The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)
SYNOPSIS/ BLURB:
“Are you still a virgin?”
Iyan ang unang tanong na lumabas sa bibig niya nang unang beses kaming magtagpo.
Caleb Valderama. Bastos, magaspang ang ugali’t bibig, at higit sa lahat, nasobrahan sa pagkababaero. Siya ang zilyonaryo na nakatakdang pakasalan ng kambal ko, at siya rin ang lalaking magiging mitsa ng kalbaryo ko.
Sabi nila, ‘Opposites do attract.’ Pero bakit sa amin, hindi naging applicable iyon?
Ako si Lana Monteclaro, kilala bilang ‘shadow twin’ ni Liana Monteclaro. Simple lang ang gusto ko sa buhay, ang makapag-aral ng kolehiyo sa Japan para makamit ko ang pagiging Manga artist. Ngunit para sa pangarap kong iyon, kinailangan kong pumayag sa hininging pabor ng kakambal ko:
I pretended as my twin sister to be Caleb’s fiancé for two months.