ANG PIYAYA NI PIPAY
"Isa siyang gold digger! Hindi lang isang beses, Pipay—ilang beses na niyang ginawa 'yan sa iba’t ibang tao. Kahit hindi ko kilala si Ethan, naaawa ako sa kanya."
Halos mabitawan ko ang telepono sa sinabi niya. "Talaga? Gold digger siya? Akala ko ba—"
"Oo," putol ng pinsan ko. "Kaya pala ang kapal ng mukha niyang magkunwari. Alam mo, Pipay, hindi na ako magtataka kung talagang pera lang ang habol niya sa kasalang ‘yan. Ano ba ang plano mo? Tutulong ako."