Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
IMITATION.

IMITATION.

TITLE: IMITATION. Destiny and Serenity are identical twins who were raised in different environments and statuses. Isang lumaki sa hirap at ang isa ay lumaki sa karangyaan. Isang malubhang karamdaman ang dumapo kay Serenity dahilan upang mapilitan si Destiny na pumalit sa pwesto ng kakambal bilang fiance ng isang Andress Montefalcon. Andress Montefalcon, a young business tycoon of his generation, serves as the CEO of Montefalcon Corporation. Andress and Serenity were set to marry as part of their family agreement. Despite being an arranged married couple, Andress and Serenity fell in love with each other. Pagkaraan ng ilang araw nang kasal ay isang lihim ang natuklasan ni Andres sa katauhan ng kanyang asawa. Isang lihim na yumanig sa kanyang buong pagkatao at isang lihim na naging dahilan ng matinding sakit at poot. Hanggang saan dadalhin ng poot at galit si Andres sa kanyang asawa? At hanggang saan ang kayang pagtitiis ni Destiny? Handa bang talikuran ni Destiny si Andres gayong hulog na hulog na siya rito? Hanggang saan ang kaya niyang pagtitiis gayong sa araw-araw ay pinapamukha sa kanya ni Andres na isa siyang mapagkunwari at huwad? Will Destiny choose to stay beside the man he loves and choose to be an IMITATION of her twin Serenity? Will love prevail over hatred ang pain?
Romance
1022.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
A PERFECT MISTAKE

A PERFECT MISTAKE

GINAWANG PAMBAYAD sa utang si Yza ng kanyang ama. Masamang-masama ang kanyang loob, kaya nilunod niya ang sarili sa alak. Sa sobrang kalasingan ay natumba siya ngunit bago pakinabangan ng matigas na simento ang malambot niyang katawan ay nasalo siya ng lalaking estranghero. Kinabukasan ng magising siya ay nagimbal si Yza sa kanyang natuklasan. Wala siya sa sariling kwarto. Higit sa lahat hubo’t hubad din siya. Naramdaman niya rin ang munting kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. She’s lost her virginity… Sa lalaking hindi man lang niya namukhaan. Ang isang gabing pagkakamali ay nagbunga. Paano na siya? Gayon naglayas siya sa kanila at pagala-gala na lamang siya sa kalsada… She’s meet Manuel ang lalaking hindi yata marunong ngumiti at ubod ng suplado. Naging Knight and shining armor niya ang binata... Nakahanda akuin ni Manuel, ang anghel nasa sinapupunan ni Yza. nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Manuel at Yza. Pero dahil sa natuklasan ni Yza ay hindi natuloy ang kasal. At pagkalipas lamang ng ilang linggo ay nagpakasal si Yza sa ama ng binata,kay Don Hector...
Romance
109.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaires Virgin Whore

The Billionaires Virgin Whore

Bata pa lang si Asia ay nais na niyang maging isang mahusay na Doctor ngunit dahil kapos palad ay hindi na niya natuloy ang pag aaral at huminto sa ika dalawang baitang sa highschool. Labing limang taong gulang lamang si Lauren ng maulila sa ina na namatay sa isang aksidente habang papauwi galing trabaho, aside from her father people in their area believe that Asia is a daughter of an Italian man who left her mother after impregnating her. Dahil menor de edad at ulila ay dinala si Asia sa orphanage dahil wala pa siyang kakayahan na buhayin ang sarili. Asia Argento became aloof, the once joyful kid became a silent and mysterious one. Till she decided to escape that orphanage. Binuhay ni Asia ang sarili ng mag isa naging palaboy ng ilang taon till she reach her twenties and work in a bar named Luscious Club Asia thought that her job is just a waitress but she didn't realize her boss is selling pleasure in that place till Loki De Silva paid a price that no one can reach for a night of pleasure. She was a prisoner of that ruthless billionaire and when she get the chance to finally escape she bears in her womb his kid.
Romance
7.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
Romance
1.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.524.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

Jewiljen
Bata pa lang ay alam na nilang ipinagkasundo silang dalawa ni Sky. Pareho na nilang tanggap iyon. Ang musmos na puso niya ay hindi na makapaghintay na dumating ang araw na siya'y magiging ganap na Mrs. Razon. Ngunit nagbago ang lahat nang umeksena sa buhay nila ang pinsan niyang si Audrey. Pinapayagan ng mga magulang nila ang makipagrelasyon muna sa iba hangga't hindi pa dumating ang takdang araw na iaanunsiyo ang pormal nilang engagement. Pilit na itinatago ng dalawa ang relasyon nila pero alam na alam ng puso niya ang katotohanan. Wala rin naman siyang karapatang pigilan iyon kahit nasasaktan na siya. Naganap pa rin ang kasal nila ni Sky kahit pa nga alam niyang may iba itong mahal. Nagrebelde ang batang puso niya na naging dahilan ng paglayo ni Sky ng pitong taon. Sa pagbabalik nito ay nagulat na lang siya nang ianunsiyo ng asawa ang nalalapit na kasal nito sa first love nitong si Audrey. Paano nga ba niya hahadlangan iyon gayong nalaman na lang niyang peke pala ang kasal nila? Dala-dala niya ang apelyido nito sa loob ng ilang taon kahit wala naman pala siyang karapatang tawaging Mrs. Braillene Razon.
Romance
1066.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Daddy Boss

My Daddy Boss

Pinagpalit si Lenie ng kanyang ex-boyfriend na si Dexter kaya naman humingi siya ng tulong sa kaibigang si Alice para lumipat ng trabaho at makapagsimula ulit ng bagong buhay. Pero, pati si Alice ay niloko rin siya dahil iniwan nito ang baby niya kay Lenie at umalis nang walang paalam. Para mabuhay niya si Javi ay nag-apply siya sa kumpanyang pinapasukan ni Alice noon. Nang matanggap naman ay di niya inakalang mamahalin siya ng kanyang boss na si Alexis Ramirez. Hindi nagtagal ay napamahal na rin siya rito. Kaya lang, may isang sikreto siyang hindi sinasabi kay Alexis. Bawal kasi ang empleyadong may anak sa kumpanya ni Alexis. Hindi alam ni Lenie kung paano ipapaliwanag sa kanyang boss ang kanyang sitwsyon. Habang iniisip kung paano ang kanyang magiging solusyon sa problema ay bigla namang bumalik ang kanyang dating kaibigan na si Alice para bawiin ang anak. Dahil ilang taon na rin niyang nakasama si Javi ay sobrang nahirapan siyang isauli ang bata sa tunay nitong ina. Para hindi malayo kay Javi ay humingi na ng tulong si Lenie kay Alexis. Ang hindi alam noong dalawa na sa simpleng pagtulong ni Alexis ay sobra palang dami ang mababago sa relasyon at buhay nila.
Romance
1011.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Painful love

Painful love

“First Love Never Dies,” sabi nila. Kaya naman kahit lumipas na ang ilang taon ay iisang babae pa rin ang nasa puso't isipan si Andrew Herras, iyon ay ang ex-girlfriend niyang si Mara Salandanan. Ikakasal na sana ang dalawa noon, ngunit hindi sumipot ang nobyo sa araw ng kanilang kasal at simula noong araw na iyon ay hindi na nagpakita o nagparamdam pa si Andrew kay Mara. Nagsimula siyang magalit sa kanya. Kinamumuhian niya ito na halos gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo na sana hindi na lang niya nakilala si Andrew. Pagkatapos ng maraming araw, buwan at taon. Pinagtagpo ulit sila ng tadhana. Pero sa mga sandaling iyon, nakahanap na siya ng iba. Alam niyang ikakasal ito sa ibang lalaki at alam din niyang mas better ang lalaking ipinalit nito sa kanya. Ngunit hindi pa ito ang huling kabanata para sa kanilang dalawa ni Mara. Dahil si Andrew, naniniwala na hindi pa huli ang lahat para makabawi siya sa mga pagkakamaling nagawa niya noon sa dating kasintahan. Mapipigilan ba niya si Mara na magpakasal sa iba? O tuluyan na siyang buburahin ni Mara sa kanyang puso at alaala? *** PAINFULLOVE 2021AllRightsReserved_CAT LYN
Romance
109.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
CARMELLA

CARMELLA

"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito at binaggit nanaman nito ang pangalan nya."O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya, wala sa loob na napa atras sya at nagpatuloy ito sa paglapit at pag atras naman ang sa kanya hanggang sa madikit sya sa kahoy na dingding. "Kilala mo ko alam ko" sabi nito at hiniharang ang dalawang kamay nito sa tabi ng mga balikat nya, tila sya nasukol nito habang nakatingin sa mga mata nya."Bakit oh?" Tanong nya at sinulyapan ang mga nakaharang nitong kamay sa kanya at lumapit pa ito ng isang hakbang at nasasamyo nya ang mainit na hininga nito na tila humahaplos sa mukha nya. Napalunok sya ng ilang beses dahil kahibla lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi nya."Anong ginagawa ng isang Carmella Perez sa loob ng solar ko? Alam mo ba ang pinasok mo? Teretoryo ng kaaway" sabi nito na nagpagulat sa kanya at nanlalaking mga mata napatitig sya rito, kitang-kita nya ang pagbalasik ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya, nakikita nya ang galit at pagkasuklam na nakita nya noon rito limang taon na ang nakakalipas.
9.943.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Married to the Brokenhearted Billionaire

Married to the Brokenhearted Billionaire

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Eliana “Yana” Ledesma. Biglang namatay ang ama, at lahat ng ari-arian nila misteryosong napunta sa kanyang malupit na madrasta. Pinalayas siya at ilang araw syang nagpalabuy-laboy sa kalsada. Isang gabi, muntik na siyang mapahamak… Mabuti na lang ay nailigtas siya ng isang estranghero. Si Adrian Villaverde. Siya ang kasalukuyang CEO ng Villaverde Group. Isang bilyonaryong laging nasa front page ng dyaryo. Hindi lang dahil sa galing niya sa negosyo kundi dahil sa misteryong bumabalot sa pagkawala ng dati niyang asawa na si Leira. Habang nakikituloy si Yana sa puder ni Adrian, nagulat siya nang bigla itong nag-abot ng kontrata na kailangan nilang magpakasal. Hindi kailangan magkaroon ng seremonya, sex, o kahit damdamin man lang. Sa papel lang talaga. Pero habang tumatagal ang pananatili niya sa mansyon, mas dumarami ang tanong kaysa sagot: Pinili ba sya ni Adrian pakasalan dahil kamukha niya ang ex-wife nito? Ano ba talaga ang dahilan ng biglaan na pagkawala ni Leira? At bakit sa bawat kilos ni Adrian, parang may pinipigilan itong sabihin? Kasabay ng paglalapit ng loob nila ni Adrian, isang bagay ang hindi maikaila ni Yana… Mas dumadami ang mga tanong kaysa sagot. Kailangan niyang maging mapagmatyag kung gusto niyang makasiguro na ang lalaking pakakasalan niya ay hindi isang halimaw na nagpapanggap lang.
Romance
159 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2627282930
...
38
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status