Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1021.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ghost Of You

Ghost Of You

Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
YA/TEEN
102.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

Nagkaroon ng aksidenteng one-night stand sina Andrew Sandoval at Hanna Williams limang taon na ang nakalilipas, at hindi makalimutan ni Andrew ang katawan ni Hanna. Hindi niya maabot si Hanna dahil sa kaguluhan ng pamilya na dulot ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama. Pagkalipas ng limang taon, kinuha ni Andrew ang negosyo ng pamilya at natagpuan si Hanna, na baon sa utang sa pagsusugal ng kanyang ina. Iniligtas siya ni Andrew at tinulungan siyang magbayad ng pera, na naging may utang kay Hanna. Pinakiusapan niya itong maging manliligaw ngunit tumanggi ito dahil may nobyo ito. Nakipagpustahan si Andrew kay Hanna na iiwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera, at sa kanyang pagtataka, iniwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera. Single siya pero hindi pumayag na maging manliligaw ni Andrew. Lalo siyang kinaiinisan dahil ginulo nito ang kanyang mapayapang buhay.
Romance
2.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10297 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Slave Of A Heartless Demon

Slave Of A Heartless Demon

Sairel De Juan
Isang babaeng walang ibang ginawa kun'di ang mahalin ang lalakeng wala ring ibang ginawa kun'di ang saktan s'ya sapagka't s'ya ang pinagbibintangan nito'ng dahilan ng pagkamatay ng babaeng minamahal ng lalakeng iyon. Makakaya kaya niya ang pagpapahirap nito sa kan'ya hindi lamang emosyonal, kun'di pati na sa pisikal? Matutunan kaya siyang mahalin ng lalakeng siyang pangarap niya o habang buhay na siyang mamumuhay sa piling ng isang heartless demon?
Romance
105.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Affair Bk. 3 BULLIED BY MY LOVER

The Billionaire's Affair Bk. 3 BULLIED BY MY LOVER

Tinakasan ni Valeen Alicia Flores ang plano ng ama niya na ipakasal siya sa anak ng matalik nitong kaibigan. Matagal ng may gusto sa kanya si Allan pero hindi niya ito gusto kaya lumayas siya at napadpad sa Maynila sa tulong ng dating yaya niya. Nakapasok siya sa isang malaking kumpanya at nakilala niya ang kaibigan ng amo niya na si Anton Drake Samaniego. Isang gwapo, batang bilyonaryo, mayabang, arogante at higit sa lahat galit sa pangit. Balatkayo lang ang lahat para makapagtago si Valeen dahil sa likod ng pangit na mukhang yun ay nagtatago ang isang dalagang kaakit akit at gumulo sa mundo ni Drake. May pag-asa bang magkaroon ng happy ending ang kwento ni Valeen at ng Bully niyang lover?
Romance
1020.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
That One Fated Summer Night

That One Fated Summer Night

LoveChinita
Can Ilongga beauty tame the dragon? Paano nga ba kung nakahanap ng katapat ang certified black sheep ng pamilya sa katauhan ng isang estranghera? Dahil sa isang malaking pustahan ng magbabarkada. Ycon, the deadliest CEO and the black sheep of the family ay aksidenteng nainlove sa isang titibo-tibong Ilongga. He was a certified womanizer in town. Katwiran ay pagdating ng panahon ipapakasal naman siya ng kanyang lolo sa babaeng hindi niya naman gusto pero nagmula sa maharlikang pamilya. Why not sulitin niya muna ang pagiging buhay binata, sayang ang genes kapag hindi natikman ng ibang chicks hindi ba? Hannah Maricor Evina Zaavedra, na taglay ang totoong tagline na basta "Ilongga Gwapa" The adopted daughter of The Zaavedra family in Iloilo. The cow girl, happy go lucky, always positive in life, maawain at mapagmahal kanino man. Paano kung magkrus ang landas ng dalawa at ang mga pinaniniwalaan ng bawat isa ay hindi magkatugma? Away-bati, aso't pusa, kulog at kidlat, araw at ulan, init at lamig ganito parati ang dalawa hanggang ang isa sa kanila ay nahulog na nga. Ngunit ang unti-unting nararamdamang ay mukhang magiging forever secret nalang sapagkat nagkaroon ng lamat ang angkan ng mga Lee at Zaavedra, dahil sa kinasangkutang eskandalo na ang pasimuno ay ang mismong ate ni Ycon at ang pinsan ni Hannah. At tila yata at inaayunan ng tadhana dahil makalipas ang walong taon ay mauungkat muli ang nakaraan sa aksidenteng pagtatagpo ng landas ng dalawa sa isang sikat na isla ng Boracay sa Aklan, at sa wakas nagkaroon nga ng pagkakataon na maisakatuparan ang dati nang plano na paghigantihan ang dalaga. "What happens in Boracay stays in Boracay." But that planned night na sa huli ay kanyang pagsisisihan dahil sa mga sikretong malalaman. Magkaka-forever pa kaya ang dalawa? Hay ang gulo-gulo na talaga!
Romance
982 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
POSSESSION OF LOVE

POSSESSION OF LOVE

  Simula pa lang ay nagkagusto na si Kariel sa lalaking inampon ng kanilang mga magulang, na si Darrius. Minsan na rin niyang inamin ang nararamdaman rito. Ngunit dahil sa respeto at malaking utang na loob sa kinilalang magulang ay hindi siya binigyang pinansin nito. Ngunit na-realize ni Darrius na kailangan niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay Kariel kahit labag pa sa kagustuhan ng magulang. Lalong-lalo na nang malamang ikakasal na ito sa anak ng kaibigan at kasusyo ng kinilalang magulang. At naisipan niyang pigilan ang kasal ng dalawa nang napagalaman ang totoong motibo ng pamilyang gustong ipakasal sa dalaga ng kinilala n'yang ng magulang. Nagtagumpay siya sa kanyang plano at sa wakas ay ipinagtapat niya sa huli ang totoong nararamdaman. Naging lihim ang kanilang relasyon. at kalaunan ay napagalaman din ang kanilang lihim at pilit silang pinaghiwalay ng mga magulang. Masakit ngunit kailangan nilang tanggapin ang kanilang kapalaran. Pinaghiwalay man ng isang sirkumstansya pero hindi sila nawalan nang pag-asang balang araw ay muli silang pagtagpuin ng tadhana para punan ang mga pusong nangulila sa matagal na panahon.
Romance
9.927.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sweet Lie To A Billionaire

Sweet Lie To A Billionaire

Daylan
Dahil sa kahihiyang inabot ng mga magulang ni Thea sa gabi ng engagement nila ni Neil ay itinakwil at itinapon siya ng mga magulang niya sa ibang bansa. Five years later, nagbalik siya sa Pilipinas na lingid sa kaalaman ng mga magulang niya at kasama niya ang kambal niyang anak na naging bunga ng isang gabing pagkakamali niya. Nang makita ni Thea na kamukha ng isa sa kanyang fraternal twin ang CEO ng pinagtatrabahuhan niyang hotel na si Nathan Oxford ay gumawa siya ng kasinungalingan. Lakas-loob na ipinakilala niya sa binata ang kanyang mga anak at sinabing ito ang ama ng kambal niya. Dahil do'n ay pumasok sila ni Nathan sa isang contract marriage na sa kalaunan ay naging totohanan na. Ngunit paano kung malaman ni Nathan na nagsinungaling lamang siya rito para magamit niya ang koneksiyon nito sa paghihiganti niya sa mga taong nakagawa sa kanya ng malaking kasalanan? At paano rin kung malaman niya na si Nathan ay ang kinamumuhian niyang lalaki na naka-one-night-stand niya at naging dahilan kung bakit siya itinakwil ng kanyang mga magulang?
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Billionaire's Bridesmaid

Billionaire's Bridesmaid

Magkaibang magkaiba ang mundong kinalakihan at ginagalawan ni Sofia at Catherine. Sa panahon ng kanilang kabataan ay madalas si Sofia ang naging tagapagtanggol at taga salba ni Catherine makaraos lamang ng pagaaral. Matalik silang magkaibigan at halos magkahawig. May bulong bulungan nga na sila ay magkamaganak pero ayaw iyong bigyan ng pansin ni Sofia dahil mataas ang tingin nito sa sarili. Samantalang si Catherine naman ay idolo ang matalik na kaibigan. Matagal na nagkahiwalay ang dalawa matapos ang high school dahil napilitan na si Catherine maghanap buhay dahil wala ng pangtostos sa koliheyo. Baon na siya ng utang at utang na loob kay Sofia. Hanggang isang hapon isang pakiusap ang hiningi ni Sofia kay Catherine at dahil baon sa utang at utang na loob walang paraan para makatanggi ang dalaga. Pinangakuan pa siya ng kabigan na tutulungang makabili ng mga binhi sa bukid at sa palayan ang magulang kapag sumunod siya kaya lalong nahirapan si Catherine na tumanggi. Ang pakiusap kase ng kaibigan ay siya ang magpanggap na si Sofia sa araw ng kasal nito at hindi lamang iyon. Mananatili siyang asawa ng lalaki sa loob ng anim na buwan.
Romance
1015.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3940414243
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status