Red Rose [Filipino/Tagalog]
I'm also hungry at hindi ko na nga rin alam kung inabutan na ba kami ng umaga dito o gabi pa.
Rosa let out a chuckle at nawiwiling tiningnan si Chairman Jefferson. Tila may pinag-uusapan sila gamit ang kanilang mga mata. "Sabing hindi ako si Lorelei. I'm Rosa. Ro–Sa," she said when she looked at me, emphasizing each syllables of her name. "At hindi naman talaga tayo totoong magpinsan. Sa papel lang," natatawang dugtong niya.
"What a great actor indeed, Steve." Sumingit si Chairman. Makahulugan ang mga tingin niya sa akin pero kinunutan ko lang siya ng noo.
ตอนยอดนิยม