LOGINIlang araw matapos ang check-up sa clinic, pinili ni Alyssa ang katahimikan. May hawak siyang mahalagang sikreto, at alam niyang oras lang ang kalaban niya. Sa bawat hakbang sa loob ng Navarro Mansion, dala niya ang bigat ng hindi niya masabi kahit kanino.
Maaga siyang nagising. Pagbukas ng pinto ng study room, nadatnan niya si Liam na nakayuko sa laptop, walang ibang iniintindi kundi graphs at reports. Nilapag niya ang tasa ng kape sa gilid ng mesa. “Thanks,” maikling sagot ni Liam, hindi man lang tumingin. Umikot siya, bumalik sa kwarto. Diretso. Tahimik. Kung may sugat, tinatago niya. Wala nang lugar para sa hinaing. Pagbaba niya sa dining hall, nadatnan niya sina Doña Margarita, Bianca, at Marcus. Masaya ang kwentuhan nina Bianca at Marcus, tila walang ibang mundo. Ang Doña, abala sa pagbabasa ng magazine. “Good morning po,” bati ni Alyssa. Tumingin si Doña at mabilis na ini-scan siya mula ulo hanggang paa. “Ang payat mo. Hindi ka ba kumakain?” “Maayos naman po ako,” mahinahong sagot ni Alyssa. “Kung maayos ka nga,” singit agad ni Bianca, nakangisi. “Baka naman kaya laging wala si Liam sa tabi mo kasi mas busy siya sa trabaho kaysa bantayan ang asawa niyang parang multo.” Nagkunwaring hindi siya apektado. Naglagay lang siya ng kape sa tasa at umupo sa dulo ng mesa. “Bianca, ayusin mo ‘yang bibig mo,” singit ni Liam na kararating lang. Pero hindi niya tiningnan si Alyssa, bagkus diretso ang tingin kay Bianca. “May investors’ dinner ka mamaya. I-focus mo sarili mo sa presentation.” Ngumisi si Bianca, halatang hindi tinatablan. “Siyempre. Pero Liam, baka nakakalimutan mo… image ng Navarro ang dala mo. Hindi puwedeng mahila ng kung sino lang.” Nagtagpo ang mata ni Alyssa at Bianca. Tahimik ang isa, mapang-asar ang isa. Isang laban na walang salitang kailangan pang dagdagan. Sa kusina, nakasalubong niya si Luca. Nakasandal ito sa pader, hawak ang gitara. “Uy Ate, sigurado ka bang okay ka? Mukha kang puyat.” “Okay lang, Luca,” sagot niya, diretso, walang paliwanag. Tumango ang binata, pero bumulong bago siya umalis. “Mag-ingat ka kay Bianca. Ang dami niyang kalokohan kasama si Marcus. Huwag kang magtiwala.” Hindi na siya sumagot. Sapat na ang paalala. Kinagabihan, nakaupo siya sa veranda ng kwarto. Sa malayo, kumikislap ang city lights. Sa loob niya, ramdam ang tibok ng sikretong binubuo. Pumasok si Liam, pagod, hawak ang laptop bag. “May investors’ dinner bukas. Ayusin mo schedule mo.” “Noted,” sagot niya. Walang dagdag, walang kulang. Lumapit si Liam sa lamesa, nagbukas ng files, hindi man lang siya tinanong kung kumusta. Si Alyssa, tahimik na tumingin sa dilim ng lungsod. Kinabukasan, sa breakfast table, naupo silang lahat. Si Bianca, walang preno. “Uy Alyssa, wala ka pa ring project? Nakakahiya sa Navarro kung ganyan lang ginagawa mo. Sayang pera sa’yo.” Diretsong sagot ni Alyssa: “Hindi lahat ng laban kita kailangan patulan, Bianca.” Napangisi ang babae. “Oo nga, kasi wala ka namang laban.” Tahimik lang si Alyssa. Pinilit niyang kumain ng tinapay, pero ang bawat kagat, parang apoy ng insulto. Si Liam, gaya ng dati, walang reaksyon. Pagkatapos kumain, bumalik siya sa kwarto. Binuksan ang drawer at kinuha ang envelope mula clinic. Positive. Totoo. Ang lihim na ito, para sa kanya lang muna. Isinulat niya sa notebook: Kapag nakamit ni Liam ang tagumpay, doon ko sasabihin. Para makita niyang hindi ako balakid. Para makita niyang kaya kong maging dahilan para magsimula kami muli. Isinara niya ang notebook. Humarap sa salamin, hinaplos ang tiyan. “Hindi kita pababayaan. Kahit sino pa sila.” Sa kabilang silid, nag-uusap sina Bianca at Marcus. “Konti na lang Marcus, bibigay na ‘yan. Kita mo kung gaano siya kahina? Madali siyang itapon,” sabi ni Bianca, nakangisi habang naglalagay ng lipstick. “Siguraduhin mong malinis ang galaw. Ayokong madamay,” sagot ni Marcus, pero halatang may sarili ring plano. Ngumisi si Bianca, mapanganib ang tingin. “Relax ka lang. Malapit na akong maging Mrs. Navarro.” Sa lumang opisina, si Don Alejandro nakatanaw sa portrait ng namayapang asawa. Mahigpit ang hawak sa wedding band. “Kung mali ang kutob ko, patawad. Pero kung tama… sana kayanin ng batang ‘yon ang laban,” bulong niya, halos dasal. Kinagabihan, naglakad si Alyssa sa garden para huminga. Tahimik, malamig ang hangin. Doon, sinalubong siya ni Bianca. “Uy, Mrs. Navarro,” sarkastikong bati. “Kumusta? May nabuo na ba? Baka naman wala pa rin… sayang effort.” Diretsong sagot ni Alyssa, walang takot: “Wala akong kailangang patunayan sa’yo.” Tumawa si Bianca, matalim. “Sigurado ka? Eh kahit si Liam, parang wala namang pakialam sa’yo. Alam mo bang mas masarap kasama ang isang babae kapag may silbi sa negosyo?” Hindi na siya sumagot. Lumingon lang at iniwan si Bianca sa gitna ng hardin. Diretso ang likod niya habang naglalakad palayo. Hindi kailangan ng sagot ang lason. Pagbalik niya sa silid, binuksan niya ang phone. May mensahe mula kay Sera: SERA: “Lys, sigurado ka ba? Kahit ngayon, magpabook na ako ng flight. Hindi mo kailangang mag-isa.” ALYSSA: “Konti na lang. Kapag safe na. Ako na bahala.” Pinindot niya ang send, at pagkatapos ay inilagay ang phone sa gilid ng kama. Humiga siya, nakayakap sa tiyan. Tahimik, pero matibay ang pangako: Hindi nila ‘to makukuha. Ako ang magpapasya kung kailan ko ipapaalam. Ako ang ina. Ako ang sandata. Sa labas ng silid, dumaan si Liam, hindi man lang kumatok. Diretso sa opisina, nakaharap sa laptop, abala sa graphs at numbers. Hindi niya alam, sa kabilang kwarto, may isang babae na mahigpit na hawak ang sikreto — at isang sanggol na magiging tunay na dahilan ng susunod na digmaan ng Navarro.Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng kaguluhan, nakahanap ng katahimikan sina Alyssa at Liam. Nasa isang private villa sila malapit sa dagat — malayo sa mga flash ng camera, sa mga intriga, at sa anino ng nakaraan. Ang tanging naririnig ay ang hampas ng alon at huni ng mga kuliglig sa gabi. Nakaupo si Alyssa sa veranda, nakatanaw sa dagat. Suot niya ang simpleng puting dress na magaan at kumakapit sa hangin. May hawak siyang baso ng juice, pero ang atensyon niya ay nasa mga bituin na kumikislap sa kalangitan. Lumapit si Liam, bitbit ang tray na may dalawang plato. Tahimik siyang umupo sa tabi ni Alyssa at marahang inilapag ang pagkain sa mesa. “Dinner’s ready,” mahina niyang sabi, halos pabulong lang. Napatingin si Alyssa. May maliit na ngiti sa labi niya. “Ikaw nagluto?” Umiling si Liam, pero bahagyang natawa. “Kung ako, baka instant noodles lang ‘to. Pero gusto kong ako ang mag-serve. Tonight, no assistants, no maids, no board meetings. Just us.” Umupo silang magkatapat, p
Tahimik ang gabi sa Navarro mansion, malamig ang simoy ng hangin habang naglalaro ang mga bata sa hardin. Nagtatakbuhan sina Sky, Snow, at Callum habang may hawak na maliliit na ilaw, para silang mga alitaptap na nagkalat sa dilim. Ang kanilang halakhak ay umaalingawngaw sa buong paligid, puno ng saya at walang bakas ng mga bagyong dinaanan. Sa veranda, magkatabing nakaupo sina Liam at Alyssa. Nakaupo si Alyssa, nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Liam, habang parehong pinagmamasdan ang tatlong munting nilalang na tila naging pinakamatibay nilang sandigan. Sa katahimikan ng gabing iyon, para bang unti-unting nabubura ang lahat ng sakit at takot na nagdaan. Hindi nagsasalita si Liam sa simula, tila ninanamnam ang bawat eksena sa harap niya. Pero maya-maya'y bumuntong-hininga siya, saka maingat na inilabas mula sa bulsa ng kanyang coat ang isang maliit na kahon. Naramdaman iyon ni Alyssa kaya napalingon siya. Nakita niya ang kahon sa mga daliri ni Liam, at saglit siyang natigilan. H
Madaling araw. Sa corridor ng ospital, tahimik na naglalakad si Alyssa, suot ang simpleng coat at nakapusod ang buhok. Halos maputla ang kanyang mukha sa pagod at stress, ngunit bakas pa rin ang matatag na anyo na kinapitan niya nitong mga nagdaang linggo.Pagbukas ng pinto ng silid, bumungad sa kanya si Liam - nakahiga, nakapikit, ngunit gising. May benda sa dibdib, may sugat pa rin sa braso, pero buhay. Buhay, at nakatingin sa kanya."Liam..." mahina niyang tawag.Ngumiti ito, maputla ngunit totoo."You came back."Lumapit siya, marahang umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kanyang kamay. Noon pa lang, doon bumigay ang matagal niyang pinipigil na luha."Do you have any idea..." boses ni Alyssa nanginginig, "how close I was to losing you? How close our children were to growing up without their father?"Pinikit ni Liam ang mga mata, nangingilid ang luha."I know... and I'm sorry, Alyssa. For everything. For failing you, for doubting you, for making you fight battles alone."Tumigil
Tumigil ang paligid nang pumasok si Markus sa dim-lit backstage. Ang yabag ng kanyang leather shoes ay umalingawngaw sa sementong sahig, bawat hakbang parang pasakalye ng isang halimaw na handang manghuli ng biktima. Si Alyssa, nakatayo sa gitna, hindi gumalaw. Walang takot na ipinakita. Nakatagilid ang mukha, diretso ang titig sa lalaking ilang beses nang sinubukang gibain ang buhay nila. "Alyssa Ramirez," malamig na sambit ni Markus, bahagyang nakangisi. "The queen herself... standing here alone. Hindi ko akalain you'd make it this easy." Humakbang siya palapit, mabagal, para bang inaantala ang oras para lalo itong maramdaman. Sa bulsa ng coat, naramdaman ni Alyssa ang bahagyang vibration ng comm device. Dahan-dahan niya itong pinisil, at mula roon dumaan ang mahinang boses ni Luca, halos pabulong. "Alyssa... buy us time. We're almost there." Bahagyang napapikit si Alyssa, huminga nang malalim, at sa pagbukas ng kanyang mga mata, wala na ang alinlangan. Markus, ngayo'y dalawan
Lumakas ang palitan ng putok, umuusok ang paligid mula sa mga granada ni Ethan. Nakayuko si Darren, pinoprotektahan ang gilid ni Luca habang mabilis silang sumusulong. “East side secured!” sigaw ni Ethan, pawis na pawis pero buo ang focus. “Keep pushing forward! Markus is inside that control room!” Si Luca naman, mahigpit ang hawak sa baril habang nagmamando. “Walang lalabas dito. Trap him. This ends tonight.” Biglang bumuhay ang speaker system, at isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw. “You really came for me? How predictable. But that’s exactly what I wanted.” Nangibabaw ang tawa ni Markus, malalim at puno ng yabang. Samantala, hawak ni Alyssa ang earpiece habang pinapakinggan ang update. Narinig niya rin ang tinig ng kalaban sa background. Humigpit ang kapit niya sa lamesa. “If he wants me so badly… then I’ll give him every reason to come out.” Kalmado siyang huminga, saka ngumiti ng mapait. Markus thinks he’s leading the game. But tonight, I’m the bait that ends him.
Sa loob ng HQ, nakalatag ang mapa ng Port Sagrado. Nakayuko si Luca, nakatitig sa mga red pins na naka-mark sa mga ruta. Si Darren at Ethan ay nasa tabi niya, parehong seryoso ang ekspresyon. “Markus won’t make this easy,” ani Darren, inilatag ang intel file. “The port is heavily guarded, and if our guess is right, he’s already preparing an exit strategy.” Nagtaas ng tingin si Luca, malamig ang boses. “Then we cut off every exit. No loose ends. This time, he doesn’t leave alive.” Tumango si Ethan, pero mahigpit ang pagkakahawak sa armas. “Pero kailangan nating maging maingat. If he slips through us… he’ll go after Liam. Or Alyssa.” Samantala, sa ospital, nakaupo si Alyssa sa gilid ng kama ni Liam. Nakapikit ito, mahina pa rin, ngunit mas malinaw na ang paghinga. Habang pinagmamasdan siya, mahigpit na hinawakan ni Alyssa ang kanyang tablet. Sa screen, nakabukas ang draft ng kanyang comeback collection: bold designs, strong silhouettes, parang manifesto ng isang babaeng hindi kail







