Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Sa isang marangyang hotel sa gitna ng lungsod, natagpuan ni Lily May Salvador ang panandaliang paglimot sa sakit ng pagtataksil ng kanyang asawa—sa bisig ng isang misteryosong estranghero. Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay sa kanila, isang sandaling hindi niya inasahang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Ngunit bago pa sumikat ang araw, pinili niyang lumayo, dala ang isang lihim na babago sa kanyang buhay. Siya ay buntis. At hindi lang isa—triplets ang kanyang dinadala. Sa paglipas ng mga taon, matagumpay niyang itinaguyod ang kanyang mga anak, malayo sa anino ng kanilang ama. Ngunit isang araw, bumalik ang kanyang dating asawa, desperadong humihingi ng pangalawang pagkakataon. Kasabay nito, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naganap—ang pagbabalik ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan, ang tunay na ama ng kanyang mga anak. Pareho silang may nais. Ngunit sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, sino ang dapat niyang piliin? Ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso, o ang estrangherong itinakda ng tadhana para sa kanya?
Romance
10384 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Divorce Now, Marry Me Later

Divorce Now, Marry Me Later

"Let's divorce. Bumalik na ang ex-girlfriend ko at kailangan na nating tapusin kung ano man ang nakasaad sa kontrata. Bibigyan kita ng pera para sa panibagong buhay mo.” “Wala bang halaga sa ‘yo ang tatlong taon nating pagsasama para itapon mo iyon ng ganun-ganun lang?” Si Manson, ang asawa ni Claire na gustong makipaghiwalay sa kanya dahil sa pagbabalik ng ex nito. Pero hindi pa man naproseso ang hiwalayan nila ay gusto na agad siyang balikan ng asawa? Gayunman ay tinanggap ni Claire ang asawa pero saka naman niya nalaman na ang kanyang kababata na first love at mahal pa rin niya hanggang ngayon ay bumalik at buhay pa pala? Huli na ba ang lahat para pagsisisihan niya ang naging desisyon niya? Si Lucas, ang lalaking handang magpakamatay para lang iligtas siya. Bago sila ikasal ni Manson ay nagmamahalan silang dalawa. At ngayong bumalik ito ay naging kumplikado ang puso ni Claire. Hihiwalayan niya ba si Manson para kay Lucas?
Romance
1090.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bound to the Billionaire's Vows

Bound to the Billionaire's Vows

Synopsis: Si Allianah ay nag-iisang anak na lumaki nang payapa at malayo sa komplikasyon. Ngunit isang araw, nagulat na lamang siya nang malamang ikakasal siya sa isang bilyonaryong binata, si Ezekiel Salvador. Para kay Allianah, ang kasal na ito ay isang pagkakakulong, dahil wala siyang ibang nararamdaman para sa lalaki kundi galit kahit pa gwapo, mayaman, matalino, at halos perpekto sa paningin ng iba. Ngunit para kay Ezekiel, unang kita pa lang niya kay Allianah sa kanilang mansion ay nahulog na ang puso niya. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang makuha ang dalaga. Habang lumilipas ang panahon ng kanilang pagsasama, natutong magmahal si Allianah at handa na sanang umamin ng damdamin. Ngunit sa oras na iyon, nahuli niya si Ezekiel na kahalikan ang dating kasintahan. Nasaktan, iniwan niya ang asawa at nagpakalayo-layo. Hanggang sa muli silang nagtagpo hindi inaasahan, sa isang restaurant na pag-aari ng ama niya dala ang sugatang puso at nakaraan na hindi pa tuluyang nalulunasan.
Romance
675 viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Kahit Ayaw Mo Na

Kahit Ayaw Mo Na

“Ayokong makiusap sa ‘yo na mahalin mo uli ako, kahit hindi na ay ayos lang. Mamahalin pa rin kita kahit ayaw mo na.” Walang pag-aalinlangang hiniwalayan ni Lilah Daza ang kanyang dalawang taon nang kasintahan na si Alester Hernandez dahil sa pag-aakalang hindi niya ito mahal. Pakiramdam din kasi niya ay pinapaasa lang niya ito sa wala. Pero isang araw, aksidente niyang nakita si Alester na may kasamang ibang babae. Sa kanyang tingin ay nagkakamabutihan na ang mga ito. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit siya nasasaktan gayong wala naman na silang ugnayan pa ng lalaki. Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang tunay na nararamdaman—na mahal niya si Alester at nagsisisi siya kung bakit pinakawalan niya ito nang gano’n-gano’n lang. Ano ang gagawin niya para maibalik sa kanyang piling ang lalaking minsan niyang nasaktan nang sobra? Meron pa nga bang pagkakataon na maiparamdam niya kay Alester ang kanyang tunay na nararamdaman para dito? O mananatili na lang itong masakit na aalala na habang-buhay niyang pagsisisihan?
Romance
1039.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
I'd Rather Fall From Grace

I'd Rather Fall From Grace

Rain
Zarfa was just a simple person who tried her best to help her family. Born and raised in the province of Aether, kasama niyang lumaki ang mga kambing at palayan ng kanyang mga magulang. She was content with the life she had despite the few problems here and there. After all, wala namang problemang hindi malalagpasan basta’t magkakasama, hindi ba? Meanwhile, Vanraj was the crown prince of the kingdom of Terabestia. Palapit na nang palapit ang araw na siya na ang maghahari sa buong lugar. He may have the innate desire to help people but he was uncertain and terrified of what would happen to the people once a man like him inherits the throne. When a series of problems stitched their paths together, they soon become each other’s refuge and solace. But in this universe where deities can interfere with their lives, sa dinami-rami ng mga tao, silang dalawa pa ang napili ng tadhana. As secrets get revealed, so do the deep-seated emotions of love, hatred, suffering, pain and betrayal. Zarfa’s fate to doom seemed to be predetermined before she was even born. If Vanraj wants to save her, he has to give up something. He has to fall from grace. Love runs deep. But there are times— many of them— when it’s not worth fighting for. Lalo na kung marami na ang nadamay at nasaktan, lalo na kung sa tingin mo, wala ng patutunguhan.
Fantasy
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contracted to a Single Dad

Contracted to a Single Dad

Si Lia Constantino ay isang ulila at bayarang babae na nagtatrabaho sa isang club upang suportahan ang kapatid niyang may malubhang sakit. Nang kailanganin ng kapatid ang isang kidney transplant na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso, hindi na alam ni Lia kung paano makakakolekta ng ganitong halaga. Hanggang isang gabi, isang misteryosong lalaki, si Dr. Rabino Castillon, ang CEO ng CST Medical Center at isang single dad na may kambal, ang lumapit sa kanya. Nag-alok ito ng limang milyong piso kapalit ng isang kasunduan: magiging asawa siya ng doktor sa loob ng isang taon at magpapanggap bilang ina ng mga anak nito. Dahil sa hirap ng sitwasyon, at para sa kaligtasan ng kapatid, pumayag si Lia. Ngunit habang nagsisimula silang magsama sa isang bahay, unti-unting nahulog ang loob ni Lia kay Dr. Rabino—isang lalaking mahirap maabot at wala ng interes sa babae. Ngunit kung kailan nahulog ang loob ni Lia sa binata ay siya namang pagbabalik ng dati nitong asawa. Ipaglalaban pa rin ba niya ang pagiging asawa, kahit na ang kasal nila ay isa lamang kontrata? At paano kung may sekreto palang tinatago ang kanyang asawa?
Romance
10507 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Blind Wife of a Mafia King

Blind Wife of a Mafia King

PENWRITES
Lin Gu, a 25 years old girl and a CEO of her own company. Isang babaeng anak ng mafia queen and king. She had a poor boyfriend named Bryan. At palagi niyang ipinaglalaban ang relationship nilang dalawa sa parents niya. Ipinakasal siya ng kaniyang parents kay Haru-anak ng business partners ng parents niya. Ipinasa sa kaniya ang pagiging Queen ng mama niya sa underworld gang at ganon din kay Haru bilang isang king. Masakit para sa kaniya na ikasal sa taong di niya mahal. Dahil pagdi niya gagawin iyon ay papatayin nila ang boyfriend niyang si Bryan. Tomorrow, after their wedding, Lin found out kay Bryan na nakabuntis ito sa ibang babae. Pinilit din siya nito na mahalin si Haru dahil may kaniya kaniya silang responsibilidad na. Makakaya kayang turuan ni Lin ang puso niyang mahalin si Haru? Makakaya din ba ng puso niyang tumayo galing sa pagkalugmok na ginawa ni Bryan sa kaniya? Kung matuturuan na niya ang puso na mahalin si Haru, tama ba ang magiging epekto nito? Lalong lalo na kapag malaman niya ang likod sa pagiging secret agent ni Haru?
Romance
104.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Casa El Mafia: Isiah Jade Stuart

Casa El Mafia: Isiah Jade Stuart

   He is Isiah Jade Stuart, a businessman, gwapo, matalino, misteryoso. Kinakatakutan, walang sinasanto, walang kinatatakutan.     Paano kung iwan siya ng babaeng mahal niya, dahil na rin sa kagagawan niya. Kaya, kaya niyang mabuhay na wala si Amber sa kanyang tabi?    Nathalie Amber De Luca, one of the twin of De Luca Clan. Paano kung isang araw ay magising na lang si Amber na di na siya si Amber? Siya na pala si Abby Cullen na walang maalala sa nakaraan at nasa kamay siya ng kanyang pinsan na si Niccolo De Luca.    Makakawala pa kaya si Amber  sa kamay ni Niccolo lalo na't malalaman niya na ginagamit lamang siya bilang pa-in, para sa pamilya niya at para din kay Isiah? Ano ang mangyayari sa dalawang taong nagkawalay ng matagal na panahon? Ano ang mangyayari sa dalawang puso na nasaktan sa matagal na panahon?   May pag-asa pa kaya na maibabalik nila ang kanilang pagmamahalan? May pag-asa pa kaya na magkita silang muli. Kung sa bawat pagkikita nila ay laging may napapahamak? Kung sa bawat pagkikita nila ay palaging may balakid.
Romance
104.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Downfall He Never Had

The Downfall He Never Had

LichtAyuzawa
For the past years in Arra's life she only wished for her family to have good health and be safe. She's been a servant of god all her life kaya hindi siya nagkakasala intentionally pero dadating sa puntong susubukin ng diyos ang pananampalataya ng isang tao at yun ang nangyari kay Arra nung makilala niya si Prince isang criminology student mula sa universidad ng san juliano. Si Prince ay kagaya din ni Arra na isang servant ng panginoon at masunuring anak pero ang tahimik sanang buhay ng dalawa ay magugulo dahil sa pagtatagpo ng kanilang mga landas at ang sinless nilang pamumuhay ay mababahiran ng makamundong kasalanan na labis nilang pag-sisisihan pero huli na dahil parehas na silang nasaktan. Sa pag-alis ni Arra sa lugar kung saan niya naranasan ang unang sakit ng pag-ibig ay mahanap niya kaya ang kaligayahang matagal niyang ninais? Ano ang mangyayari kung sa pag-alis niya ay makilala niya si Marco isang mayaman at ubod ng bait na lalaking magmamahal sa kanya ng buo. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling magbabalik ang kanyang nakaraan para gulugin ang kanyang tahimik na kasalukuyan.      
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Gabriel Montesilva

Gabriel Montesilva

Reynang Elena
Si Gabriel ay lumaki na isang kahig isang tuka, maaga pa lang ay naulila na siya kaya hindi man lang ito nakapagtapos ng pag aaral at dahil dito ay nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. Mabuti na lang at nakilala niya si Veronica na siyang kumupkop sa kanya at tinuring siyang anak, pero hindi naging madali sa binata ang buhay dahil sa panghuhusga sa kanya ng ibang tao. Makikilala niya si Iya na siyang magpapatibok ng kanyang puso, unang beses niya pa lang ito na makita ay humanga na siya agad dito ngunit magkaiba ang estado ng kanilang buhay at alam niyang malabo siya nitong magustuhan kaya gumawa siya ng paraan para mapalapit dito Ngunit hindi naging madali sa kanilang dalawa ang lahat dahil ilang beses silang susubukin ng tadhana. Hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa pagmamahal? Paano kung isang araw ay malaman mo na ang pinaniniwalaan mong katotohanan ay puro lang pala kasinungalingan? Paano kung ang isang bagay na pinakaayaw mo ay nagawa ng taong mahal mo? Matututunan mo kayang magpatawad at tanggapin ang masalimuot niyang nakaraan alang alang sa pagmamahal? Dignidad. Nakaraan. Katotohanan. Kasinungalingan. Pagmamahal.
Romance
3.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3435363738
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status