Signed To Be His Wife

Signed To Be His Wife

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Oleh:  ELENAOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 Peringkat. 3 Ulasan-ulasan
3Bab
138Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Para kay Ayen Ramirez, simple lang dapat ang buhay—trabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya at isang matinong relasyon na inakala niyang pangmatagalan. Pero nang biglang maospital ang kapatid niya at mangailangan ng malaking halaga, agad siyang lumapit sa boyfriend niya para humingi ng tulong. Ang akala niya, maiintindihan siya nito. Pero sa halip, iniwan siya nito na parang wala lang. In her desperation, isang hindi inaasahang alok ang dumating. Mula mismo sa boss niyang si Justin Berkeley. Mayaman, makapangyarihan, at kilala sa pagiging istrikto, pero may isang bagay siyang wala: isang asawa. Kailangan niya ng kasal para makuha ang mamanahin niya, at kailangan ni Ayen ng pera para sa kapatid niya. Isang pirma lang sa kontrata, at magiging Mrs. Berkeley siya. Walang love, walang intimacy... isang kasunduan lang. Pero paano kung habang tumatagal, unti-unting nagbabago ang lahat? Paano kung ang dating malamig at prangkang boss niya ay may mga tingin at hawak na hindi kasama sa usapan? At paano kung sa isang kasal na peke, isang tunay na puso ang mahulog?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Sinulyapan ko ang nakasaradong opisina ng boss kong si sir Justin Berkeley. Mula roon sa loob ay dinig na dinig namin ang malalakas na sigaw. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan ng opisina at lumabas doon ang isang lalaki na nakayuko at mugto ang mga mata mula sa pag-iyak.

Mukhang natanggal sa trabaho ang lalaki.

"Baka mamaya tayo na naman ang pag-initan ni sir," bulong ni Rita sa tabi ko.

Dali-dali akong tumungo sa pantry at nagtimpla ng kape, tsaka iyon dinala kay sir Justin.

Sa loob ng walong buwan kong pagtatrabo bilang secretary ni sir Justin ay masasabi ko na hindi naman siya mahirap pakisamahan. Kung para sa iba ay nakakatakot ang aura ng boss namin, para sa akin ay hindi. He's just a perfectionist person. Typical na boss. Gusto niya nasa tamang lugar ang lahat. Kaya kung gagawin mo lang ng maayos ang trabaho mo ay magtatagal ka sa kanya.

"Good morning, sir. Here's your coffee," wika ko at inilapag iyon sa table niya.

Nag-angat siya sa akin ng tingin at dinampot ang kape niya. "Where's the document na ipinapagawa ko sayo kahapon?" seryoso niyang tanong.

"Ongoing pa, sir. I'll submit it by tomorrow morning."

"No, submit it today afternoon." Sumimsim siya sa kape niya at muling ibinalik ang tingin sa laptop. "What's my schedule for today?"

May date kami mamaya ng boyfriend kong si Joseph. Nangako ako sa kanya na babawi ako sa mga araw na busy ako sa trabaho dahil ilang date na rin ang parating napupurnada.

"Secretary Ayen," striktong tawag ni sir Justin sa akin nang matagal bago ako sumagot. "I'm asking you."

"Sir!" Mabilis akong umayos ng tayo at binuksan ang tablet ko. "You have... a board meeting at ten, followed by a lunch with Mr. Reynolds at The Oak Room. After that, a call with the investors at three."

"Cancel the lunch meet with Mr. Reynolds."

"Pero, sir, hindi ba't importente sa atin si Mr. Reynolds?" nagtatakang tanong ko.

"I know. Pero hindi ibig sabihin non ay makakandarapa tayo sa kanya. Kailangan natin naiparating sa kanya na mas kailangan niya tayo."

Tumango ako habang bilib na bilib sa dahilan niya, at nilagyan ng ekis ang part na lunch meeting.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Mukhang nakalimutan ko iyon i-silent bago ako umalis sa bahay kanina.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Papatayin ko sana iyon pero nang makita ko ang pangalan ni mama sa screen ay nagdalawang-isip ako.

Hindi naman tatawag si mama kung alam niyang nasa trabaho ako. Madalas ay nag-iiwan lang siya ng mensahe sa akin kung may sasabihin siya.

"Answer the phone call," utos ni sir Justin, hindi man lang nag-angat ng tingin mula sa mga papeles sa harapan niya. Nangingibabaw ang seryosong tono sa boses niya, para bang hindi na niya ako bibigyan ng pagpipilian.

"Ma, nasa trabaho ako," wika ko matapos sagutin ang tawag ni Mama.

"Ayen!" Umiiyak niyang tawag sa akin. "Ang kapatid mo... si Amanda nasa hospital siya ngayon kailangan niya operahan sa puso!"

"Ano?!" gulat kong tanong, napalakas ang boses ko kaya napatingin sa akin si sir Justin. "Bakit siya ooperahan sa puso? Ma, ano bang nangyayari?"

"Sa hospital na ako magpapaliwanag, anak. Puntahan mo na kami rito."

Ibinaba ko ang tawag at tarantang nilapitan si sir Justin. Pero hindi pa ako nagsasalita ay parang alam na niya ang gusto kong sabihin.

"It seems like an emergency. Go ahead," sabi niya.

"Thank you, sir!" bulalas ko sa kanya. Tumakbo palabas ng opisina niya para kunin ang bag ko, at pumara ng taxi papunta sa hospital.

Naabutan ko si Mama sa kwarto ng kapatid ko at nakatatapos lang kausapin ang doctor.

"Ma, anong nangyari? Hindi ba't magaling na si Amanda? Bakit ngayon ay kailangan na niyang operahan?" sunod-sunod kong tanong habang pinagmamasdan ang natutulog kong kapatid.

"Iyon din ang alam ko," iling-iling na sagot ni Mama. "Akala ko ay magaling na siya, pero hindi pa pala. Ilang buwan na rin siyang nakakaramdam ng paninikip ng dibdib, pero hindi niya lang iyon sinasabi sa atin. Ngayon ay malaki na ang butas ng puso niya kailangan niya magpa-heart transplant sa lalong madaling panahon."

"Kung ganon ay gawin na natin agad," determinado kong sabi.

Malakas na nagbuntonghininga si Mama at naupo sa tabi ni Amanda. "Pero, anak... Saan naman tayo kukuha ng malaking pera pa sa operasyon at transplant niya? Ang ipon na meron tayo ay hindi sapat."

Pero hindi rin naman pwede patagalin pa dahil baka hindi na kayanin ni Amanda.

"Ako na ang bahala sa pera. Puntahan mo na ang doctor ngayon para i-schedule ang heart transplant niya."

Lumabas ako ng kwarto para tawagan ang boyfriend kong si Joseph. Joseph is one of a kind. Parati siyang nasa tabi ko kapag may problema at kailangan ko ng tulong niya. We've been too for three years at kasal na lang ang kulang sa amin.

Pero bago ko pa mapindot ang number niya ay nakita ko na siya na lumabas sa elevator. Narito siguro siya dahil nalaman niya ang tungkol kay Amanda.

Lalapitan ko sana siya pero may babaeng sumalubong sa kanya at hinalikan siya sa labi.

"Anong sabi ng doctor? Babae ba raw o lalaki?" excited na tanong ni Joseph.

"Lalaki!" tili ng babaeng kaharap niya.

Hindi na ako nakapagpigil at nilapitan silang dalawa. Sino ba ang babaeng ito? Bakit ganito na lang ang kapit niya sa boyfriend ko?

"Joseph!" tawag ko sa kanya at kumapit sa braso niya. "Joseph, si Amanda... kailangan niya operahan at ng heart transplant–"

Napahinto ako nang alisin niya ang kamay ko sa braso niya at hilahin ang babae papalapit sa kanya.

"Maureen is pregnant. Iʼm going to be a father, Ayen," sabi niya sa akin.

Napasinghap ako sa narinig. "Ano... bang sinasabi mo? Hindi pa naman tayo hiwalay, Joseph."

"Then let's end this! Pagod na ako maghintay na pakasalan mo ako at samahan ka sa mga problema ng pamilya mo!"

Umiling ako at muling sinubukan na hawakan ang braso niya pero tinulak niya ako palayo. "Ang sabi mo ay hihintayin mo ako hanggang sa maging handa na ako?"

"Ilang taon mo pa ba ako gusto paghintayin?Tama na ang tatlong taon, Ayen. Pagod na ako sayo. Gusto ko na lumagay sa tahimik na buhay kasama si Maureen at ang magiging anak namin."

Tinalikuran na nila ako at naglakad papasok ng elevator. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko para huwag gumawa ng ingay sa pag-iyak.

Bakit ngayon niya ako iniwan na kailangan ko siya?

Niloko niya ako at hindi ko man lang iyon nalaman. Sa kabila ng ipinapakita niyang kabaitan sa akin at sa pamilya ko ay may ibang babae pala siya. At nabuntis pa niya ang babaeng yun.

"Wipe your tears," anang pamilyar na boses. "You don't deserve someone like him."

Napahinto ako sa pag-iyak nang makita ang isang kamay at panyo sa aking harapan. Dahan-dahan akong umangat ng tingin at nakita si Sir Justin na nakatayo.

"S-Sir..." Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang mga luha ko. "Anong... ginagawa mo rito?"

"Sinundan kita rito," sagot niya.

Napatitig ako sa kanya. Bakit naman niya ako susundan dito?

"I can help you with your sister's operation and transplant," sabi niya sa mababang tinig, pero sapat para marinig ko.

Napatigil ako, hindi agad nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya, sinusubukang intindihin kung seryoso ba siya.

Kanina pa ba siya narito? Bakit alam niya ang tungkol sa heart ni Amanda?

"Kung totoo man yan ay hindi ko tatanggihan ang alok mo, sir Justin. Kakapalan ko na ang mukha ko ngayon. Kailangan namin ng pera," sabi ko nang diretsahan, pilit nilalabanan ang pag-aalinlangan sa loob ko.

"But in one condition..."

Sabi ko na nga ba. Hindi naman siya aalok ng tulong na walang kapalit. After all, business man siya.

"Anong kondisyon ang gusto mo, sir Justin?"

"I need you to marry me, Ayen... Pakasalan mo ako."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi agad makapaniwala sa sinabi niya. Parang isang bomba ang binitawan niyang salita, at kahit gusto kong magsalita, tila natuyo ang lalamunan ko. Tinitigan ko siya, naghihintay ng kahit anong senyales na nagbibiro lang siya–pero wala. Seryoso siya.

"I need a wife by the end of this month, and you need money for your sister. It's a win-win situation, Ayen. Pero hindi kita pipilitin na magdesisyon ngayon. Kapag nakapag-isip ka na, ay puntahan mo ako sa opisina." Walang bahid ng pagmamadali sa boses niya, pero Naramdam ko ang bigat ng alok na iyon. Bago pa man ako makasagot, naglakad na siya paalis habang inaayos ang cuffs ng kanyang coat.

Totoo ba ito o nananaginip ako? Ang boss kong si Justin Berkeley, ang CEO at may-ari ng Berkeley Empire ay inalok ako ng kasal?

Pero bakit ako?

"Ayen! Tumawag ka ng doctor!" Napatalon ako sa gulat sa sigaw ni Mama.

"Ma, anong nangyayari?" nataranta ako bigla at nilingon ang kwarto ni Amanda.

"Hindi makahinga ang kapatid mo! Tawagin mo ang doctor!"

Mabilis akong tumakbo sa ward ng mga doctor at hinanap ang doctor na naka-assign kay Amanda.

Mula sa labas ng kwarto ay kitang-kita ko na nahihirapan si Amanda at kinakapos ng hangin habang binibigyan siya ng oxygen ng doctor at inaalalayan ng dalawang nurse.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawaga ang number ni sir Justin. Wala pang isang segundo ay agad naman niya sinagot ang tawag ko.

"S-Sir Justin... pumapayag na ako magpakasal sayo. Pakiusap, tulungan mo ako mailigtas ang kapatid ko..."

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Roxxy Nakpil
Highly reccommended ...️
2025-03-19 21:10:37
0
user avatar
Middle Child
more update miss A=)
2025-03-15 17:26:49
0
user avatar
Mairisian
highly recommended! 🤍🫶
2025-03-14 01:33:24
0
3 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status