LOGINCan Ilongga beauty tame the dragon? Paano nga ba kung nakahanap ng katapat ang certified black sheep ng pamilya sa katauhan ng isang estranghera? Dahil sa isang malaking pustahan ng magbabarkada. Ycon, the deadliest CEO and the black sheep of the family ay aksidenteng nainlove sa isang titibo-tibong Ilongga. He was a certified womanizer in town. Katwiran ay pagdating ng panahon ipapakasal naman siya ng kanyang lolo sa babaeng hindi niya naman gusto pero nagmula sa maharlikang pamilya. Why not sulitin niya muna ang pagiging buhay binata, sayang ang genes kapag hindi natikman ng ibang chicks hindi ba? Hannah Maricor Evina Zaavedra, na taglay ang totoong tagline na basta "Ilongga Gwapa" The adopted daughter of The Zaavedra family in Iloilo. The cow girl, happy go lucky, always positive in life, maawain at mapagmahal kanino man. Paano kung magkrus ang landas ng dalawa at ang mga pinaniniwalaan ng bawat isa ay hindi magkatugma? Away-bati, aso't pusa, kulog at kidlat, araw at ulan, init at lamig ganito parati ang dalawa hanggang ang isa sa kanila ay nahulog na nga. Ngunit ang unti-unting nararamdamang ay mukhang magiging forever secret nalang sapagkat nagkaroon ng lamat ang angkan ng mga Lee at Zaavedra, dahil sa kinasangkutang eskandalo na ang pasimuno ay ang mismong ate ni Ycon at ang pinsan ni Hannah. At tila yata at inaayunan ng tadhana dahil makalipas ang walong taon ay mauungkat muli ang nakaraan sa aksidenteng pagtatagpo ng landas ng dalawa sa isang sikat na isla ng Boracay sa Aklan, at sa wakas nagkaroon nga ng pagkakataon na maisakatuparan ang dati nang plano na paghigantihan ang dalaga. "What happens in Boracay stays in Boracay." But that planned night na sa huli ay kanyang pagsisisihan dahil sa mga sikretong malalaman. Magkaka-forever pa kaya ang dalawa? Hay ang gulo-gulo na talaga!
View MoreMasasabing walang panama ang Zaavedra clan sa pamilya nila. Maituturing nga na mababang uri ito sa business world. Pero dito nainlove ang ate niya at di niya ito masisisi. Napakabait ng kuya Baste niya. At may pinagmanahan si Hannah. Pero di niya iyon matanggap. The simple girl she loved. The simple girl who tamed the black sheep is the reason why her cousin is now at the ICU. Nag-aagaw buhay at di makalakad.“Hindi porket mayaman ka ay hindi mo na alam ang nangyayari sa mundo.”Yan ang parating bukang bibig sa kanya ng dalaga na hanggang ngayon ay umaalingaw-ngaw sa pandinig ng binata.Napahawak na lamang siya sa sentido ng maalala ang dalaga.Kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang makausap ang dalaga at pagpaliwanagin. Bakit niya ginawa iyon sa pinsan niya. Ngunit wala na siyang Maricor na nakita o nakausap. Umuwi na ang buong pamilya nito sa Iloilo. Pinuntahan niya ang condo unit ng kapatid ni Baste pero ipinagbili na daw iyo
Sila na munang magkakapatid ang namamahala sa kanilang poultry and hog farm pati na din sa kanilang mga processed foods habang nasa bakasyon ang mga magulang at para di na maburyong ay pinayagan siya ng mga kapatid na siya ang sumagot sa mga tawag at order sa kanilang negosyo. Naging work from home ang kinalabasan ng trabaho ng dalaga.Ang dalaga ang sumasagot sa mga tawag at order hanggang sa paglilista na ipinapadala niya sa kanilang maliit na planta kung saan nandoon ang kanilang pagawaan ng mga processed meat products. Ang mga pinsan at kapatid ay may kanya-kanyang toka sa planta at sa farm. Marami ang nagulat na bigla nalang siyang nagresign sa Saint Claire. Maging ang nobyo niya. Ang alibi niya ay napagod lang siya. Hindi niya sinabi ang totoong kalagayan. Ayaw niyang kaawaan siya. Kilala kasi ang dalaga bilang isang strong, independent, masayahin at palabirong tao.It was 8:30 in the evening nang dumating ang mga kaibigan ng dalaga. Doon sila matutulog sa bahay
After nga ng pag-uusap ng makakaibigan sa pamamagitan ng videocall ay umakyat ang binata sa suite nito para ulit magpahinga. Pero bago paman siya dalawin ng antok ay pinakatitigan niya ulit ang eye glasses ng dalaga na halos ilang gabi na laman ng panaginip niya tsaka ulit may naalala mga pangyayari noong magkasama pa sila...Nasa La Trinidad Benguet sila at tumutulong sa pag-ani ng mga strawberries na pagmamay-ari ng pamilya Lee. Bukod sa strawberries ay meron din silang mga blueberries. Enjoy na enjoy si Maricor sa pamimitas ng mag-aya sila na umakyat malapit sa taniman ng strawberries. Napakaganda ng tanawin dahil napapalibutan ng mga bundok ang lugar.Doon sa may rice terraces. Titingnan nila ang pag-ani ng native na palay. Nakasunod silang lahat sa care taker ng farm at naging tour guide na rin nila. Siya ang sa pinaka dulo at sa unahan niya si Ycon na kanina pa siya inaasar dahil sa nahuli siya ni Ycon na nakatitig sa binata. Inaasar siyang ay gusto siya dito. Pati na din ang m
“Mare, ito nga ang narinig ko doon sa opisina na pinapasukan ng kapitbahay namin. Ipinalabas nilang naaksidente ang anak ng mag-asawang Lee-De Vera, dahil nga kahihiyan at kontrobersyal sa pamilya nila ang mga nangyari. Itinago nila na sumasali pala ito sa illegal gaming sa Taekwondo at Malaki ang pustahan. Mantakin mo ba naman na lumipad pa papuntang Cebu ang anak nila. Ang mga magulang daw nito ay nasa Singapore nakabase para sa business nila. Tumakas lang ito sa mga guards niya para makipagcompete na natsambahan nga na si Zaavedra ang nakalaban niya. Kasalanan niya naman yon. Buti nga sa kanya dahil alam niyo ba na ang buong pamilya ng Zaavedra ay nalagay din sa kahihiyan ngayon at mas domoble pa ang sakit na pinagdaraanan dahil com…”Hindi na natapos ng babae ang sinasabi dahil bigla nalang sumulpot ang isang bata mula sa comfort room at tinawag siyang “lola.”Kanina pa si Ycon sa isang coffee shop na iyon na malapit sa building


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.