Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
OUR THING

OUR THING

Si Talya Cacho ay ang bata na ibinenta kay Geralt Monro, ang pinuno ng pinakamalaking Italian mafia sa Asia. Makalipas ang ilang taon, pinili ni Geralt si Talya para iregalo sa kanyang nag-iisang tagapagmana, ang kanyang nag-iisang anak na si Oliver Monro. Patuloy na pinaglilingkuran ni Talya ang kanyang malupit at malibog na pangalawang amo, si Oliver Monro, hanggang sa mahulog ang loob nito sa kanya. Ngunit may sikreto si Talya na isa talaga siyang sikretong espiya na itinalaga ni Geralt para sa kanyang anak. Dahil sa miscommunication at pagtataksil ng ilang miyembro, mananaig kaya ang tunggalian? Matatapos na ba ang palitan ng putok? Matatanggap kaya ni Oliver Monro na si Talya ang nakatanim na bala para sa pagbagsak ng mafia, paano na ang pag-ibig na nararamdaman ng dalawa?
Mafia
103.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Unconditional

Unconditional

Prinz Amaranthine GonzalesDramaGoodgirlIndependent
Sabi nila, ang buhay daw ay isang walang katapusang pakikibaka. Minsan, ang mga labang kailangan mong pagtagumpayan ay yaong mga hindi mo inaasahan. Handa ka ba sa anumang hamon ng buhay? Gaano kahanda ang puso mo sa mga bagay na ni sa hinagap ay hindi mo akalaing haharapin mo? Paano kung kinakailangan mong mahiwalay sa pinakamahalagang bahagi ng pagkatao mo? muli ka bang babangon para magpatuloy, o hahayaan ang sariling malugmok sa sitwasyong kinalagyan mo? Sa kabilang dako, gaano kalaking sakrepisyo ang handa mong ibigay para sa isang buhay na nakasalalay sayo? Handa mo bang talikdan ang lahat para sa isang responsibilidad na biglang naatang sa mga balikat mo? Ano ang mga hamon na kaya mong suungin, mga pagbabagong kaya mong harapin para sa isang bagay na hindi mo naman lubos na ma-a-angkin? Ang pag-ibig ba ay laging may depinisyon? Lagi ba itong may basihan at kaagapay na kondisyon? Pano kung ang pagmamahal ay ipinagkait ng panahon, mabibigyan pa ba ng isang pagkakataon? Ito ang mga tanong na minsan ko nang naitanong sa sarili ko, at hanggang ngayo'y gumugulo sa isipan ko. Simple lang naman sana ang mithihin ko, subalit bakit ipinagkait ito sa akin? Naalala ko pa kung paano nagsimula ang lahat...
Other
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The 5 Years Contract with Him

The 5 Years Contract with Him

Nagsimula ang lahat nang mabankrupt ang kumpanya ng ama ni Hyacinth Liana Monteverde. Desperado siyang humingi ng tulong kay Damian Cruz, ang ruthless na bilyonaryo. Ang kondisyon ni Damian: Isang limang taong contract marriage, walang attachments, at kailangan niyang makipaghiwalay agad kay Jared, ang kaniyang kasintahan. Ginawa ni Liana ang mabigat na sakripisyo. Matapos ang masakit na breakup, pinirmahan niya ang kontrata, ipinagpalit ang pag-ibig para sa kapakanan ng kanilang kompanya. Sa laro ng kapangyarihan ni Damian, kailangan niyang magpanggap na Fiancée ni Mr. Damian Cruz, sa harap ng media at sa ina ni Damian. Para kay Liana, ito ay purong business; isang labanan para mag-survive. Ngunit habang tumatagal, ang kalkuladong lamig ni Damian at ang bigat ng kanilang kasunduan ay naglalagay sa kaniya sa alanganin. Maiiwasan ba nila ang emosyon sa loob ng limang taon, lalo na kung ang kanilang tadhana ay tila nagtutulak sa kanila na bumasag sa kanilang sariling deal?
Romance
244 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionairess Ex-Husband

The Billionairess Ex-Husband

Si Asteria Bellamy ang future CEO ng kanilang kompanya, ngunit para makuha niya ang posisyon na hinahangad niyang lakbayin ang iba't ibang bansa at makakuha ng mga bagong kaalaman para sa kanilang negosyo. Kayanin niya kaya ito kung ang magiging tourist guide niya ay walang iba kundi si Gray Anderson, ang dating niyang mister? Ano kaya ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa lalo na at engage na ito sa ibang babae? Makakaya ba niyang isakripisyo ang sariling puso niya para sa posisyon na inaasam, o hahayaan itong mawala sa mga kamay niya at bumalik na lang sa dati niyang negosyo na maliit na flower shop? Sa loob ng sampung taon nilang pagsasama sa nakaraan ay magdulot kaya ulit ito upang sila ay magkabalikan? O itatapon na lang nila ito na parang walang pinagsamahan noon? Mapigilan kaya nina Asteria at Gray ang kanilang sarili na umibig muli sa isa't isa? O tuluyan na silang tatangayin ng alon ng pag-ibig at pagkasabik sa isa't isa?
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Affair [FILIPINO VERSION]

My Husband's Affair [FILIPINO VERSION]

Ibinigay ko ang lahat ng mayroon ako para sa kaniya, dahil ganoon ako magmahal. Ang tanging hangad ko lamang ay isang masaya at buo na pamilya kasama siya, ang magkaroon kami ng anak, ngunit tila sa iba niya na pala tinutupad ang aking pangarap para sa amin. Ano nga ba ang kaya mo gawin kung ang lalaki na siyang nangako sa iyo sa altar na mamahalin ka ng tapat, ay patago ka na palang ipinagpapalit?
Romance
1023.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Heiress Bodyguard

Heiress Bodyguard

Blurb: Nang malaman ni Kana Marie Ramirez Palma na bilang na lang ang araw niya sa mundong ibabaw, nagpasya siyang i-enjoy na lang ang sarili sa pamamagitan ng pag-travel. At hindi niya inaasahang makikilala si John Serrano sa isang bar sa Malaysia. At dito niya ipinagkaloob ang matagal na niyang iniingatang perlas. Para sa kanya, para saan pa ang iniingatan kung kukunin na siya ni kamatayan? Si Master Sergeant John Serrano ay isang sundalo na kasalukuyang may misyon sa bansang Malaysia. Pero napagbintangan siya sa isang kasalanang hindi naman ginawa. Nakulong siya ng dalawang taon ngunit nakalaya din para sa isang misyon- ang maging personal bodyguard ng anak ng isang Chief of Staff ng Pinas at ng Bilyonaryang. Ano kaya ang magiging reaksyon ni John kapag nalamang ang babaeng inaakalang nasa langit na ang kanyang magiging amo?
Romance
1056.9K viewsCompleted
Read
Add to library
HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

Miss Robin
Umpisa pa lang ay masidhing pagnanasa na ang naramdaman ni Trevor para kay Heaven, ang maganda ngunit masungit na nurse na minsang nagligtas sa buhay niya. Ginawa niya ang lahat para maagaw si Heaven sa boyfriend nito at masira ang relasyon ng dalawa. Nang magtagumpay si Trevor ay sinamantala niya ang kalungkutan ni Heaven para mapalapit sa dalaga at maangkin ito. Pagnanasang unti-unting nauwi sa pagmamahalan. Pagmamahalang tumatag habang lumilipas ang panahon. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan handa na niyang pakasalan si Heaven ay saka niya na-diskubre na anak pala ito ng taong pumatay sa kaniyang ina. Magawa pa kaya ni Trevor na paghigantihan ang taong labis niyang kinamumuhian? O sapat na ang labis na pagmamahal niya kay Heaven para makalimutan ang mapait niyang nakaraan?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Father's Mistress

Marrying My Father's Mistress

Rainisms
Social climber, goldigger, malandi, mang-aagaw, home wrecker. Ilan lang 'yan sa mga salitang natatanggap ng isang kabit na kagaya ni Eunice, ngunit wala siyang pakialam, manhid na siya sa mga ganuong klaseng katawagan. It's true that she's only up for money, it's her way para matustusan ang mga luho niya. Ang pinakamadaling paraan na alam niya para magkaroon ng mga bagay na gusto niya ng walang kahirap-hirap ay ang makipagrelasyon sa matatandang mayaman. Wala sa kaniya kung may asawa man ito at maging kabit siya. Ang totoo ay mas gusto niyang nakikipagrelasyon sa mga lalaking mas malaki ang agwat ng edad sa kaniya at may asawa na, kaysa sa binata pa. Para sa kaniya ay mas challenging iyon at mas nakakapagpapataas ng kompiyansya niya sa kaniyang sarili.Ngunit tila ba dumating ang karma ni Eunice. Nang makarelasyon niya ang business tycoon na si Emmanuel Montoya, ang dating magulo niyang buhay ay mas lalo pang gumulo. Galit na galit sa kaniya ang asawa at anak ni Emmanuel, dahil sa pagwasak niya sa masayang pamilya nito. Si Joaquin ang nag-iisang anak ni Emmanuel, gagawin nito ang lahat para pasakitan si Eunice. Manaig pa kaya ang galit ni Joaquin kung unti-unti naman siyang nadadala sa mapang-akit na si Eunice? Magawa pa kaya niya ang maghiganti o kagaya ng kaniyang ama ay mahuhulog din siya sa karisma nito?
Romance
958 viewsOngoing
Read
Add to library
Modern Ballad

Modern Ballad

Women. Booze. Casual Sex and repeat. Yan ang nakasanayang buhay ng isang Saint Paris De Luca - isang casanovang bilyonaryo. Pangalang sinisigaw ng mga kababaihan at kinaiinggitan naman ng mga kalalakihan. Ipinangako niya sa sarili na walang babaeng makakapagpaluhod sa kanya sa kahit anong kagustuhan nito. No stress - no love , just sex. Hanggang dumating ang isang araw na aksidente niyang narinig na ipapakasal siya ng mga magulang sa isang babaeng nagngangalang Lois Andromeda Verlice. Isang babaeng ang prioridad ang pamilya at pangarap, malayong malayo sa iniisip niyang katulad ito ng ibang babaeng humahabol sa kanya. Ang babaeng ayaw din sa lalaking babaero tulad niya. At hindi siya pwede matali ng basta basta man lang, hindi niya kayang i-give up ang kalayaang meron siya ngayon bilang binata. Sanay siyang siya ang hinahabol at sinasamba ng mga babae. Kaya naman hinikayat niyang umayon ito sa plano niyang magpapangap silang magkasintahan kalaunan para na rin sa ikakabuti ng kondisyon ng ama niya. He love his life more than ever. Pero paano nalang niya gagawin yon kung araw-araw nito ipinaparamdam sa kanya kung ano ang kulang sa buhay niya. The love he never believe it existed. Mananatili pa ba silang magpapanggap para lang lokohin ang mga sarili nila, na alam nilang sa una palang talo na o mag take ng risk para sa pagmamahal na inaasam nila para sa isa't isa?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2

Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2

Naging bangungot para kay Elise ang naging buhay niya sa piling ng asawa niyang si Kenzo Madrigal. Masakit para sa kanya ang malaman na Kailanman ay hindi siya minahal ng asawa at ang yaman lamang nito na nasa lihim ng kasunduan ang hinantay nito. Matapos ipagtabuyan ng asawa ay umalis ng nangdadalang tao si Elise. Ngunit sa pasya ng tadhana isang taong may mabuting puso ang komopkop sa kanya walang iba kundi Si Kevin Madrigal ang kayang bayaw. Sa tulong at malasakit ni Kevin sa kanya ay nakaraos si Elie sa papghihirap sa papgdadalang tao at sa pamumuhay na mamg isa. Ngunti paano kung ang kapait ng tulong ng bayaw niya ay anng kahilignang bumalik sa mansion at lumaban biang legal na may karapatan ng lahaht ng meron siya bilang isang esposa ng isang Madrigal.Lalaban ba si Elise at pagbibigyan ang pakiusap ng lalaking nagkaroon nang puwang sa kanyang puso o mas pipiliin niya na lamang na manatiling nakatago para manatiling katabi niya si Kevin Madrigal
Romance
1011.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status