LOGINSimula pa lang ay nagkagusto na si Kariel sa lalaking inampon ng kanilang mga magulang, na si Darrius. Minsan na rin niyang inamin ang nararamdaman rito. Ngunit dahil sa respeto at malaking utang na loob sa kinilalang magulang ay hindi siya binigyang pinansin nito. Ngunit na-realize ni Darrius na kailangan niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay Kariel kahit labag pa sa kagustuhan ng magulang. Lalong-lalo na nang malamang ikakasal na ito sa anak ng kaibigan at kasusyo ng kinilalang magulang. At naisipan niyang pigilan ang kasal ng dalawa nang napagalaman ang totoong motibo ng pamilyang gustong ipakasal sa dalaga ng kinilala n'yang ng magulang. Nagtagumpay siya sa kanyang plano at sa wakas ay ipinagtapat niya sa huli ang totoong nararamdaman. Naging lihim ang kanilang relasyon. at kalaunan ay napagalaman din ang kanilang lihim at pilit silang pinaghiwalay ng mga magulang. Masakit ngunit kailangan nilang tanggapin ang kanilang kapalaran. Pinaghiwalay man ng isang sirkumstansya pero hindi sila nawalan nang pag-asang balang araw ay muli silang pagtagpuin ng tadhana para punan ang mga pusong nangulila sa matagal na panahon.
View MoreSa isang MAdilim na abandunadong resort, ay narinig ng mga tauhan ni Diablo ang kaniyang pagsisigaw sa kuwartong inukupa niya. Nagkatinginan ang mga ito dahil sa nangyayari sa kanilang amo. Ngunit wala silang lakas ng loob na pasukin ito dahil na rin sa kadahilanang sila naman ang malalagot kapag ginawa nila iyon. "Putcha, anong nangyayari sa loob? Gabi gabi na lang yatang binabangungot si boss," nagtatakang tanong ng isa sa mga tauhan nito. "Hayaan mo na," sagot ng mas matanda nilang kasama. "Alam mo namang walang gustong makialam sa kanya kapag ganiyan na ang nangyayari, 'di ba? Gusto mo bang mawalang ng hininga? Pwess! Kami hindi, may pamilya kami kaya hayaan na lang natin siya sa loob. Magiging din naman iyan Maya Maya lang kaya wala kang dapat ikabahala."Napakamot naman ito saka nagpabalik-balik sa paglalakad sa labas ng silid nito. "BITAWAN N'YO SIYA!" sigaw ng batang si diablo sa kaniyang panaginip ngunit walang nakikinig. Hawak ng isa sa mga bully ang kanyang kuya sa k
MADALING ARAW pa ang nagising na si Kariel. Ni Hindi nga niya matandaan kung nakatulog ba siya dahil buhat nang pumasok sila ng villa ay iniisip pa rin niya ang bagay o taong nakita niya. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong gumising sa kanya—isang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Tahimik ang paligid, maririnig lang ang marahang paghampas ng alon sa pampang at ang mahinang huni ng mga kuliglig sa labas. Unti-unti siyang bumangon mula sa kama at tumingin sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang dagat na bahagyang sinisinagan ng buwan. Payapa at walang anumang bakas ng panganib o kung ano mang maaaring maging dahilan ng kanyang kaba.Ngunit hindi mapakali ang kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama, siniguradong hindi magigising si Darielle na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Lumabas siya ng kwarto, at sa di niya maipaliwanag na dahilan, dinala siya ng kanyang mga paa sa veranda. Doon, nagulat siya nang makitang naroon na si Darrius. Naka
MALAMIG ang simoy ng hangin nang lumabas si Kariel mula sa villa kinagabihan. Pupuntahan niya kasi si Darrius dahil nagpaalam ito saglit dahil may tatawagan daw ito. Naglakad-lakad siya hanggang makita niya ang lalaki, nakaupo sa isang wooden bench malapit sa dalampasigan. Nakatingin ito sa malawak na dagat, tila malalim ang iniisip. Sa pagtanaw niya rito, bumalik ang mga alaala—ang mga panahong akala niya'y hindi na sila muling magkakasama nang ganito. Nag-aatubili man, nilapitan niya ito. "Ang lalim na naman yata ng iniisip mo," puna niya, habang dahan-dahang umupo sa tabi nito. Nag-angat ng tingin si Darrius at bahagyang ngumiti. "Wala, iniisip ko lang . . . kung paano natin naabot ang puntong ito." Napayuko si Kariel. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Ang lahat ng sakit, ang lahat ng taon na nawala sa kanila. Kahit ilang beses na nilang mapag-usapan ang bagay na 'to magmula nang muli silang magtagpo ngunit tila hindi pa rin iyon nawawala sa isipan nila. "Hindi ko ri
MAAGA pa nang makarating sina Kariel, Darrius, at Darielle kasama na ang kapatid na si Kenneth dahil bakasyon at on leave ito, sa resort na pag-aari ni Kieth. Agad silang sinalubong ng mga staff na may malalapad na ngiti at magalang na pagbati. Napapalibutan ng luntiang mga puno at namumukadkad na mga bulaklak ang paligid, at ang dagat ay kumikislap sa liwanag ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdala ng kakaibang saya sa kanilang lahat, lalo na kay Darielle na namamangha sa tanawin. Puti rin ang buhangin at ang linis tingnan na halatang hindi pinapababayaan ng mga naroon. “Wow, Mommy! Ang ganda dito!” bulalas ni Darielle habang hawak-hawak ang kamay ng ina. “Oo nga, anak. Parang paraiso, hindi ba?” sagot ni Kariel habang malambing na tinatapik ang ulo ng anak. “Paraiso nga ito,” sabat ni Darrius na nasa gilid lamang nila. Ngunit hindi tanawin ang tinitingnan nito kundi si Kariel. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang umiwas si Kariel, na ramdam ang pag-i












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore