Share

CHAPTER XXXI - The Hurtful Truth

Annie's POV

"Anong ibig sabihin nito?" takang tanong ni Jerry

Halos bawian na ako ng hininga ng makitang babarilin ni Zhelle si Leigh, halos hindi ako tumingin ng iputok niya ang baril, akala ko tuluyan nang namatay si Leigh pero nagulat nalang ako ng bumangon siya at tumawa gaya ni Zhelle.

Hindi ko maipaliwanag kung anong nangyayari at anong palabas itong ginagawa ni Leigh sa amin, nagtataka kami kung bakit siya nakikipagsabwatan kay Zhelle, anong dahilan niya para gawin iyon.

"Well bago ko sagutin ang tanong na 'yan-" pinutol niya ang sasabihin niya at pinulot ang isang mahabang kahoy.

"...gusto ko muna kayo makumpleto" pumuwesto siya sa likod ni Zhelle at ikinagulat namin ang sunod na ginawa niya, pinukpok niya nang malakas sa likod si Zhelle na mabilis na ikinawala nito nang malay.

Nang bumagsak ito sa sahig ay tinapik niya ito sa pisngi.

"Sorry girl ha! Pero hindi na kita kailangan" binuhat niya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status