OPERATION: PROM QUEEN
Bata pa lang ako, problema ko na ang katawan ko—malaki, mataba, at laging tampulan ng tukso. Sa Loarte Academy, ako ang “Balyena Girl.” Self-esteem? Zero. Confidence? Non-existent. Lalo pang lumala nang gawing personal project ni Czarina Mendez, ang reigning Prom Queen, ang pang-aasar sa akin.
Then came Peejay Jimenez—the golden boy, basketball MVP, at campus crush ng lahat. One game, sa sobrang excitement ko sa panalo nila, bumigay ang bleachers at nahulog ako sa braso niya, may donut pa sa bibig! Nakakatawa, pero doon nagsimula ang lahat. Hindi ko alam, matagal na pala siyang may gusto sa akin. Akala ko fairytale na ‘to—until prom night ruined everything.
Habang nakatayo ako sa stage, biglang lumabas sa screen ang edited video ng whale na ako ang mukha—suot ang gown ko. Lahat nagtawanan. Czarina laughed the loudest. Peejay? Wala. Doon ako gumuho.
Pagbalik ko after summer, ibang Gigi na ako—fit, fierce, unrecognizable. With Sergio Martinez, SSC President at dating tagapagtanggol ko, bumuo ako ng plano: maging Prom Queen, durugin si Czarina, at wasakin si Peejay. Pero habang nilalaro ko ang apoy, unti-unti rin akong natutong magmahal ulit—at doon nagsimula ang tunay na gulo.
Sergio uncovered a dark truth: Peejay’s father, Mayor Alfonso, framed Sergio’s dad years ago. Sa prom night revenge finale, bumulaga ang exposé—Mayor arrested, Sergio’s family cleared, Czarina dethroned, Peejay broken.
In the end, narealize ko—hindi revenge ang gusto ko. Gusto ko lang matanggap at marinig. I’m no longer the “Balyena Girl.” I’m Gigi—strong, sassy, and finally free. The best revenge? Growth.