Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Dirty & Ruined: The Devil I Married

Dirty & Ruined: The Devil I Married

Isang kasal na itinakda ng kontrata. Isang gabing puno ng tukso. Isang lihim na babago sa lahat. Dahil sa desperasyon, napilitan si Seraphina Eloise Madrigal na pakasalan ang mayamang military officer na si Colonel Archimedes Carter. Sa halip na isang tahimik na buhay, natagpuan niya ang sarili sa gitna ng pang-aapi ng kanyang biyenan at ang muling pagbabalik ng first love ng kanyang asawa. Nang piliin ni Archimedes na alagaan ang ex nito, tuluyan siyang lumayo. Pero bago siya tuluyang makawala— isang gabi ng kapusukan ang nag-iwan sa kanya ng kambal. Pagkalipas ng ilang taon, isang lalaking puno ng pagmamahal at kabutihan ang dumating sa buhay niya, si Dr. Wyatt Carter, ang doktor ng kanyang anak. Sa wakas, may isang lalaking tunay na nagmamalasakit sa kanya. Pero isang matinding lihim ang hindi maitatago ng panahong lumipas. Pa’no kung ang dalawang taong nagparamdam sa kaniya ng magkaibang emosyon ay iisa? Ngayon, pipiliin ba niyang lumayo… o manatili sa lalaking may dalawang katauhan—isa na minahal niya at isa na minsang sumira sa kanya?
9633 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as puno't dulo meaning
Read
+Library
POSSESSED BY THE DON

POSSESSED BY THE DON

Sa gitna ng isang malamig at maka pangyarihang mansion, pumasok si Ysabel Aragon isang babaeng hindi lang basta nanny, kundi si Vivienne Calista Montclair, na nagbago ng pagkakakilanlan upang makapasok sa mundo ng mga Whitmore. Ang tunay niyang pakay ay hindi trabaho, kundi isang lihim na misyon ang makalapit kay Aurelius Whitmore, ang kinatatakutang Don na posibleng may kinalaman sa pagkawala ng kanyang ina. Ang trahedyang iyon ang nagbago sa buong buhay niya, kaya sa likod ng bagong pangalan at bagong katauhan, matagal niyang pinagplanuhan ang bawat hakbang para makapasok sa buhay ng lalaking kinamumuhian niya. Sa mata ng lahat, isa lamang siyang simpleng nanny, pero sa likod nito ay isang babaeng puno ng galit, sakit, at matinding paghahanap ng katotohanan. Ngunit sa pagpasok niya sa mansion ng mga Whitmore, hindi niya inaasahang may batang si Isabella na unti-unting babago sa direksyon ng kanyang misyon. Sa halip na malamig at magulong kapaligiran, nakita niya ang isang inosenteng bata na dahan-dahang nagbubukas ng pinto ng tiwala at emosyon na matagal nang nakasara sa kanya. Habang mas lumalalim ang koneksyon ni Ysabel kay Isabella, mas nagiging komplikado rin ang kanyang misyon dahil unti-unti siyang nahihila sa misteryosong si Aurelius. Isang lalaking puno ng kapangyarihan, panganib, at madilim na nakaraan-na sa bawat titig ay unti-unting sumisira sa matitibay niyang depensa. Sa pagitan ng paghihiganti, lihim na pagkakakilanlan, at unti-unting pagkapit ng damdamin, nagiging mas magulo ang lahat. Hanggang saan niya kayang panindigan ang kanyang misyon kung ang puso niya mismo ang unti-unting kumakalaban dito? At sa mundong puno ng kasinungalingan at kapangyarihan... sino nga ba ang tunay na kalaban ang Don o ang sariling damdamin niya?
732 viewsOngoingAdded to Library 26 Times as puno't dulo meaning
Read
+Library
The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)

The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)

Limang taon na ang nakalipas mula nang gumuho ang buhay ni Alice dahil sa pagtataksil at isang gabing nagbago ng lahat. Ngunit sa kanyang pagbabalik, dala niya ang tapang, talento, at determinasyong bawiin ang lahat ng nawala sa kanya. Sa isang mundong puno ng pag-iibigan, panlilinlang, at ambisyon, hanggang saan ang kayang gawin ni Alice para sa hustisya, para sa anak, at para sa puso niyang hindi niya alam kung kanino nabibilang?
103.6K viewsOngoingAdded to Library 134 Times as puno't dulo meaning
Read
+Library
Casablanca Series I: Alexander and His Secrets

Casablanca Series I: Alexander and His Secrets

DonyaLoryanna
Halos pumutok ang litid ni Alexander nang malaman nyang ipapakasal siya ng ina sa isang babaeng bagong salta lang sa kanilang tahanan. Ni hindi niya alam kung saang pamilya ito galing at kung ano ang naging estado nito sa buhay. Kaya ang sagot niya ay "No!" Tumaas naman ang kilay ni Damira nang malaman niyang antipatiko pala ang mapapangasawa kahit na napakagandang lalaki nito. Nagsisisi siya kung bakit sumama pa siya kay Trinity na ina ni Alexander upang makatakas sa masalumuot niyang buhay. Sa nakakontrata nilang kasal, manaig kaya ang pag-ibig lalo na't puno ng sikreto ang pagkatao ni Alexander? Maprotektahan kaya niya ang babaeng madadamay sa isang sigalot na nangyari na dati sa babaeng dapat ay pakakasalan niya?
1.4K viewsOngoingAdded to Library 37 Times as puno't dulo meaning
Read
+Library
THE TEMPTING WOMAN

THE TEMPTING WOMAN

Puno ako ng paghihiganti sa aking sarili! Hindi ko lubos akalain na mangyayari din sa akin ang nangyari sa aking ina!'' Sana Hindi ako nagpadala sa aking emosyon. Sana nanatili akong matapang at hindi iniisip ang salitang paghihiganti! Naging maayos sana ang buhay namin ng aking anak. Kakayanin ko ba o nang aking anak na makita ang kanyang ama na may anak na rin? Sana ''Hindi pa huli ang lahat!''
105.9K viewsCompletedAdded to Library 122 Times as puno't dulo meaning
Read
+Library
Consultant Turned Contracted Wife

Consultant Turned Contracted Wife

Matapos madiskubre ang pagtataksil ng nobyo, si Selena Payne ay nagpakalunod sa alak, isang gabing puno ng pait, galit, at isang hindi inaasahang pagkakamali. Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, hindi niya naisip na mauuwi ito sa isang isang-gabing pagnanasa kasama ang isang estranghero. Nagising siyang walang saplot, puno ng marka ng gabing hindi niya matandaan, at may isang pangyayaring hinding-hindi na mababawi. Ang akala niya, madali na lang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Pero hindi ganoon kadali ang tadhana. Dahil sa isang napakapait na biro ng pagkakataon, ang bagong kliyente niya ay walang iba kundi ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon, Axelius Strathmore, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Bilang isang dating consultant, tungkulin ni Selena na tulungan si Axel makahanap ng babaeng pakakasalan. Pero sa isang hindi inaasahang twist, siya mismo ang inalok nito ng kasal. Isang taong kontrata. Isang kasal na walang emosyon, walang pag-ibig, isang pormalidad para sa parehong interes nila. Pagkatapos ng isang taon, pwede na silang maghiwalay, bumalik sa kani-kaniyang buhay na parang walang nangyari. Pero isang lihim ang hindi alam ni Selena. Binago ni Axel ang kontrata. Dahil natuklasan nitong nagdadalang-tao siya. Buo na ang desisyon ni Axel na sa kabila ng walang pag-ibig sa pagitan nila, gagawin niya ang kanyang responsibilidad at aakuin ito. Ang kasinungalingan na sinabi ni Axel ay unti-unting nabago nang mas makilala nila ang isa't isa. May namumuo sa pagitan nila sa paglipas ng araw.
1034.1K viewsCompletedAdded to Library 1.3K Times as puno't dulo meaning
Read
+Library
Hiding His Mistress: Diovanni de Marcel

Hiding His Mistress: Diovanni de Marcel

Si Shuen de Marcel ay nag-alay ng kanyang buhay bilang isang full-time na maybahay, ang tanging kasama ng negosyanteng si Diovanni Al Tiera de Marcel. Ang kanyang buhay ay puno ng katapatan at tungkulin, hindi lang bilang asawa kundi pati na rin bilang manugang. Bagama't hindi sila nagkaroon ng anak, ibinuhos ni Shuen ang lahat ng kanyang pagmamahal at atensyon sa kanilang pagsasama, at inalay ang lahat ng kanyang sarili kay Diovanni. Ngunit, isipin mo ang gulo sa kanyang puso nang isang umaga, siya ay nagising sa isang pagbubunyag na napakalalim na maaaring magwasak sa kanyang pinaniniwalaan at pinahahalagahan. Paano kung ang mga katotohanang kanyang pinanghawakan at ang buhay na kanyang iningatan ay isa lamang malaking pagpapanggap?
5.76.7K viewsCompletedAdded to Library 233 Times as puno't dulo meaning
Read
+Library
He Rejected My Marriage Proposal

He Rejected My Marriage Proposal

Chief Secretary na maaasahan lagi sa umaga, at isang nakakaakit na kasalo sa kama tuwing gabi—iyan ang buhay ni Bona Sobrevega sa mga bisig ni Sean Fernandez. Matapos ang tatlong taon na pagsasama at pag-aalaga sa isa’t isa, inakala ni Bona na pantay ang nararamdaman nila. Kung kaya’t nang alukin niya ang lalaki ng kasal, hindi niya inaasahang guguho ang mundo niya nang sabihin nitong walang halong pagmamahalan ang samahan nilang dalawa maliban sa kanilang mga katawan. Mula noon, umiwas na siya’t tinalikuran ang buhay kasama ang lalaki. Umangat ang kanyang karera at naging isang tanyag na abogada na walang tumangkang kumalaban sa kanya sa komunidad. Dumami ang mga manliligaw at dito’y nagkukumahog na gumapang pabalik sa kanya, puno ng pagsisisi, ang lalaking minsan na niyang minahal ilang taon na ang nakalilipas. Ngunit sa mga pagkakataong ito—wala na siyang nararamdaman para dito.
4.0K viewsOngoingAdded to Library 88 Times as puno't dulo meaning
Read
+Library
Huwag Mo Akong Balikan, Atty

Huwag Mo Akong Balikan, Atty

Hindi kailanman inakala ni Mara Villanueva na mapupunta siya sa isang kasunduang babago sa takbo ng kanyang buhay. Isang simpleng babae mula sa probinsya, sanay lumaban para sa pamilya, at handang isakripisyo ang lahat—kahit ang sarili niyang puso. Nang magkasakit ang kanyang ama at mawalan siya ng ibang malalapitan, napilitan siyang tanggapin ang alok ng isang lalaking hindi niya dapat pinagkatiwalaan. Si Atty. Rafael Cortez—isang makapangyarihan, malamig, at walang pusong abogado na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Sa ilalim ng isang kontrata, naging bahagi si Mara ng mundo nito—isang mundong puno ng kasinungalingan, kapangyarihan, at mapanganib na damdamin. Sa una, malinaw ang hangganan: walang emosyon, walang pakialaman, walang pagmamahal. Ngunit paano kung unti-unting mabura ang mga linyang iyon? Sa gitna ng selos, panlilinlang, at pagbabalik ng babaeng hindi pa tuluyang nawawala sa buhay ni Rafael, mas lalong nagiging komplikado ang lahat. Lalo na nang matuklasan ni Mara ang isang lihim na maaaring magwasak sa lahat ng pinaniniwalaan niya. Sa mundong puno ng kasunduan at kasinungalingan— kaya pa bang piliin ang puso? O mas mabuting panindigan ang isang desisyong minsan na niyang sinabi: “Huwag mo akong balikan, Atty.”
399 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as puno't dulo meaning
Read
+Library
When Her Eyes Blazed, He Held Her Close

When Her Eyes Blazed, He Held Her Close

Kapag ang isang tahimik at mahinhing babae ay hindi inaasahang mapadpad sa mundo ng isang propesor na reserbado at malamig sa damdamin, sisiklab ang apoy na hindi nila inakala. Mula sa mga ilang at alanganing pagtatagpo at mga lihim na unti-unting nabubunyag, mamumulat ang isang ugnayang puno ng lambing at tukso. Sa gitna ng mga hindi pagkakaunawaan, halakhak, at mga sulyapang palihim, matutunaw kaya ang kanilang mga puso at mahahanap ang pag-ibig na mas higit kaysa sa kanilang inaakala?
480 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as puno't dulo meaning
Read
+Library
PREV
1
...
910111213
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status