Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.3K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
LOVING A HIDDEN MAFIA

LOVING A HIDDEN MAFIA

Franz Valley
Tinanggap ni Maribel Lopez ang maging other woman ni Calixto Condor dahil mahal niya ito. Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon dahil naging masaya siya sa piling ng lalaki, na hindi naglihim sa pagiging pinuno ng mafia. Kaya naman tumagal ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak, na binuhay nilang limitado ang pakikisalamuha sa kapwa. Si Alexa, na lumaki at nagkaisip na may pribadong buhay. Pero dahil din sa pag-ibig ay binuksan ang sariling mundo para papasukin ang isang guwapong estangherong binata. Si Kaizer John Avila, na natagpuan niya sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. Walang malay-tao ang lalaki, na isa palang pinuno ng mafia. Bagay na nalihim sa kanyang kaalaman dahil malayo ito sa hitsura nito. Kahit may pasa ito sa pisngi at may sugat sa noo ay napaka-amo ng mukha. Kaya iniligtas niya ito sa naka-ambang sakuna at inalagaan hanggang sa gumaling. Inilihim sa kanya ni Kaizer John na ipinakidnap ito ng kalaban, na gustong makuha ang pagiging pinuno ng mafia. Kaya nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa gumaling. At lumakas. Bagay na naging dahilan kaya lihim na nakilala nito ang kanyang Ama na si Calixto Condor. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na matuklasang si Alexa ang itinatagong anak sa labas ni Calixto, na batid na nagpakidnap dito. Kaya gumawa ito ng paraan para manatili pa ito sa kanyang bahay, na ang pakay ay gamitin siya sa paghihiganti sa sariling Ama. Mawawalan kaya ng saysay ang pagmamahal na iniukol ni Alexa para kay Kaizer John? Paano niya matutuklasang pinuno pala ng mafia ang iniibig na lalaki, na nais patayin ng kanyang Ama para mabawi dito ang kapangyarihan sa hinahawakang grupo? Wala nga kaya itong nararamdamang pag-ibig sa kanya at ang tanging mananaig ay ang paghihiganti?
Romance
1.4K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Dernier
1234
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status