HOT BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE
Arielle Sarmiento was supposed to marry her long-time boyfriend, Lucas De Leon, but he didn’t show up on their wedding day. And the most painful part? She caught him in bed with her best friend, Bianca Yllana.
Walang ibang nagawa si Arielle kundi magpakalasing sa bar. Doon niya nakilala ang isang lalaking estranghero. Silas Ferrell. Siya mismo ang nagyaya ng one-night stand dahil gusto niyang makaganti at gusto niyang makalimot. Silas didn’t hold back. They shared a night of heat, desire, and reckless abandon. That night, she gave him everything... pati ang pagkabirhen niya.
Kinabukasan ay umalis siya sa condo ni Silas nang walang paalam. Pero pagpasok niya sa bago niyang trabaho, isang gulat ang bumungad sa kanya. Ang lalaking naka-one-night stand niya ay ang boss niya—si Silas Ferrell.
Sa parehong araw, dumaing ang mundo niya. Ang ama niya ay na-diagnose ng congestive heart failure, at kailangan ng emergency surgery. Malaking halaga ang kailangang ilaan. Agad.
Doon siya inalok ni Silas ng sampung milyong piso, kapalit ng kasal.
Tinanggap niya ang alok dahil kailangan niya ng pera. Pumirma siya sa kontrata nang hindi binabasa. Ikinasal sila sa huwes. Pero nang mabasa niya ang kontrata sa bandang huli, natigilan siya. Walong buwang pagsasama bilang mag-asawa. May walong buwan din siyang obligasyon sa kama.
Pero paano kung may mabuo sa pagitan nila?
Paano kung mabuntis siya?
Tatanggapin ba ni Silas ang bata, kung simula’t simula pa lang ay katawan lang niya ang habol nito, at malinaw sa kontrata na hindi siya puwedeng mabuntis?