BURNING MIDNIGHT WITH UNCLE (SPG)
Walang ibang taong naging sandigan si Sapphire mula pagkabata kundi ang kanyang Uncle Ares—ang lalaking kinupkop ng kanyang mga lolo’t lola bilang sariling anak. Tahimik, responsable, at palaging nariyan tuwing kailangan niya ng karamay. Sa tagal ng pagkakasama nila, hindi niya namalayang unti-unti na pala siyang naaakit sa misteryosong tikas nito.
Kaya nang mawalan siya ng magulang sa London, agad siyang umuwi sa Pilipinas at nanirahan sa piling ng tanging taong pinaniniwalaan niyang tunay na ligtas siya... kahit pa ang puso niya ay nalilito.
Bago pa man siya umalis ng London, pinangako niya sa sarili na ililibing na niya ang damdaming iyon. Hindi sila magkadugo, pero si Ares na lang ang natitirang pamilya niya.
Pero paano kung malaman niyang matagal na rin pala siyang pinagnanasaan ng lalaking tinitingala niya?
Can she hold on to her morals, or will she give in to the fire—and cross the line she swore never to touch?