The CEO's Contract Bride
Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro.
Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho.
Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?