LOGINPinilit ikasal si Alyssa Ramirez kay Liam Navarro - ang cold at walang pusong heir ng isang makapangyarihang pamilya. Para sa kanya, isa lang siyang kontrata. Para kay Liam, isa lang siyang sakripisyo. Pero nang mabasag ang puso niya at makita ang pagtataksil ng asawa, naglaho rin ang Alyssang mahina at sunud-sunuran. Umalis siya, dala ang pinakamatinding sikreto na kayang baguhin ang lahat: ang tatlong anak ni Liam - ang triplets na hindi nito alam. Pagbalik niya, hindi na siya ang babaeng minamaliit. Siya na ang reyna sa likod ng VÉRAISE - isang luxury empire na magpapabagsak sa mga taong sumira sa kanya. Handa siyang ipaglaban ang korona, ang mga anak niya, at ang dignidad na inagaw sa kanya noon. Ngunit sa muling pagtama ng mga mata nila ni Liam, isang mas mabigat na laban ang nakahanda: hindi lang para sa paghihiganti... kundi para sa pamilya at pag-ibig na pinilit nilang sirain pero itinadhana palang buuin muli
View MoreSa unang pagkakataon matapos ang lahat ng kaguluhan, nakahanap ng katahimikan sina Alyssa at Liam. Nasa isang private villa sila malapit sa dagat — malayo sa mga flash ng camera, sa mga intriga, at sa anino ng nakaraan. Ang tanging naririnig ay ang hampas ng alon at huni ng mga kuliglig sa gabi. Nakaupo si Alyssa sa veranda, nakatanaw sa dagat. Suot niya ang simpleng puting dress na magaan at kumakapit sa hangin. May hawak siyang baso ng juice, pero ang atensyon niya ay nasa mga bituin na kumikislap sa kalangitan. Lumapit si Liam, bitbit ang tray na may dalawang plato. Tahimik siyang umupo sa tabi ni Alyssa at marahang inilapag ang pagkain sa mesa. “Dinner’s ready,” mahina niyang sabi, halos pabulong lang. Napatingin si Alyssa. May maliit na ngiti sa labi niya. “Ikaw nagluto?” Umiling si Liam, pero bahagyang natawa. “Kung ako, baka instant noodles lang ‘to. Pero gusto kong ako ang mag-serve. Tonight, no assistants, no maids, no board meetings. Just us.” Umupo silang magkatapat, p
Tahimik ang gabi sa Navarro mansion, malamig ang simoy ng hangin habang naglalaro ang mga bata sa hardin. Nagtatakbuhan sina Sky, Snow, at Callum habang may hawak na maliliit na ilaw, para silang mga alitaptap na nagkalat sa dilim. Ang kanilang halakhak ay umaalingawngaw sa buong paligid, puno ng saya at walang bakas ng mga bagyong dinaanan. Sa veranda, magkatabing nakaupo sina Liam at Alyssa. Nakaupo si Alyssa, nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Liam, habang parehong pinagmamasdan ang tatlong munting nilalang na tila naging pinakamatibay nilang sandigan. Sa katahimikan ng gabing iyon, para bang unti-unting nabubura ang lahat ng sakit at takot na nagdaan. Hindi nagsasalita si Liam sa simula, tila ninanamnam ang bawat eksena sa harap niya. Pero maya-maya'y bumuntong-hininga siya, saka maingat na inilabas mula sa bulsa ng kanyang coat ang isang maliit na kahon. Naramdaman iyon ni Alyssa kaya napalingon siya. Nakita niya ang kahon sa mga daliri ni Liam, at saglit siyang natigilan. H
Madaling araw. Sa corridor ng ospital, tahimik na naglalakad si Alyssa, suot ang simpleng coat at nakapusod ang buhok. Halos maputla ang kanyang mukha sa pagod at stress, ngunit bakas pa rin ang matatag na anyo na kinapitan niya nitong mga nagdaang linggo.Pagbukas ng pinto ng silid, bumungad sa kanya si Liam - nakahiga, nakapikit, ngunit gising. May benda sa dibdib, may sugat pa rin sa braso, pero buhay. Buhay, at nakatingin sa kanya."Liam..." mahina niyang tawag.Ngumiti ito, maputla ngunit totoo."You came back."Lumapit siya, marahang umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kanyang kamay. Noon pa lang, doon bumigay ang matagal niyang pinipigil na luha."Do you have any idea..." boses ni Alyssa nanginginig, "how close I was to losing you? How close our children were to growing up without their father?"Pinikit ni Liam ang mga mata, nangingilid ang luha."I know... and I'm sorry, Alyssa. For everything. For failing you, for doubting you, for making you fight battles alone."Tumigil
Tumigil ang paligid nang pumasok si Markus sa dim-lit backstage. Ang yabag ng kanyang leather shoes ay umalingawngaw sa sementong sahig, bawat hakbang parang pasakalye ng isang halimaw na handang manghuli ng biktima. Si Alyssa, nakatayo sa gitna, hindi gumalaw. Walang takot na ipinakita. Nakatagilid ang mukha, diretso ang titig sa lalaking ilang beses nang sinubukang gibain ang buhay nila. "Alyssa Ramirez," malamig na sambit ni Markus, bahagyang nakangisi. "The queen herself... standing here alone. Hindi ko akalain you'd make it this easy." Humakbang siya palapit, mabagal, para bang inaantala ang oras para lalo itong maramdaman. Sa bulsa ng coat, naramdaman ni Alyssa ang bahagyang vibration ng comm device. Dahan-dahan niya itong pinisil, at mula roon dumaan ang mahinang boses ni Luca, halos pabulong. "Alyssa... buy us time. We're almost there." Bahagyang napapikit si Alyssa, huminga nang malalim, at sa pagbukas ng kanyang mga mata, wala na ang alinlangan. Markus, ngayo'y dalawan












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore