The CEO's Unseen Wife
Si Heather ay isang maybahay at hands-on sa lahat ng kailangan ng pamilya niya. Siya ay isang asawa ng CEO na nagmamay-ari ng Madrigal Group of Companies at ilang mga resort sa kamaynilaan na si Cregan Madrigal.
May isang anak sila na ang pangalan ay Erryc, walong taong gulang na at palaging sakitin. Mas gusto nitong kasama ang Tita Febbie na kapatid ni Heather dahil spoiled na spoiled ang bata sa dalaga. Samantalang si Heather ay isang stirktang ina at lahat pinagbabawalan ang anak.
Hanggang sa nagka-anak ulit sila ni Cregan at ni isa sa pamilya nila ay walang nag-asikaso habang nasa labor siya, naroon kasi ang mga ito sa birthday party ng kanyang kapatid na si Febbie.
Doon niya na-realize na wala siyang halaga sa pamilya niya lalo na sa asawa at anak niya. Makakaya pa ba niyang pakisamahan si Cregan at Erryc gayong hindi naman siya ang gusto nitong makasama? o mag-fi-file na lamang siya ng dibursyo sa asawa at magbagong buhay kasama ang pangalawang anak nila?