Planning His Wedding
Hindi ko man kamukha ang nasa logo, alam kong ako ang dagang yun.
“Mus Bertus, hango sa Latin word na ibig sabihin, Bert the Mouse.” ani Mike.
At doon na ako tuluyang napaiyak.
“Lahat sila, alam ang ang storya niyong dalawa. Lately lang nila nalaman na natagpuan ka na ni Enzo at magkakaanak na kayo. Kaya ganyan ka nila tratuhin at ganun na lang ang reaksyon nila nung ipakilala kita. Hindi lang dahil asawa ka ni Enzo. Kundi, ikaw mismo ang dahilan kung bakit nabuo ang Foundation.