Marahuyo
" Kanina pa kayo nasasamid. Gusto niyo bang ibili ko muna kayo ng tubig sa convenience store? May madadaanan naman tayo dito. "
" Hindi na kailangan, ayos lang ako, " anito saka ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan. " May naka schedule pa ba akong appointment pagkatapos nito? "
" Isa na lang, Boss. Sa bagong bukas na restaurant ni Don Lucio. Alas-singko pa naman ang opening, may isang oras pa kayo para makapag pahinga pagkatapos ng meeting niyo ngayon. "