I Accidentally Sleep With My Boss
Nang marinig niya ang busy tone, nakaramdam ng sobrang pagkadismaya siya sa kanyang asawa na mas inuuna pa talaga ang mga kaibigan nito kumapara sa kanya na asawa nito
---
Nang makabalik na ng dorm si Veronica napansin niya na bukas ang lahat ng ilaw sa loob at ng buksan niya ang pintuan nakit niya si Lyca sa loob.
Nakasuot ito ng pajama, nakaupo ito sa kama habang pinupunasan nito ang basa niyang buhok. Na halatang galing sa pagligo. Ang maleta nito ay nakalagay malapit sa kanyang kama. Nakabukas ang maleta at kalat kalat ang damit sa loob, palatandaang bumalik na ulit ito.