Governor Ignacio is my Daughter's Substitute Daddy
Tahimik ang buhay ni Isabella Monteverde, isa lang siyang simpleng babae at abala siya sa trabaho niya sa isang malaking hotel. Pero isang gabi ang sumira sa katahimikang iyon, dahil nagising na lang siya sa kama ng isang hindi niya kilalang lalaki.
Sa sobrang takot ay agad niyang iniwan ang lalaki sa silid na iyon. Pagkalipas ng ilang linggo ay nalaman niya na nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa, kaya sa sobrang takot niya ay nag-resign siya sa hotel na pinagtatrabahuhan niya at mag-isang pinalaki ang kanyang anak.
Ang hindi niya alam, sa probinsyang kanyang nilipatan, ang lalaking nakabuntis sa kanya ay ang gobernador ng probinsya.
Sa loob ng walong taon, mag-isa niyang pinalaki ang kanyang anak pero isang insidente ang tumulak sa kanya para magmakaawa sa gobernador para iligtas ang kanyang anak. Hindi siya nakilala ni Governor Ignacio, pero pumayag itong tulungan siya.
Nang mailigtas ang kanyang anak, dahil sa sobrang trauma ng bata ay inakala nito na ang kanyang ama ay ang gobernador na nagligtas sa kanya. Nanatiling hindi sinasabi ni Isabella na ang totoong ama ng kanyang anak ay ang gobernador mismo.
Para paluguran ang bata ay napagdesisyunan nila na ito ang magiging substitute daddy ng bata, kapalit nito ay siya ang ipapakilalang babae na matagal nang hinahanap ni Governor Ignacio.