa mga 17 years old pa ito.Napaawang ang labi ko at hininto ang kotse. Pinagmasdan ko pa ang mga ito hanggang sa hindi ko na matiis—may ginagawa sila sa bata. Pinarada ko ng maayos ang kotse ko bago bumaba at dahan-dahang naglakad sa kalye.Napakunot ang no
Nakangiti akong naglalakad habang may dalang ice cream sa anak ko. Ito, 2 weeks had passed. Nakalimutan ko na rin ang nangyari, pero hindi ko pa rin nalutas ang problemang kung sino ang bumaril kay Brown.Nailibing na rin si Brown, at syempre nakakalungkot. Kahit pa man marami siyang nagawang mali, tao lang din naman siya-nagkakamali. Mabait talaga ako, kaya minsan hindi ko tinutuluyan ang bawat makakaharap kong kalaban dahil naniniwala akong magbabago sila.Napahinto ako muli nang makita ang isang pamilyang ngayon ay nakangiti. Sa pagkakataong ito, nakaharap na sila kaya kitang-kita ko. Ang pamilyang kinikilala ko, ang pamilyang nang-iwan sa'kin, ang pamilyang nagpalayas sa'kin sa sarili naming bahay.Tinitigan ko sila. May batang hawak si Daddy habang tuwang-tuwa pa silang tatlo. Parang dati, kami lang tatlo iyon. Pero ngayon, bakit may bata sila? Siguro noong mawala ako at pumunta sila sa ibang bansa ay nabuntis ulit si Mommy.Nakatitig lamang ako sa kanila habang hindi ko namalaya
Habang nag-aayos ako para umalis na papunta sa trabaho ko ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwal doon ang anak kong babae, nakasimangot siyang nakatingin sa’kin na ikinakunot ng noo ko.“What happened, baby girl?” I ask.“Tito Gab always annoys me, Mom. I don’t like him to be my nanny today,” reklamo nito.“Anak, hindi mo siya nanny. Tito mo siya,” saad ko.“But I don’t really like him.”“Hala ka, sige. Gusto mo bang ayaw na niyang pumunta dito? Wala nang magtatanggol sa’ten?” saad ko na ikinatingin niya sa’kin.“Tito Gab is gonna leave us?” she asked, so I nodded.“No, he can’t,” saad niya at tumakbo palabas. Alam ko na sa tito niya siya tatakbo. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos sa sarili.Limang taon na ang lumipas at ang daming nangyari sa buhay ko. 24 years old na ako at napalaki ko naman nang maayos ang anak ko, apat na taon na. Pinanganak ko siya noong 19 years old pa lamang ako. Mahirap iyon dahil bata pa ako at walang kaalam-alam sa buhay-ina. Mabuti






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.